Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hiniimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang gobyerno na hilingin ang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
00:09Ang sagot ng Malacanang, sa pagsaksi ni Mark Salazar.
00:17Sa inihaing resolusyon ni Sen. Alan Peter Cayetano, hinihimok ang gobyerno na hilingin sa International Criminal Court na bigyan ang interim release si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:28Maaari daw itong house arrest o iba pang arrangement sa loob ng Philippine Embassy sa Daheg.
00:34Ayon pa sa resolusyon, makagaganda sa kalusugan ng may edad na na si Duterte kung may makakasalamuha siyang pamilya at kaibigan.
00:43Dagdag nito dapat ratuhin inosyente si Duterte hanggang hindi napapatunayan guilty.
00:48Reaksyon ng Malacanang dito?
00:50Kung may ganyan pong mga suggestion mula kay Sen. Alan Cayetano, noted.
00:54Hindi na po makikialam ang Malacanang on this matter?
00:59Sa mabibigay ko lang po ngayon, noted.
01:02Thank you, ma'am.
01:03May inihain ng petisyon sa ICC ang mga abogado ng dating Pangulo para sa kanyang interim release.
01:09Hindi Senado ang magtatakda o magpo-propose ng ganitong conditions o kaya circumstances, kundi ang defense.
01:18Sa ngayon, walang personalidad ang Philippine government or even the Senate of the Philippines dun sa kaso ni Duterte sa ICC.
01:27Kaya ang tingin ko, maaaring mabaliwala ito maliban kung lalapit siya sa defense para ipanukala itong ganitong mga kondisyones.
01:38May bigat man legal o wala ang resolusyon ng Cayetano.
01:42Kabado raw ang pamilya ng EJK victims tuwing napapag-usapan ng interim release.
01:46Alam naman natin na maraming supporter pa rin ang dating Pangulong Duterte at ang resolusyon nito ay magbibigay ng sinyalis para bang wala siyang pananagutan doon sa mga naganap na mga pagpaglang.
02:00Kung pinagmamalasakitan anila ni Cayetano si Duterte, sana ganun din sa mga mahihirap na pamilyang biktima ng extrajudicial killings.
02:08Marami po mga pamilya ng biktima, mga nanay, mga lola, namatay na po sa pagkakatakit at sa kanilang pagpanaw, wala, hindi nila nabanagan yung ustisya.
02:22Kaya po yung ganitong resolusyon ay napaka-isang panig.
02:27Hinihingi pa namin ang tugon ni Senador Cayetano dito.
02:30Para sa GMA Integrated News, ako si Mark Salazar, ang inyong saksi.
02:36Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:40Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended