Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by ESO. Translation by —
00:30January 14, 2022, nang magkakasabay na nawala matapos magsabong sa Santa Cruz, Laguna,
00:36ang magkakaibigang sina Ferdinand Dizon, Manny Magbanwa, Mark Fernandine at Melbert John Santos.
00:43Kabilang sila sa 34 na nawawalang mga sabungero.
00:47Higit dalawang oras ang lubipas matapos na iulat silang nawawala.
00:51Nakuhanan ng CCTV ng isang bangko sa Lepas City, Batangas,
00:54ang lalaking ito na nagwi-withdraw sa isang automated teller machine.
01:00Sa investigasyon ng PNP, ATM card daw nang nawawalang si Melbert John Santos ang gamit ng lalaki.
01:07Ayon sa dokumentong nakuha ng pulisya sa bangko,
01:10nakapag-withdraw ng kulang 30,000 pesos sa apat na transaksyon ng lalaki mula sa account ni Santos.
01:16Kung ma-identify po natin itong nagwi-withdraw sa ATM,
01:22siya po ang magbibigay liwanag dito sa investigasyon na ito kung bakit po napunta sa kanya yung ATM nung isang biktima.
01:32Ngayon, matapos ang maigit tatlong taon,
01:35sa pamamagitan ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy,
01:39nagkaroon ng linaw kung sino ang lalaking ito.
01:53Naniniwala si Patidongan.
01:54Malaking may tulong niyan, gawa yung ATM na yan doon sa isang missing sa bongero.
01:59At ang masaman niyan, inutusan lang yan nung isang tao ko rin,
02:05siya ang kumuha ng ATM bago mawala yung missing sa bongero.
02:10Inutusan siya na itong tao na ito para ano?
02:12Para mag-withdraw.
02:14Nanawagan si Patidongan sa iba pa niyang mga tauhan na lumantad na.
02:17Kabilang sa kanila,
02:18ang dalawang lalaking nakuha na ng video na bumibit-bit sa isa pang nawawalang sabongero
02:23na si Michael Bautista sa isang sabungan sa Santa Cruz, Laguna.
02:27Kung sila *** at saka si *** mga tao ko lang din yan.
02:32Ang masaman lang, nakuhaan sila ng video at todo tanggi
02:36at ginamit pa sila ni Mr. Atong Ang na mag-witness again sa akin
02:41dahil ako ang tinuturo nilang mastermind.
02:44Nabuhayan ang loob sa mga development na ito ang kaanak ng mga nawawala.
02:49Lalo na ng ama ni Melbert.
02:51Dati na kasi silang umasa na malilinawan ang investigasyon ng matrace
02:55at marecover ang cellphone ng anak.
02:58Pero hindi raw ito umusad.
03:01Kahit pa natukoy umano ng mga investigador
03:03na ibinigay sa sibilyan ng isang polis ang cellphone ng biktima.
03:07Buti lang daw sa pagtatanong ng investigador
03:10na itanong daw kung anong pangalan ng polis.
03:13Ano ang kinalaman ng polis, Koy Lambert?
03:15Edy siyempre, diyang lumalabas.
03:18Kasi yun ang nagbigay doon sa bata.
03:20Pulis ho ang nagbigay sa bata?
03:22Ayo.
03:23Kasama sa iimbestigahan ng Napolcom,
03:25kung sino sa mga polis na kinasuhan ni Pati Dongan ang gumawa nito.
03:29Sana lang talagang magtuloy-tuloy at talagang may magiging linaw ito sa mga nangyayari ngayon.
03:37Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended