00:00Pinalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga Public Utility Vehicle Operator na sundin mabuti ang anti-sardinas policy o iwasan magsiksikan ang mga pasahero sa kanilang sasakyan.
00:15Ayon kay LTF RB Chairman Cufilo Guades III mismo, ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagutos na gawing ligtas, komportable at kaaya-aya ang lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa.
00:30Para sa mga Asian Utility Vehicle, dapat siyam lang ang sakay o pasahero kasama na ang driver.
00:40Sampu naman ang pasahero sa mga regular vans, labing dalawang pasahero naman sa extended van, samantala nasa labing dalawa lang hanggang tatlong put dalawa ang pasahero sa mga traditional jeepney at modern jeepney.
00:54Nasa limampu naman ang pasahero sa mga public utility bus, tiniyak ni Guades na pagmumultahin ang mga operator na lumalabag sa batas.