Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa restrictive custody na ng Philippine National Police ang 15 kabaro nila na isinasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:07Si Julie Patidongan alias Totoy may pinakitang tattoo na may kaugnayan umano sa ilan pang sangkot sa kaso.
00:14Balitang hatid ni Ian Cruz.
00:18Ipinakita sa akin ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy ang tattoo niya ni San Miguel Arcangel na nasa may likod malapit sa batok.
00:26Ayon sa kanya, nasa dalawang puraw silang may kaparehong tattoo.
00:30Tanda umano ng kanilang malalim na samahan ng mga anya'y may kinalaman sa missing sabongeros.
00:36Pero may ibang miyembro raw na pinabago na ang tattoo.
00:39Yung tattoo dito sa amin alam na ng ano to, yung Arcangel, yung grupo na yan, may mga tattoo lahat yan.
00:45Kaya imposible, yung isang kaibigan ko na pulis, nagpadala na ng picture na binago niya na yung tattoo sa likod.
00:52Yung tattoo namin dito sa likod, ngayon pinatakman na nila pero halatang halata kahit magkahitakpan pa ninyo ng ilang tattoo yan, hindi nyo mabago yan.
01:03Sabi ni Patidongan, mula nang ilabas daw niya ang mga nalalaman tungkol sa kaso na mga nawawalang sabongero, kaliwat ka na narawang banta sa kanya.
01:12Pinadalhan pa ako ng bulaklak na risk in peace, hindi ako batatakot kung sino ka man niyang punsyo pilato ka, nagpapadala sa akin ng ganyan.
01:22Takotin mo yung lulong mong panot, huwag ako.
01:27Handa na raw ang kanyang salaysay pero may inaayos pa bago isumite sa Department of Justice.
01:32Yung apidabit na yan, nandiyan na yan. Katulad nung sinabi ko na nakaraan, kulang pa talaga. Pero mag-antay ka Mr. Atong Ang. Bumaliktad na lahat.
01:44Yung mga apidabit ko na yan, alam kong may kopya na si Mr. Atong Ang yan pero hindi ko pwedeng ibigay ang lahat ng detalyan yan.
01:54Wala pang bagong pahayag si Atong Ang pero nauna na niyang itinanggi na may kinalaman siya sa kaso.
02:00Nasa protective custody ngayon ng PNP si Pati Dongan.
02:05Habang ang labing limang polis na ginadawit sa kaso, nasa restrictive custody sa Camp Krame.
02:11Sabi ng PNP, pusibling madagdagan pa ito habang umuusad ang imbesigasyon.
02:16Wala kaming sasantuhin dito. We will leave no stones unturned.
02:22Ayon kay Police General Nicolás Torre III, bago pa man siya maging PNP chief, lumapit na sa kanila si Pati Dongan.
02:29Si EDG pa ako na sinimulan ito. Si EDG pa ako nang nakuha namin si Totoy at nagbigay ng information sa amin.
02:35I was very shocked. Karumaldumal naman talaga ang nangyayari. Hindi talaga not acceptable by any standards.
02:41Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended