Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
The southwest monsoon or “habagat” continues to affect parts of the country, while another Low-Pressure Area (LPA) may develop in the coming days, said the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) on Sunday, July 13.

READ: https://mb.com.ph/2025/07/13/habagat-continues-to-bring-rains-cloud-clusters-east-of-mindanao-may-develop-into-lpa-pagasa

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magda umaga po at live mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
00:05Narito nang lagay ng ating panahon ngayong araw nga ng Linggo, July 13, 2025.
00:11At sa ating pinakainilabas na update, particular na po sa mga ating mga thunderstorm advisories,
00:17muli po inanyanyahan namin kayong bumisita sa panahon.gov.ph
00:22kung saan makikita nga yung mga latest update, particular na sa mga inilalabas sa mga thunderstorm advisories
00:28at mga rainfall information ng iba't ibang mga regional offices ng Pag-asa sa buong bansa.
00:34As of 3.58am nga, naglabas po ng thunderstorm advisory ang Visayas Pag-asa Regional Services Division.
00:41Pusibling makaranas sa mga thunderstorm ang bahagi po dito sa may area ng Leyte
00:45hanggang mamayang bandang alas 5 o alas 6 ng umaga.
00:49So para po sa mga latest update, maaari tayong pumunta dito sa panahon.gov.ph
00:54para sa magiging lagay particular na ng mga thunderstorm advisories, rainfall information
00:59at mga general flood advisories sa buong bansa.
01:03At sa ating latest satellite images naman, makikita po natin patuloy pa rin yung pag-iral
01:08ng southwest monsoon o habagat.
01:10Ito pa rin yung magdadala ng mga pag-ulat, malaking tsansa ng maulap na kalangitan.
01:14Particular na sa kanunurang bahagi ng Central Luzon, yung Bataan-Sambales,
01:18ganoon din yung Batangas at Cavite at ang nalalabing bahagi o malaking bahagi ng Mimaropa.
01:25Malaki din yung tsansa ng mga pag-ulan sa bahagi ng western Visayas,
01:29Negros Island Region sa Visayas at ganoon din dito sa may Zamboanga Peninsula at Barm
01:34sa may area naman ng Mindanao.
01:36Ang nalalabing bahagi ng ating bansa, makikita nyo lalo na dito sa may northern Luzon,
01:40halos walang masyadong kaulapan, ay inaasahan pa rin natin generally fair weather po
01:45sa nalalabing bahagi ng ating bansa, pero posibli pa rin yung mga thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
01:51Makikita din naman natin, meron pong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
01:56Meron na po itong international name na Nari.
01:58Isa pong tropical storm itong si Nari at nasa mayigit 2,000 km east-northeast ng extreme northern Luzon.
02:05Walang magiging direktang epekto itong bagyong si Nari sa ating bansa.
02:09At ito nga ay patungo na sa bandang Japan.
02:12Posibli po itong mag-landfall or tumungo sa may area ng Japan bandang araw ng Martes or Mierkoles.
02:20Ito pong Nari ay mula sa bansang South Korea, nang ibig sabihin po ay lili.
02:25At samantala naman dito sa ating bansa, meron pong cloud clusters o kumpul ng kaulapan dito sa may silangan ng Mindanao.
02:33Minomonitor po natin yan dahil posibli itong maging low pressure area sa mga susunod na araw.
02:38At magbibigay po tayo ng update, particular na nga dito sa cloud clusters sa may silangang bahagi ng Mindanao.
02:45Nakikita rin po natin mga kababayan this week, lalo na bandang araw ng Huwebes, Biernes,
02:49muning lalakas itong habagat.
02:51Kaya posibling maapekto na naman ang malaking bahagi ng ating bansa,
02:54lalong-lalo na sa may western section ng Luzon at Visaya.
02:58So magbibigay po tayo ng update, lalong-lalo na sa magiging tayo po nitong habagat
03:02at itong kumpul ng kaulapan o cloud clusters sa mga susunod na araw.
03:08At dito nga sa Luzon, ngayong araw, inaasahan natin malaking chance pa rin ng mga pagulan
03:13at maulap na kalangitan sa bahagi ng Zambales, Bataan,
03:18gayon din sa Cavite at Batangas at sa malaking bahagi ng Mimaropa.
03:23Asahan naman natin, generally fair weather sa nalalabing bahagi ng Luzon.
03:28Itong Northern Luzon nga, nalabing bahagi ng Central Luzon.
03:31Itong Metro Manila, Southern Luzon, kasama dyan yung Calabar Zone,
03:34nalabing bahagi ng Calabar Zone at Bicol Region.
03:38Yung agwat ng temperatura natin sa lawag, 25 to 32 degrees Celsius.
03:42Sa Tuguegaraw, 25 to 33 degrees Celsius.
03:45Sa bagay naman, 17 to 23 degrees Celsius.
03:47Habang sa Kamainilaan, 25 to 31 degrees Celsius.
03:51Sa Tagaytay, 23 to 29 degrees Celsius.
03:54Sa Legaspi, 27 to 32 degrees Celsius.
03:58Dumako tayo sa Palawan, Visayas at Mindanao.
04:00Inaasahan din natin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pagulan
04:05pagkilat-pagkulog sa may bahagi ng Palawan.
04:07Ang agwat ng temperatura sa Calayan Islands, 25 to 31 degrees Celsius.
04:11Habang dito sa Puerto Princesa, 25 to 31 degrees Celsius.
04:16Magiging maulap din ang kalangitan sa bahagi ng Western Visayas at Negros Island Region.
04:21Dulot po yan ang habagat.
04:22Ang nalalabing bahagi naman ng Visayas ay makararanas ng mga isolated o pulo-pulong pagulan
04:28pagkilat-pagkulog sa hapon hanggang sa gabi.
04:31Agwat ang temperatura sa Iloilo, 25 to 31 degrees Celsius.
04:35Sa Metro Cebu naman, 26 to 32 degrees Celsius.
04:38Habang sa Tacloba, nasa 26 to 32 degrees Celsius.
04:42Malaki rin yung chance na mga pagulan sa bahagi ng Zamboanga Peninsula at Barm.
04:47Dulot din ng hanging habagat.
04:49Habang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng generally fair weather
04:54na may mga isolated o pulo-pulong pagulan, pagkilat-pagkulog sa hapon hanggang sa gabi.
04:59Agwat ang temperatura natin sa Zamboanga City, 24 to 32 degrees Celsius.
05:04Sa Kagende Oro naman, nasa 23 to 32 degrees Celsius.
05:07Habang 25 to 32 degrees Celsius naman sa bahagi ng Davao.
05:13Sa lagay naman ng ating karagatan, makikita po natin walang nakataas na gale warning
05:16sa anumang bahagi ng ating kapuluan.
05:19Habang inaasahan natin na katamtaman ang magiging pag-alo ng karagatan
05:23sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.
05:25Habang banayad hanggang sa katamtaman naman na magiging pag-alo sa nalabing bahagi ng ating bansa.
05:31Maaring pumalaot yung mga sakyang pandagat at mga bangka sa mga baybayin ng ating kapuluan.
05:36Samantala naman, mag-ingat pa rin kapag may mga thunderstorms
05:39na maaring magpalakas ng alon ng ating karagatan.

Recommended