00:00Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pangarap na wala nang babayaran pa ang mga Pilipino sa mga ospital pagdating ng panahon.
00:11Ayon sa Pangulo, mangyayari ito kapag napabuti pa ang ekonomiya ng bansa.
00:15Kapag nagkataon, tanging administrative cost na lang ang babayaran ng mga pasyente.
00:21Pero aminado ang Pangulo na sa ngayon ay hindi pa sapat ang sistema at kulang pa rin sa pondo para matupad ito.
00:27Gayunman, patuloy na gagawa ng hakbang pamahalaan para mapagaan ang buhay ng mga Pilipino.
00:34Gaya ng pagpapalawak ng insurance coverage ng PhilHealth,
00:38gayun din ang pagpapababa ng kontribusyon ng isang individual na naospital.
00:46At kung tayo ay magawa natin pag naayos natin ang ating ekonomiya ng mabuti
00:55at kaya na natin, ay kaya naman siguro natin, wala nang kontribusyon ng pasyente.
01:01Bigyan na lang natin ng, siguro yung mga, yung kagaya sa ibang lugar na nakikita ko,
01:07na nasubukan ko, administrative cost lang.
01:11Wala yun, mga isang dam piso yun. Tama na yun.
01:14Yun lang, yun lang ang siguro na ibigay nila.