Panayam kay DOLE-Bureau of Local Employment, OIC Asec. Patrick Patriwirawan Jr. ukol sa pagtaas ng employment rate sa bansa at pagpapalakas sa Public Employment Service Offices (PESO)
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Pagtaas ng employment rates sa bansa, pagpapalakas sa Public Employment Service offices o peso, at ating tatalakayin kasama si OIC Assistant Secretary Patrick Patriwirrawan.
00:13Tama ba ako, Asik? Sorry. Junior mula sa Bureau of Local Employment ng Dole. Magandang tanghali po, Asik.
00:22Magandang tanghali po, Asik Kapoy at Asik Queng at sa inyong mga taga-subaybay.
00:26Pumalo po sa 96.1% ang employment rate sa bansa nitong Mayo. Ano po ang factors na nakatulong sa pagtaasun nito, Asik?
00:39Yes, Asik Kapoy. Sa pag-monitor po natin sa report ng Philippine Statistics Authority, nakita po natin yung pag-increase.
00:46Una, sa mga sektor, katulad ng wholesale and retail, na umabot po sa P489,000.
00:54At agriculture and forestry, na umabot po sa P469,000.
01:00At sa kabilang banda po, nakita din natin yung pagtaas po ng bilang ng mga kababaihan na nagkaroon po ng trabaho.
01:06Ito po ay umabot na po sa P800,000.
01:09No, yun din po ang nakikita natin pagtaas sa bilang ng mga may trabaho mula po sa iba-ibang mga age groups po, no?
01:17Lalong-lalo na po yung nasa age group ng 15 to 24 years old.
01:23Asik Kapoy po niya, naitalarin yung pagtaas sa labor force participation sa bansa.
01:28Ano po ba ang epekto, ibig sabihin kapag lumalaki ang workforce?
01:31Yes, asik Kapoy, isang magandang balita po ito sa atin dahil ito po ay tinutukad po talaga natin sa ilalim po ng Philippine Development Plan at ng Labor and Employment Plan.
01:42Ang labor force participation ay ibig sabihin mas dumadami yung bilang po ng mga kababayan natin.
01:49Economically active, aktibo pong naghahanap ng trabaho, pwede po kaya ay nagkakaroon po sila ng negosyo.
01:56At dito po, nabibilang yung mga tinatawag nating employed at unemployed.
02:00At sa pinaka-latest po na datos ng PSA, umabot na po tayo sa 52 million, 52.3 million.
02:07At dito po ang pinaka-mataas mula po ng 2005.
02:10So isa pong magandang balita na tinutupan natin at titiyakin natin na ma-maintain or malampasan pa po natin ang ilalim po na ito.
02:18Ano naman po ang mga hakbang na pamahalaan, lalong-laluhunan dole, para maging equipped at maging competitive ang ating workforce at makakuha sila ng dekalidad na trabaho?
02:27Yes po, Asik Aboy. Sa ilalim po ng Department of Labor and Employment, may tatupong agensya na nakatutok po sa pagsisiguro ng papataas ng kasanayan at kompetensiya po ng ating mga kababayan.
02:40Kabilang po dyan ang Bureau of Local Employment na nagsisiguro po ng ating mga youth beneficiaries po ay mayroong mga employability programs katulad po ng Government Internship Program, Special Program for Employment of Students at ng Job Start Program.
02:55Para naman po sa mga nag-gumraduate na o di po kaya ay mga currently employed at tagahanap po ng iba pang mga career o trabaho,
03:04nariyan po ang test na nagbibigay po ng mga tech book scholarship opportunities para po ma-iangat ang kanilang antas ng kasanayan sa pamamagitan po ng mga skill certification at assessment.
03:17At pinakahuli po ang PRC po na nagsisiguro na lahat ng ating mga profesional ay nasa mataas na pamantayan para masiguro po na maganda ang binibigay na servisyo para po sa ating mga kababayan.
03:31Asik sa ibang usapin, pinalalakas po ng dole ang mga Public Employment Service Offices o mga peso.
03:36Para po sa kaalaman ng lahat, ano po ba itong mga peso, ilan po ba yung established na na peso sa buong bansa at saka gaano po ito ka-effectives magmula nung nilunsa dito at marami na po ba tayong natulungan?
03:47Yes po, Asikueng. Ang Public Employment Service Office po ay isang non-fee, Charging Multi-Employment Service Facility.
03:56Ito po ay tinatag sa ilalim po ng Republic Act No. 8759 o Peso Act ng 1999 at layunin po nito na maging tagapang magitan po para po sa ating mga job seekers na naghanap ng trabaho
04:08at ating pong mga namumuhunan o mga employers na nagpo-post po ng mga vacancies at kasama po sa iniimplementa po ng ating mga peso ang lahat po ng mga employment programs and services mula po sa Department of Labor and Employment.
04:20Sa pinakalikas po na datos, mayroon na po tayong 1,592 pesos po sa buong bansa. Ito po ay sa bawat munisipyo, syudad at probinsya.
04:31At mula po sa 1,592 na pesos, mayroon na pong 794 na na-institutionalized.
04:37Ibig sabihin po, mayroon pong plantilya position, mayroon pong regular na budget at mayroon pong physical na opisina.
04:43At kasabay po sa pagmamonitor natin ng mga pesos, mayroon po ay tinututukan din po natin ang pag-establish po ng mga job placement offices sa kanilang mga educational institutions.
04:54Kaya po ka-partner po natin dyan ang iba-ibang mga educational institutions kasama po ang DepEd at ang CHED para po masiguro na mayroon po tayong mechanism in place
05:06para magbigay po ng mga employment opportunities sa pamamagitan po ng mga JPOs po natin.
