00:00May bago ng makakalaban ang Tokyo 2020 Olympic Bronze Medalist na si Yumir Marshall sa Pacquiao Barrios Clash
00:07sa darating ng July 20 oras sa Pilipinas na gaganapin sa Las Vegas, Nevada.
00:13Makakaharap ng 29-year-old Filipino pugilist ang American boxer na si Bernard Joseph sa 8th round middleweight bout.
00:20Ito ay dahil matapos magkaroon ng undisclosed injury ang original na kalaban ng Filipino boxer na si Alexis Gaitan ng Mexico.
00:28Sinabi ni MP Promotions President Sean Gibbons na hindi biro ang new opponent ni Marshall at mas matinding laban ang magaganap kumpara sa contra-Mexican.
00:39Ang 35-year-old Massachusetts representative ay may record na 11-2-1 win-loss draw record with 5 knockouts at kilala
00:48sa pagiging mahusay na manlalaro na posibleng magbigay ng mabigat na laban para kay Marshall.
00:53Samantala, nagpapatuloy naman sa matinding pag-iensayo si Yumir kasama ang pambansang kamao,
01:00Manny Pacquiao na kanyang naging inspirasyon.
01:03Dahil dito, mas naging motivated sa kanyang training ang Pinoy boxer,
01:06kasama si na Mark Magsayo, Jerwin Ancajas at Carl James Martin sa Griffith Park and Wild Card Gym sa Los Angeles simula pa noong Mayo.
01:16Ayon kay Marshall na magandang opportunity na makasama ang pambansang kamao sa bawat ensayo.
01:23Dagdag pa niya na nasa maayos naman ang lahat at gagawin niya ang kanyang trabaho kung kaya't handa na siya kung sino man ang makakaharap niya sa laban.