Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Umabot sa mahigit 4 toneladang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa unang anim na buwan, ayon sa PDEA. Dagdag diyan ang halos P800 milyon droga na nabisto sa loob ng balikbayan box mula sa Amerika.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umabot sa mahigit apat na tonaladang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa unang anim na buwan ayon sa PIDEA.
00:08Dagdag dyan ang halos 800 milyong pisong droga na nabisto sa loob ng balikbayan box mula sa Amerika.
00:16Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:21Pinakahuli lamang ito sa halos magkakasunod at ang kampagpupuslit ng malalaking halaga ng droga sa bansa.
00:26Tumambad kahapon sa inspeksyon sa apat amalikbayan box sa Manila International Container Port sa Maynila
00:31ang 110 kilo ng kumpirmadong shabu na ikinobli sa mga pakete ng cereal, chichiria at instant noodles.
00:39Galing ang shipment na nagkakahalaga ng P749 milyon peso sa California sa Amerika
00:44at naka-address sa Mandaluyong at Quezon City ang mga tatanggap.
00:47We are conducting our follow-up operations dun po sa mga consignees
00:51because most likely yung consignees iba yung pangalan.
00:55Although identified naman yung pangalan sa consignees, patuloy po yung ating follow-up operations.
01:01Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, Opedeia, sa unang anim na buwan ng taon,
01:06aabot na sa kabuang 4.3 tonalada ng shabu ang nasasabat ng ahensya na higit dobli na
01:11ng 1.3 tonalada ng nasabat nung nakaraan taon.
01:15Kabilang dyan ang mga nalambat na palutang-lutang na shabu
01:17sa karagatang sakop ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Region at Cagayan
01:21at ang mga nakumpis ka mula sa isang bankang pangisda nung nakaraan buwan.
01:26Isa ang nakasuhan sa nasabing banka pero ang mga floating shabu sa western seaboard ng bansa
01:30galing sa mga dayuhang sindikato.
01:32Kasi marami yung modus ang ginagamit itong mga drug personalities.
01:37Isa na po dyan yung floating shabu, pangalawa yung sa fishing vessel.
01:42And isa rin po yung they try to package it as food products.
01:48So if we are looking at the packages na nakuha natin sa fishing vessel
01:53plus dun sa floating shabu, parehas po yung packaging po nila.
01:57Saan po nanggaling po ito? Dun sa may golden triangle area.
02:00Eh kung taktan mo yun po saan po ba yung golden triangle area.
02:04Ito po yung boundaries ng Myanmar, Thailand and Lao.
02:07Sa kabila ng tunetunalatang droga nakukumpis ka, patuloy pa rin may droga
02:10na ibebenta sa mga kalsada.
02:12Sa data sa PIDEA, mahigit 29,000 sa kabuang 42,000 na barangay sa buong bansa
02:17ang maituturing ng drug clear.
02:20Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.

Recommended