Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
[TRIGGER WARNING: Sensitive content and violence]


EXCLUSIVE: Hinoldap at pinatay ang isang TNVS driver ng tatlong pasaherong kaniyang pinickup mula sa Parañaque. Dinig sa dashcam ang karumal-dumal na sinapit ng driver na ‘di pa rin nahahanap ang mga labi.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Hinold up at pinatay ang isang TNVS driver ng tatlong pasahirong kanyang pinikap mula sa Paranaque.
00:13Dinig sa dashcam ang karumaldumal na sinapit ng driver.
00:18Nandi pa rin nahahanap ang mga labi, babala, sensitibo po ang mga mapapanood at madidinig.
00:24Nakatutok si John Consulta, exclusive.
00:30Madaling araw ng May 18 nang sumakay ang tatlong nilaki sa TNVS unit ng driver na si Raymond Cabrera mula sa establishmentong ito sa Paranaque City.
00:39Hindi kasama sa mga sumakay ang mismong nagbook sa ride hailing app.
00:44Umalis ang sasakyan pero mga pansing muli itong bumalik sa pickup point.
00:48Bumaba pala ang isa sa mga pasehero at may kinuha ang kutsilyo sa halamanan.
00:53Merong tatlong tao na sumakay sa kanyang sasakyan at ito ay patungong muli no Baco or Cavite.
01:03So nung nandun na sila sa Cavite, nagtuloy-tuloy yung sasakyan.
01:08Imbis na may drop off, nagtuloy-tuloy itong sasakyan, nagpaikot-ikot sa Cavite.
01:13Sa dashcam ng TNVS, kalsadang dinadaanan lang sa Cavite ang makikita.
01:19Pero maririnig sa audio nito na hinhold up na ang driver at iba na ang nagmamaneho ng sasakyan.
01:25Sa isang punto, maririnig ang usapan ng mga suspect mula sa pagkuhan nila ng cellphone ng biktima hanggang sa aktwal na pagpatay sa biktima.
01:33Fingerprint mo itong isang cellphone niya.
01:36Ay, walang password niya.
01:37Tidakagit yung puso.
01:38Hindi ko makuha.
01:40Tuluyan yun na.
01:41Patayin ka na namin.
01:42Ang assumption natin is ito yung biktima at maririnig natin na siya ay sinasaksak at pinapahirapan ng mga tao na kasama niya doon sa sasakyan.
01:54Nagmamakaawa yung biktima at maririnig mo pa yung mga suspect na sinabi na sinaksak at isaksak pa sa puso, saksakin sa puso yung biktima natin.
02:06Napasakamay ng NBI ang CCTV footage sa Valenzuela City.
02:10Pasado alas-alas ng hapon noong May 18, kita ang pagparada ng TNVS sa isang convenience store at pagbaba ng dalawang sakay nito.
02:19Nakita natin sa CCTV, yung mga tao na nagdala kung saan pagkadala nila sa convenience store, lumabas sila, sumakay ng pedicab at later on sumakay sila sa isa pang sasakyan.
02:30Masakit sir, kasi hindi niya deserve mangyari sa kanya yung sir eh. Yung binanas niya doon sa mga tao, walang awa po.
02:40Pata siya lumaban sa buhay, hindi siya nang luloko ng tao.
02:44Tukoy na ng NBI ang pagkakilala ng mga suspect, pero ang katawan ng biktima, hindi pa rin nakikita.
02:50Ang pinaka-main goal po talaga namin is makita po siya. Kung may ginawa man po talagang hindi maganda sa kanya, kahit mabigyan na lang po namin siya ng maganda at maayos na living po.
03:03Nagsampan na tayo ng kaso, nagreklamong car napping at robbery with homicide laban sa mga tao na posibleng gumawa nitong.
03:13Nagre-raise sila ng kondo ng 100,000 reward para kung sino man ang makakapagbigay ng informasyon para sa asawa na nawawala.
03:24Ang pamilya ay nakikiusap, nagmamakaawa sa tulong ng publiko para mahanap ang katawan ng kanyang asawa.
03:31Para sa GMA Integrated News, John Consulta, Nakatutok 24 Horas.

Recommended