Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/7/2025
Pinagpa-paliwanag na ng LTO ang driver na nag-viral dahil sa pagse-cellphone habang nagmamaneho ng luxury car sa EDSA. Ipinatatawag din ang rehistradong may-ari ng kotse.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinagpapaliwanag na ng LTO ang driver na nag-viral dahil sa pagse-cellphone habang nagmamaneho ng luxury car sa EDSA.
00:09Pinatatawag din ang rehestradong may-ari ng kotse.
00:13At nakatutok si Mariz Umali.
00:19Nakarating na agad sa atensyon ng Land Transportation Office ang video nito na kuha mismo ng driver ng isang luxury sports car at inupload sa kanyang social media.
00:29Dito, kinukunan niya ng video ang sarili habang minamaneho ang magharbong kotse at inikot pa ang phone camera sa paligid habang binabagtas ang EDSA.
00:38Dahil dito, inissuhan na ng show cost order ang driver ng luxury sports car.
00:43Doon kasi sa video, Mariz, kitang kita na nagsa-cellphone siya.
00:47Habang hawak niya yung manibela gamit ang kanyang kaliwang kamay, yung kanang kamay niya ay pinaiikot niya doon sa daan.
00:54Kitang kita na na distracted siya.
00:57Again, meron po kasi tayong batas na anti-destructed driving na pinagbabawal po yung mga paggamit ng kahit anong gadgets while driving because it might cause road accident or road crash.
01:11Pati ang rehestradong may-ari na sasakyan, damay din sa show cost order.
01:15Well, yung registered owner, kung ipagpapaliwanag kung bakit niya pinayagan na magmaneho.
01:22Sa July 10, nakatakda ang hearing kung saan inatasan ang dalawang inissuhan ng show cost order na humarap sa Intelligence and Investigation Division Law Enforcement Service ng LTO.
01:33Para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong administratibo sa paglabag sa Reckless Driving Anti-Distracted Driving Act.
01:42At kung bakit hindi sila dapat suspindihin o kansilahin ang kanilang lisensya.
01:47Pag nakita po natin na wala po siyang respeto sa batas, simple traffic rules, hindi po niya masundan, wala po siyang karapatan na magbigyan ng privilehyo na magkaroon ng driver's license.
01:59Kahit naman may post ang driver na itinatanggi niyang siya yun, malinaw daw na siyang driver ayon sa LTO.
02:05Well, the video, ano eh, very clear naman yung video, hindi naman siya gawang AI, kitang-kita naman yung mukha niya,
02:12at nakita naman po natin sa records natin yung picture niya sa lisensya, magkamukha naman.
02:19So, kung hindi man siya yun, sagutin lang niya.
02:23Titignan natin kung may weight ba yung kanyang depensa.
02:29Sakaling mapatunayang may sala, bukos sa 10,000 pisong multa para sa anti-distracted driving,
02:34ay posibleng masuspindi ng tatlong buwan hanggang isang taon o tuluyang marevoke ang kanyang lisensya.
02:39May scientific study talaga na kapag ang isang nagmamaneho ay distracted using cellphones or whatever gadget ay pwedeng mag-cause ng aksident.
02:49Sinubukan namin kunan ang pahayagan driver sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng mensahe sa kanyang mga social media accounts.
02:56Tinawagan din namin ang kanyang opisina pero sabi ng staff ay wala siya roon at ipinarating na ang aming mensahe sa kanya.
03:03Pero hanggang ngayon ay wala pa itong tugon.
03:05Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Oras.

Recommended