00:00Inaasahang darating na ang remotely operated vehicle na makakatulong para mapadali ang search and retrieval operations ng mga otoridad sa Taal Lake.
00:10Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi biro ang hamong kinaharap na ganilang divers dahil sa zero visibility na tubig at pabago-bagong panahon.
00:20Si J.M. Pineda sa Sentro ng Barita, live.
00:22Ayon, isa nga sa pagsubok na kinakaharap ng mga technical divers dito sa Laurel Batangas sa kanilang search and rescue or search and retrieval operation ay yung pabago-bagong panahon dito sa Laurel Batangas.
00:37Kasama na nga dyan yung maburak at maputik na sitwasyon sa ilalim ng dagat.
00:43Kaya naman, isang ROV o remotely operated vehicle ang ipapadala nila para makatulong sa search and retrieval operation.
00:53Pasado alas 7 kaninang umaga nang simulang sumisid sa Taal Lake ang grupo ng mga technical wreck drivers na ito mula sa Philippine Coast Guard.
01:01Pangapat na araw na ng diving operation ng PCG para sa search and retrieval ng mga buto o mano ng mga nawawalang sabongero.
01:07Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay PCG spokesperson Captain Noemi Kayabiyaba, sinabi nito na nasa higit 40 nakawanin ng PCG ang nagpapapalit-palit sa pagsisid at paghahanap sa ilalim ng Taal Lake.
01:19Ang ginagawa natin sa araw-araw na diving operation, nagdalagay tayo ng 2 teams.
01:25So morning and then pm, so may times na nagti-tree teams pa tayo.
01:30So depende. So like for example kung maganda ang panahon, so may na-maximize natin yan.
01:36Kasi napapansin natin pag afternoon medyo masama ang hangin or matakas ang hangin.
01:42Ramdam pa ni numano ng grupo ang hirap ng sitwasyon sa ilalim ng tubig, lalo pa at halos zero visibility na kapag lumubog.
01:48Sa video naman nakuha ng PCG, makikita nga ang halos kulay putik na tubig sa lawa.
01:54Kinakailangan pa natutukan ng flashlight para lang may makita ang mga tropang subisisid sa ilalim.
01:59Ang iba pa nga daw, kinakailangan pang kapain ng mga bato at lupa para makumpirma kung ito ba ay mga buto.
02:05Hindi umano ganun kadali ang pagsisid sa Taal Lake, lalo pa sa tindi ng panahon sa lugar na kung minsan ay pabago-bago.
02:12Again, naka-alert level status pa rin yung Taal Volcano.
02:15And kung hindi man umuulan, Alan, ang possible challenge natin is yung heat stress for our technical divers.
02:23Kasi as of the moment, meron tayong nakakapag-record tayo ng 30 to 32 degrees Celsius sa ilalim ng tubig.
02:31So imagine yung init and then nagdi-zero visibility ang tubig.
02:37Isa pa daw sa discarding ginagawa ng mga divers ay iniisa-isa nila ang mga sakong nakakapas sa ilalim para makita ang laman ng mga ito.
02:44May mga sakong rin daw na halos wasak na at gula-gulanip pa.
02:48Simula rin July 11 o nung unang araw ng pagsisid na mga technical divers ay nage-extend na sila ng kanilang searching area
02:54at minsan ay lumilipat pa ng lugar para mas mapabilis ang paghahanap sa ilalim ng tubig.
03:00Umaabot-umano sa isa't kalating oras ang kapasidad ng paglubog ng mga divers sa lawa.
03:04Inaasaan naman na darating ngayong araw dito sa Laurel Fishport ang ROV o Remotely Operated Vehicle
03:10na makakatulong sa mga technical divers sa kanilang search and retrieval operation.
03:14Mas malawa kasi ang magagawa ng makinang ito kumpara sa manumanong pagsisid na mga tauan ng PCG.
03:20Isa ito sa makakatulong sa mga divers na itin because it has the capacity to see underwater hanggang 1,000 feet.
03:28So it has also the capacity to pick up or grab an object hanggang 10 kilos.
03:33So ito ay may camera and ang maganda dito, bukod doon sa lalim na pwede niyang makita, gumagalaw rin ito.
03:43So itong ROV na magagamit natin, ang operating hours niya is halos 4 na oras and then bibigyan lang siya ng time to rest for an hour and then it can resume again its operation.
03:54Sa ngayon, nasa limang sako na umano ng buto ang narecover ng PCG at nai-turnover sa Soko para sa forensic investigation kung saan dito kukumpiramahin kung buto ba ng mga tao ang mga nakuha sa ilalim ng Tal Lake.
04:07Naomi, sa ngayon nga ay anumang oras ay inaasahan na posibleng darating na yung ROV dito sa Laurel Fishport.
04:16Sabi kanina ng PCG, bandang alauna yung pagdating dito dahil bumiyahe mula sa headquarters ng PCG yung ROV na ang alas 9 ng umaga.
04:25Kaya inaasahan mga anumang oras ngayon ay darating na dito yung makinang iyon na magagamit din ng mga technical divers sa kanilang search and retrieval operation.
04:35Isa rin sa tiniyak ng PCG sa pamilya ng mga kaanak ng mga nawawalang sabongero.
04:41Natitiyakin nila na bibigyan sila ng ustisya dito sa paghahanap, dito sa Tawa at Taal Lake.