00:00Pusibleng iproclama na ng Commission on Elections ang 12 nanalong senador at ilang party list groups sa Sabado.
00:08Yan ang ulat ni Luisa Erispell live. Luisa.
00:13Maan, isa-isa na ngang napoproclama ang mga kandidatong nanalo sa municipal, city at provincial level.
00:21Kaya naman ang inaabangan ngayon matapos na ang ginagawang pagbibilang ng boto ng National Board of Canvassers para sa proklamasyon ng mga mananalong senador at party list.
00:35Kung kagabi, isa-isa na ng naproclama ang mga nanalo sa municipal level at ngayong araw ay mga gobernador at kongresista naman ang napoproclama.
00:44Inaabangan na rin ang proklamasyon para sa mga nanalo sa national positions na senador at party list organizations.
00:52Kaya naman tuloy-tuloy na rin ang canvassing ng National Board of Canvassers sa Manila Hotel, 10th City.
00:57Ayon kay Comalic Chairman George Irwin Garcia, kung magiging mabilis ang pagtanggap nila ng certificates of canvas mula sa mga probinsya, highly urbanized cities, local absentee voting at overseas absentee voting sa Sabado, posibleng makapagproclama na sila ng mananalo.
01:14Pero siyempre kailangan ang Comalic, 100% ang canvas. Wala dapat isaman na COC ang maiiwan sa pag nagka-canvas ang Comalic.
01:26Nasa 175 ang kabuoang bilang ng certificates of canvas na kailangan nilang buksan at bilangin. Ngayong araw, labing tatlo ang nabuksan na ng Comalic.
01:35Ito ay sa local absentee voting Timor Leste, Brunei, Cambodia, Japan at iba pang lugar.
01:41Tiniyak naman ang poll body bago silang magproclama, 100% na ang nakanvas o nabilang nilang boto.
01:48Samantala sa partial and unofficial results naman na lumalabas sa transparency server, nilinaw ng Comalic na walang nawala na boto.
02:03Nang taong bayan, matapos nga mabago at mabawasan ang bilang ng boto sa ilang mga kandidato, kaninang alas dos ng madaling araw.
02:10Sa simpleng paliwanag ng Comalic, dumodoble kasi ang pagta-transmit ng election results ng mga presinto.
02:17Nakakasama sa ikawlawang beses o ikatlong beses na transmisyon, ang mga nauna ng napadala ng mga presinto.
02:24Dahil dito, kinailangan nilang ipaayos at ipalinis sa ibang tumatanggap ng transparency server ang inilalabas nilang talid, partial and unofficial results.
02:34Kung sa second 15 minutes, ito yung first 15 minutes, sa second 15 minutes, may panigbago na namang tatlo na presinto ang nakatapos.
02:49Nangangahulugan, padala ulit, pero ang matatanggap nitong mga entities na ito, PPCRB, NAMFRL, Media, Majority, Minority, magiging lima na presinto.
03:06Kasama yung unang dalawa na naipadala na.
03:10Kinakailangan nyo yung program na yan.
03:13Meron po kasi mga entities na sumunod na gawa ng program.
03:16At meron po mga entities na hindi nagkaroon ng sinasabing program.
03:23Nanindigan din naman ang COMELEC walang dayaan o dagdagbawas na nangyari.