00:00Sa ibang balita, Sen. Riza Honteveros bukas na sumali sa tinaguriang Veterans Block.
00:06Bukod sa usapin ng leadership, mga mamumuno sa iba't ibang komite ng Senado,
00:11inaabangan din si Daniel Manalastas sa Sentro ng Balita.
00:16Bukas daw si Sen. Riza Honteveros sa lahat ng posibilidad,
00:20kabilang na ang pagsali sa tinaguriang Veterans Block na kinabibilangan ng bloke nila Sen. Tito Soto.
00:27Sabi ni Honteveros, bukas siya sa mga posibilidad na nakaangkla sa kanyang nais na mapalakas ang oposisyon para sa 2028 at mga susunod pang taon.
00:37Pero paglilaw ng Senador, sa July 28 pa talaga malalaman ang pinakapinal na desisyon.
00:43Sabi ni Soto, welcome si Honteveros sa kanilang grupo.
00:47Ang integridad at reputasyon daw ng Senadora ay palaging magiging aset sa Senado.
00:53Ang grupo nila Soto ang maugong na posibleng tumapat sa grupo nila Sen. President Francis Escudero sa tapatan sa Sen. leadership.
01:02Subalit, nadagdagan na naman ang mga Senador na nagkumpirma ng pagsuporta kay Escudero para manatiling SP.
01:08I'm for cheese. Ako ay kay cheese. Now it's up to you. Hindi kita pwedeng titahan kung sinong gusto mo.
01:16Sabi niya din na kung kay cheese ka, sige.
01:19And then sinabi ko sa kanyang dahilan at nakita niya magandang reason na binigay ko sa kanya.
01:23Kaya sumaayin siya sa akin.
01:25Agresibo siya pag meron siya mga bills na gusto mapasay, especially mga tinatawag na priority bills.
01:30Pinupost niya talaga.
01:31Sa isang post naman sa ex, nilinaw ni Senador Kiko Pangilinan ang mga pahayag na lumabas na nagdesisyon siyang sumali sa majority block sa Senado.
01:40At siya ay magiging chairperson ng Agriculture Committee.
01:44Sabi ni Pangilinan, premature pa ang anunsyong ito at base sa rules ng Senado,
01:49ang bawat chairperson ng kumite ay kailangan pa ng boto ng bawat senador sa plenario.
01:54Hindi niya raw gustong pangunahan ang desisyon ng kanyang mga kasamahan.
01:58Magiging pinalan din daw ang kanyang desisyon kung sasali nga sa majority block sa July 28 pa.
02:05Daniel Manastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.