00:00Nakipagpulong na ang Philippine National Police sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry
00:06para ilatag ang mga hakbang para tugunan ang mga krimeng katulad ng pagdukot at pagpatay sa Chinese businessman na si Ansun Ke.
00:15Kabilang sa mga tinalakay ang pagbuo ng isang specialized help desk para sa Filipino-Chinese community na tatawaging PNP Chinese-Philippino Community Help Desk o PCFC.
00:25Ito ang tutugon sa mga alalahanin ng Chinese community kabilang ang kanilang seguridad.
00:31Plano ng PNP na simulan ang pilot testing nito sa ilang lugar sa bansa kabilang ang binondo sa Maynila, Cebu, Davao, Iloilo at Region 3 kung saan marami ang mga miyembrong Filipino-Chinese.