00:00Ipinatupad na simula ngayong araw ang 43 pesos na maximum suggested retail price sa imported na bigas
00:08habang pansamantalang ipinatigil ng Agriculture Department ang importasyon ng dalawang uri ng isda.
00:15Yan ang ulat ni Vell Custodio.
00:19Nadatnan namin si Rosalie na bumibili ng 20 pesos kada kilo na NFA rice sa kamunin public market.
00:25Pero dahil lima sila sa pamilya na kumakain, bumibili rin siya ng pandadag na ibang variety ng bigas.
00:32Kaya malaking tipida niya ang patuloy na pagbaba ng maximum suggested retail price.
00:37Lalo na ngayong ibinaba pa sa 43 pesos kada kilo ang premium imported rice simula ngayong araw.
00:42Bumibili po kapag kinakapos po yung bigas na pangkadiwa po.
00:48Malaking tipid siya, makakabili ka pa ng ibang ekstra ng ulam, gulay, pambaon sa school ng mga bata, mga kailangan ng mga bata sa school.
01:00Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnald de Mesa, wala pang isang taon,
01:0515 piso nang ibinaba ng maximum suggested retail price na malaking ambag sa pagbaga ng inflation,
01:11lalo na sa bigas na nakapagtala ng negative inflation.
01:14Simula Enero, 58 pesos ang sineta MSRP sa 5% broken imported premium rice na bumaba pa sa 43 pesos simula ngayong araw.
01:24Sa MSRP we started kundi ako nagkakamali 58, tapos naging 55, tapos naging 52, and then naging 48, naging 45, ngayong July 16 magiging 43.
01:39From 58 to 43, that's a 15 peso drop. Ibig sabihin, more than 1 peso every month na drop ng presyo ng premium imported grade rice natin.
01:54Which nag-pull down din dun sa presyo ng regular at 12 mil.
01:59Kung babalikan, bago pa ipatupad ng MSRP para sa premium imported rice, umabot ang presyo nito sa 60 hanggang 70 pesos kada kilo.
02:09Pero ayon sa DA, simula na magpatupad ng MSRP sa imported na bigas, mas nakakasabay na ang Pilipinas sa pagbaba ng presyo ng bigas sa world market.
02:18Ayon sa DA, sa nalalapit na State of the Nation Address ng Pangulo, isa sa inaasahang highlight ay ang pagbaga ng inflation sa pagkain, lalo na sa bigas.
02:28Patunay lamang ito na efektibo ang hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:35para pababain ang presyo ng pangunahing pangangailangan kagaya ng bigas para sa food security.
02:40Samantala, pansamantala na rin ipinahihinto ng DA ang importasyon ng isda, particular sa Macarill at Galunggong,
02:49dahil sa magkakasunod ang misdeclarations sa fish imports, paraan ito para protektahan ang mga manging isda at mas siguro ang market stabilization.
02:58VEL PUSTODIO para sa Pampansang TV sa Bagong Pilipinas