00:00Kinumpirma ng Department of Justice na may bagong nakuhang mga buto ng tao sa Taal Lake
00:06kasunod ng isinasagawang search and retrieval operation sa nawawalang mga sabongero.
00:11Gayunman, pansamantalang itinigil ngayong araw ang paghahanap sa Taal Lake
00:15dahil sa minor phreatic eruption ng vulcang Taal kanina.
00:20Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:24Kinumpirma ng Department of Justice na may nakuhan ng buto ng mga tao sa search dive sa Taal Lake
00:29ngayong araw.
00:30Sa apat na sako na nakuha ng unang batch ng divers ang Philippine Coast Guard,
00:35dalawa dito ay may lamang buto at dalawa naman ay may lamang buhangin na pampabigat.
00:39May nahanap today sa Taal Lake na human remains in the area pointed to us
00:47by our sources that were also identified by Totor.
00:53Two sacks were found and we do not know how many people it belonged to.
00:57Ang lugar naman kung saan mismo nakita ang mga sako ngayong araw
01:00ay eksaktong lokasyon na itinuro ng mga informants ng DOJ
01:04kasama na si Julie Patidonga no alias Totoy kung saan umano itinapon ang mga nawawalang sabongero.
01:10Yung nahanap today sa quadrant na yun sa Taal Lake is a positive indication that he knew what he was talking about.
01:20Kasi nga, andito na nahanap yung na-identify na.
01:24Tinanong yung guide kung saan na pupunta, tinuro nila kung saan pupunta para mahanap.
01:30Yon, true enough, non-denive it on.
01:33Tumbok.
01:34So very reliable ang mga kausap namin ng witnesses actually.
01:37Habang hinihintay ng PTV News Team ang sumunod na batch ng divers,
01:44nagbuga ng usok ang Bulkang Taal na tanaw mula sa Laurel, Batangas.
01:49Makikita nyo sa aking likuran ang minor phreatic eruption mula sa main crater ng Bulkang Taal pasado alas 3 ng hapon.
01:56Ayon sa PHEBOX, 3.01 hanggang 3.13pm nagbuga ng usok ang main crater ng Bulkan.
02:04Tiniyak naman ni PHEBOX Monitoring and Eruption Prediction Chief Maria Antonia Bornas
02:08na lagi nang nangyayari ang minor phreatic eruption simula 2021.
02:13Nasa opposite direction o location din ng Bulkan ang bahagi ng lawa kung saan isinasagawa ang retrieval operations.
02:19Nananatili pa rin na sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, kung saan ipinagbabawal ang pumunta o pumasok sa Taal Volcano Island.
02:28Ayon sa PHEBOX, ang phreatic eruption ay bunsod ng contact ng groundwater sa mainit na bato sa ilalim ng bulkan.
02:34Kasunod ng minor phreatic eruption, wala pang isang oras, bumalik na sa laot ang divers.
02:40Pansamantala muna nilang inihinto ang search ngayong araw habang inihintay ang advice mula sa PHEBOX.
02:46Well, pag hindi healthy, kung ito'y magiging balakid sa health ng tao, tigil muna.
02:53Hindi naman magtutuloy-tuloy ang PHEBOX will advise us kung pwede, kung safe o hindi.
03:00Naging ligtas naman ang retrieval sa kabila ng pagbuga ng usok ng bulkan.
03:04Samantala, ayon kay Rimulya, posibeng may kinalaman pa rin sa isabong ang mga hinukay na labi sa Laurel, Batangas.
03:12Ito mukhang isabong ito eh, yung tatlo. Kasi salipan na wala eh.
03:16Noong 2020, may lumutang na mga katawan sa Taal Lake.
03:22Ito, kinuha ng polis natin, ng polis department at that time.
03:29And then, tignan over sa Polonaria, they were left uncleaned. So they were buried.
03:36Sa bahagi ito na isang public cemetery sa Laurel, Batangas, hinihinalang inilibing ang tatlo sa mga missing sabongeros.
03:45Posible anayang bukod pa ito sa nawawalang 34 sabongero, pero kinakailangan pa rin nila ng DNA testing upang masiguro ang pagkakakilanla ng mga ito.
03:54There was a clue that somebody in our meeting yesterday said that that uniform looked familiar.
04:01Basta merong suot yung, may clothes na hanap that looked familiar.
04:07Eh, iras nabi, iras nabi sa amin.
04:09Basketball uniform.
04:11Basketball uniform.
04:13Sandro.
04:14Nakipag-usap na ang DOJ sa Embahada ng Japan para sa assistance at karagdagang kagamitan para sa DNA matching.
04:21Vel Custodio para sa Pambalsang TV sa Bagong Pilipinas.