Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay spokesperson ng NCRPO, PMAJ. Hazel Asilo ukol sa paghahanda ng NCRPO para sa nalalapit na SONA ni PBBM

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagkahanda ng NCRPO para sa nalalapit na zona ng Pangulong Marcos Jr.,
00:04ating alamin kasama si Police Major Hassel Asilo,
00:08ang tagapagsalita ng National Capital Region Police Office.
00:12Major Asilo, magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali po sa lahat.
00:17Kamusta po ang paghahanda ng NCRPO para sa ikaapat na State of the Nation Address
00:22ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.?
00:25Ang National Capital Region Police Office po ay nasa ganap na kahandaan
00:29para sa nalalapit na ikaapat na State of the Nation Address
00:32ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:35Sa direktiba po ni Police Major General Anthony Aberin,
00:38ang aming Regional Director,
00:39isinagawa po ang masusing pagpaplano, pre-deployment,
00:42pre-sing at simulation exercises
00:44upang matiyak ang siguridad at kaayusan sa lahat ng mga lugar
00:48na may kinalaman sa aktividad.
00:50Ang buong pwersa ng NCRPO ay nakatoon sa pagtupad ng kanilang tungkulin
00:54ng may disiplina at profesionalismo.
00:56Alinsunod sa direktiba ni Chief PNP, Police General Nicolas Torre III
01:01na nagtataguyod ng Swift and Responsive Police Service.
01:05Major, ilang pulis po ba ang i-deploy ng NCRPO
01:09at saang mga lugar po sila nakatutok?
01:12Ang NCRPO po ay magde-deploy ng 15,076 na pulis
01:17at ito po ay tututok sa batasan complex,
01:21mga ruta ng DIT movement, designated protest areas, media zones
01:26at mga medical evacuation points.
01:28Bukod po rito, may mga pulis din po itatalaga sa border control points,
01:32checkpoints, landing zones at mga MAC or yung mga advanced command post po natin
01:38para sa command and control coordination.
01:40Paano naman po nakikipag-ugnayan ng NCRPO sa ibang units ng PNP
01:45at maging sa ibang concerned agencies para sa seguridad po sa SONA?
01:51Opo, mahigpit po ang ginagawang koordinasyon ng NCRPO sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
01:56tulad ng Armed Forces of the Philippines, MMDA, local government units
02:01at maging sa mga intelligence community upang matiyak ang interoperability
02:05at green time communication sa araw ng SONA.
02:08Sa ilalim po ng Joint Operation Center Command,
02:11aktibong tinututukan ng information sharing, threat validation at deployment adjustments.
02:16Kasama rin dito po sa ugnayan ang mga medical units, traffic enforcers at emergency response teams
02:22upang matugunan ang anumang contingency.
02:27Inatasan din po ni PNP Chief Police General Nicolás Torre III
02:31ang NCRPO na magsagawa ng threat assessment.
02:34Ano po ang nga pagtugon ng NCRPO dito?
02:38Bilang tugon po sa direktiba ni Police General Nicolás Torre III,
02:42agad pong nagsagawa ng honest to goodness threat assessment ang NCRPO
02:45na pinangungunahan ang ang regional director.
02:48Kabilang po dito ang intelligence fusion meetings,
02:52validation ng mga natanggap na informasyon at site inspection sa mga identified critical areas.
02:57Layon po nito na matukoy ang anumang bagtas at siguridad
03:00at agad pong man-neutralize sa pamamagitan ng pre-emptive operations
03:05at focused law enforcement activities.
03:07Major, ano po ba yung mga kabilang sa mga ikinukonsidera sa sinasabing yung threats, no?
03:14Doon sa threat assessment na ito?
03:16Asama po sa mga pangunahing ikinukonsidera na threat assessment
03:22ang mga potential security threats mula sa lawless elements o threat groups.
03:27Kabilang din po dito yung intelligence reports ukol sa planong kilos protesta o civil disturbances,
03:33possibility po ng sabotage o disruption sa VIP routes at activity areas,
03:39crowd behavior, logistical vulnerabilities at natural hazards.
03:43Ganun din po yung presence ng suspicious items o persons sa mga designated zones.
03:47Ang mga ito po ay sinusuri batay sa kasalukuyang security landscape ng Metro Manila
03:52upang makabuo ng tamang deployment at contingency plans.
03:55Major, paano naman po tutugan na ng polisya, particular ng NCRPO,
04:02ang mga magsasagawa ng rally sa araw ng Sona ng Pangulo?
04:08Bilang pagpagtanggol ng karapatan at kaisa,
04:11makahanda po ang NCRPO na tiyakin ang Peaceful Assembly ng mga rallyista.
04:16Ito talaga po ang ating mga CDM o yung mga civil disturbance management teams.
04:20Kabilang po dito yung nasa 5,368 na CDM personnel at 681 dagdag na CDM personnel sa kanilang mga AORs.
04:32Ito po yung mga nakastandby upang magpatupad po ng maximum tolerance at crowd control measures.
04:38May mga designated protest zones po na itinalaga at mahigpit ang palala sa parehong grupo,
04:44yung mga pro at anti-administrasyon na sumunod sa itinakdang panuntunan upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
04:52Okay, Major, mensahe o paalala nyo na lang po sa ating mga kababayan?
04:55Sa ating mga kababayan, hinihikayat po namin ang pakikiisa para sa isang payapa at ligtas na pagdaraos ng State of the Nation Address
05:04ng ating Pangulo, ang inyong kabulisan sa NCRPO, sa pangunguna po ng aming Regional Director,
05:10si Police Major General Anthony Aberin ay patuloy na maglilingkod ng mabilis, maayos at tapat,
05:16alinsunod sa adikain ni Police General Nicolás Torre III na Swift and Responsive Police Service.
05:21Kung may makita po kayong kahinahin na lang bagay o kilos, agad po itong i-report sa pinakamalapit na polis o sa aming mga hotlines.
05:29Sama-sama po tayong magbantay at mag-ingat para sa kapakanan ng lahat. Maraming salamat po.
05:35Okay, maraming salamat po sa inyong oras.
05:37Police Major Hazel Asilo, ang tagapagsalita ng NCRPO.
05:42Maraming salamat po.

Recommended