00:00Tumutulong din ang Philippine Coast Guard para mapabilis pa ang paghahatid ng tulong sa mga residenteng apektado ng pagputok ng Mount Canlaon sa Negros Island.
00:09Ayon sa Coast Guard District Southern Visayas, tumutulong ang kanilang mga tauhan sa pag-assist ng transportation ng family food packs at tents mula sa designated government warehouses.
00:19Particular na dito ang DSWD Regional Warehouse sa Bacolod City at NFA Warehouse sa Gihulingan, Negros Oriental.
00:27Pagtitiyak ng PCG, kaisa sila sa pag-abot sa ating mga kababayang nangangailangan lalo na sa mga apektado ng kalamidad.