00:00Sa ibang balita, kasunod ang pagtaas ng employment rate sa bansa.
00:03Paigdigin pa ng Department of Labor and Employment ang mga programang magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
00:10Samantala, diniport na ang mga foreign national na nagtatrabaho sa mga pinasarang Pogo Hub.
00:18Yan at ibang express balita ni Floyd Brenz.
00:21Palalakasin ng Department of Labor and Employment ang kanilang mga programa na maghahatid ng trabaho sa ating mga Pilipino.
00:30Yan ay kasunod ng pagtaas ng employment rate sa Pilipinas na pumalo sa 96.1% noong Mayo.
00:38Target din ang Labor Department na malampasan pa ang naitalang mahigit 50 milyong labor force participation sa bansa.
00:46Alinsunod na rin sa kanilang Philippine Development Plan.
00:49Pumabot na sa halos 4,000 foreign nationals na na-report ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK
00:58matapos na nagtatrabaho sa mga sinalakay at naipasarang Pogo Hub.
01:03Sa programang Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni Undersecretary Gilbert Cruz na maliliit na Pogo Hub na lang ang nag-ooperate sa bansa.
01:11250 million dollars ang planong ilaang pondo para sa bagong infrastructure projects para sa aquaculture.
01:20Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalaga pa rin ang pagpapatupad ng close fishing season para may panahong magparami ng mga isda.
01:29Samantala, tumaas naman ang fish production sa Ilocos Region ngayong taon na nakapagtala ng mahigit 26,800 metric tons aquaculture production sa unang quarter ng taon.
01:40Mas mataas ito ng 3,000 metricong tonelada kumpara nung nakaraang taon.
01:44Floyd Brents para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.