Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Isinasangkot ng akusadong si Alias Totoy ang ilang polis sa pagkawalan ng mga sabongero.
00:05Ang Commission on Human Rights gusto nang makausap si Alias Totoy para sa kanilang investigasyon.
00:11Balitang hatid ni June Veneracion.
00:16Mayat maya ang pagpatak ng luha ni Maria Carmelita Lasco,
00:21habang nasa kandungan niya ang larawan ng anak na si Ricardo,
00:24isa sa mga nawawalang sabongero.
00:26Inabutan na siya ng matinding karamdaman sa apat taon niyang pagkahanap sa anak.
00:44Kasama ni Carmelita, ang mga kamag-anak ng iba pang missing sabongeros
00:48para sa prayer rally sa loob ng compound ng Commission on Human Rights.
00:52Ang Commission on Human Rights po ay nandito para ipagpatuloy ang aming investigasyon.
00:58Yun pong paglutang nitong isang, well, sabihin na natin suspect dito po sa crime.
01:05Gusto po namin makausap siya, gusto po namin kuhanan siya ng affidavit.
01:09Sa ekslusibong panayan ng GMA Integrated News sa whistleblower na si Alias Totoy,
01:14sinabi niyang mahigit pa sa 34 ang mga biktima.
01:17Ilan silang lahat bali?
01:19Sa pagkakalam ko, 108 plus 1 sa Lipa Farm at saka sa Siniluan Farm.
01:29Di raw bababa sa 30 tao ang pinangalanan niya sa kanyang affidavit
01:33na may kinalaman umuro sa pagkawala ng mga sabongero.
01:36Bukod sa mga sibilyan, meron din daw mga sangkot na security guard ng sabongan at mga polis.
01:42Aabot ng 30 yan. Kasama na yung mga polis at sibilyan yan.
01:48Mga ilang sibilyan?
01:50Simited ko lang ha, mga sampu yung sibilyan o mahigit pa.
01:56Yung mga nasa servisyo?
01:57Sa servisyo, mga 20 yan, nasa 20 yan sila.
02:02Kasama rin daw sa kanyang isiniwalat, ang may-ari ng lugar kung saan umalong ibinaon ang labi ng mga biktima.
02:08Pinakitaan nila ako ng video. Diyan lang yan sa talisay. Wala isdaan ko yan. May-ari kasama sa kakasuhan. Uniformado yan.
02:16Polis?
02:17Yes.
02:17Dahil sa nalalaman niya, may mga bantana umalong sa kanyang buhay.
02:21Palipat-lipat ng tirahan kasi matitris nila ako kung saan at magagaling yung mga yan.
02:26Nauna lang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia na pinag-uusapan na ng kagawaran at ng PNP ang pagsasairalim kay Alias Totoy sa Witness Protection Program.
02:39Iginate din ang PNP na nakahanda silang protektahan sa Alias Totoy.
02:43Regardless po kung sino po ang involved dito, sibilyan, mataas na tao at even yung mga kabaro po natin, wala po tayong sasantuhin po dito.
02:53Ayon kay Alias Totoy, may hinihintay na lang siya bago iharap ang sarili sa mga otoridad.
03:12Sa paglutang ni Alias Totoy, na isa rin sa mga akusado, nabuhayan daw ng loob ang mga kaanak ng missing sa bongero.
03:19Na makakakuha ng justisya, pero alam din daw nilang mahaba pa ang kanilang laban.
03:26Kami po ay apat na taon na mahigit na hirap na hirap.
03:30Sobrang napakahirap.
03:33Mahirap na nga yung buhay namin.
03:36Mahirap pa itong nangyari sa amin.
03:39Ipaabot ko sa inyo ngayon yung Mr. Mayan na gumagawa nito.
03:42Oh, napakasakit sa amin. Siguro magulang ka rin.
03:46Magulang ka rin, may asawa ka rin, may pamilya ka rin.
03:53Pero bakit kinuha mo yung mga mahal namin sa buhay?
03:56Kung sino ka man, sana makonsensya ka.
03:58June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.