05:11Well, Asek, ano po ang mga in-offer ng peso offices natin para sa mga kababayan natin, mga job seekers?
05:17May mga training o seminar po ba na inilulusad ang mga local peso natin?
05:22Yes po, ang ating mga peso, katulad po na nabagin ko kanina, nagbibigay po ng mga job matching at referral services.
05:29So paglalakit po tayo sa mga pesos po natin, mayroon po tayong form na pinikilapan po dyan para po makuha ang ating qualifications.
05:38At batay po dito sa qualification na isasabit po natin, titignan po ng ating mga peso staff and peso manager
05:44ano po yung mga bakanting trabaho na available sa locality na maaari po nating applyan.
05:50Maliban po dyan, nagbibigay din po ang ating mga pesos ng career development support programs.
05:55Sa ilalim po ng career development support program, natutulungan po ang mga kababayan natin naghahanap ng trabaho
05:59para po makapaghanda kung paano po ang tamang pagsasagawa o pagpre-ready ng kanilang resume,
06:06pagpre-prepare po sa mga job interviews, at gayon din po sa mga employed na kung sila ay naghahanap ng bagong career pa
06:13para malaman po kung ano ang mga in-demand at hard to fill ng mga employment opportunities.
06:19Kasama po dyan, ang mga pesos din po natin ay nakikipag-ugnayan po sa ating mga partner agencies
06:26katulad po ng TESDA at ng DPI para po sa mga servisyong may kinalaman sa upskilling and reskilling
06:32para po sa mga kababayan natin naghahanap ng mga additional na skills and competencies
06:36at para naman po sa mga namumuhunan para po sa mga enterprise or entrepreneurship development programs at services.
06:43Asek, ano naman po yung mga ginagawang reforma ng Dole para ma-modernize ang mga peso?
06:49Yes po, sa ilalim po ng five-point peso agenda natin, kasama po dyan ang pagsisiguro
06:57na mapatatag natin yung kasanayan ng ating mga peso po para matutukan kung ano yung mga core functions po nila
07:04at taon-taon po nagsasagawa tayo ng capacity development para sa ating mga peso managers at staff
07:10kasama po nito ang pagsistrengthen po ng partnership ng ating mga pesos with industry associations, employers
07:17at even yung mga educational institutions at mga training institutions sa kanika nilang mga siyudad, munisipyo at probinsya.
07:24Kasama po nito yung kabilang sa pag-modernize natin ang mga peso, yung tinatawag po na
07:28nating digitalization of public employment service offices.
07:33Meron po tayong inilunsad na digitalization roadmap para po sa ating mga peso
07:38para po masiguro na kung hindi man po available na mabisita ang ating mga public employment service offices
07:44ay maaari po nating ma-access through digital technologies ang mga servisyo po ng mga peso.
07:50Sa inyong datos, gaano karami po ang na-refer na ng mga local pesos po natin sa mga naghahanap ng trabaho?
07:56At kamusta po ang placement rate ng mga offices na ito?
07:59Yes po, as I can avoid, mula po noong 2024, sa pagtatalaan natin,
08:05pakot na po sa 5.7 million po na job vacancies ang nasolisit ng ating mga pesos mula po sa iba't ibang employers.
08:14Kasama po nito, nakapag-register po tayo ng 3 million na job applicants nationwide.
08:19At para po sa mga detalye pa, mayroon na po tayong 2.8 million na nai-refer sa iba-ibang mga job placement opportunities
08:28at nagkaroon po ng placement rate na umabot po sa 94% o 2.6 million po ng mga aplikante na magpagumpay na nakahanap po ng trabaho.
08:42Asek, ano naman po yung layunin ng peso, 5-point agenda at ano po yung mga nakapaloob dito?
08:47Yes po, Asek, katulad po na nabanggit ko kanina, yung 5-point agenda po ay simimulan po natin sa administrasyon na ito
08:55para po matutukan ang mga sinasagawang mga strategies po ng ating mga peso para po mapatatag ang kanilang functions.
09:03Kasama po dito, unang-una yung pag-institutionalize po natin ng mga peso
09:06at nabanggit po nga po kanina, umabot na po tayo sa 794 out of the 1,500 po ng mga pesos po natin
09:14at ito po tinututukan natin para po sa pagtatapos ng administrasyon na ito ay mapataas pa natin ang bilang ng mga institutionalized peso.
09:24Kasama po dyan, yung pag-strengthen po ng kapasidad ng ating mga peso staff and peso manager
09:29kaya papatuloy po yung pag-sasagawa natin ng year-round po na mga training para sa ating mga pesos.
09:36Kasama rin po sa 5-point agenda, yung pag-focus po natin sa mga core functions ng peso.
09:42Nakasama po dyan yung pagsisiguro na meron pong kapasidad ng ating mga peso magsagawa ng job matching,
09:48pagbibigay po ng labor market information,
09:51at pagbibigay po ng career development support services para sa ating mga kababayan.
09:55Pang-apat po sa 5-point peso agenda, yung pag-strengthen po ng partnership ng ating mga pesos
10:02sa kanika nilang mga partner employers at educational institutions sa kanika nilang mga lokalidad.
10:08At panghuli po yung digitalization po ng ating mga pesos.
10:12Ayan, so yung mga bagong graduate pwedeng pumunta sa peso.
10:15Maraming salamat po sa inyong oras, OIC ASIC, Patrick Patriwirawan Jr. mula sa DOLE, Bureau of Local Employment.