Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Dilunsa na phase 2 at 3 ng proyektong may layong bigyan ng mabilis na internet ang malalayong lugar.
00:06Target niya na gawing digitally connected ang bumbansa sa taong 2028.
00:10May unang balita si Fem Marie Dumabog ng GMA Regional TV.
00:17Hindi katakataka kung bakit patok sa mga Pilipino ang PISUNEP.
00:22Tingitingin internet connection na solusyon ng mga namamahalan sa internet plans.
00:26Pero hamon pa rin ang stable at mabilis na koneksyon, lalo sa malalayong lugar.
00:32Sa kalidad at gasto sa internet, inaasahang makatutulong ang paglulunsad ng National Fiber Backbone Phase 2 and 3.
00:41Idudugtong niya ng Visayas at Mindanao sa high-speed fiber optic network na nailatag na sa phase 1.
00:48Sa labing apat na probinsya sa Northern at Central Luzon at Metro Manila.
00:51Kaya narito kami ngayon upang ilapit ang internet para sa lahat, lalo na sa mga nasa GDAS, yung mga isolated and underserved areas.
01:04Kaya kapag sinabi natin Fiber Backbone, mas mabilis na ang daloy ng impormasyon.
01:10Mas maaga ninyong malalaman kung may bagyong paparating.
01:14At dahil inaasahan ding makatutulong ito sa mga telco o maasa ang gobyerno, na mapapamura nito ang singil sa internet.
01:23The National Fiber Backbone is our way of laying the foundation for true digital inclusion.
01:29Connectivity powers progress and make that progress real.
01:34Bahagi ng Phase 3 ang pagpapalawak ng fiber backbone sa Cagayan Valley patungong buong Calabar Zone at Bicol Region.
01:40Tatawid ito sa Eastern Visayas, lalo na sa mga geographical isolated areas ng nasabing rehyon.
01:47Pagkatapos, ay ilalatag ang groundwork para sa backbone network sa Mindanao sa pamamagitan ng pagdurugtong ng dalawang malalaking lungsod nito na ang Cagayan de Oro City at Davao City.
01:58Ang target, digitally connected na ang buong bansa 2028 na tinatayang pakikinabangan ng 17 milyong Pilipino.
02:06Naglalagay na rin ng free public Wi-Fi sa ilang lugar tulad sa MacArthur Landing Memorial National Park ng Leyte.
02:14Ito ang unang balita, Femarie dumabok ng GEMI Regional TV para sa GMA Integrated News.
02:22Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.