Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/18/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00The Impeachment Court
00:30Isang linggo na matapos ipag-utos ng Impeachment Court sa Kamara,
00:36ang pagsusumite ng sertifikasyon na naaayon sa konstitusyon
00:40ang inihain nilang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:45Pero hindi pa ito nasusumite ng House Prosecution Panel.
00:48It's up to them whether or not to comply or not.
00:52But again, this is the order of the Impeachment Court
00:58and any lawyer worth his salt and any litigant for that matter
01:03should comply first before you complain.
01:09Buwelta pa ng tagapagsalita ng Impeachment Court,
01:12imbis na ang korte ang pag-initan,
01:14dapat paghandaan ng prosekusyon ang defense team ng Vice.
01:18Huwag daw awayin ang Senado dahil hindi silang magkalaban.
01:20Ano po motibo nila by criticizing the court?
01:25Dapat po yung energy po nila na pagkikriticize sa korte
01:29ay ginugugol nga po nila doon sa kanilang kalaban
01:32dahil hindi po nila kalaban ng korte.
01:35Ang kalaban po nila ay yung kabilang party, yung defense po.
01:41So sabi nga po, formidable yung at mga respetabling mga abogado po
01:46yung nasa defense team. So paghandaan na lamang po nila.
01:50At yun yung awayin po nila at huwag po yung Impeachment Court.
01:54Iniiwasan din ano yan ang korte na ipakontempt ang prosekusyon.
01:57At sana raw, huwag na umabot sa Korte Suprema ang issue
02:01dahil baka humaba lang ang proseso.
02:03Giyit naman ang tagapagsalita ng House Prosecution Panel,
02:07hindi sila nakikipag-away,
02:08kundi nananawagan lang sa Impeachment Court
02:11na kumilos base sa konstitusyon.
02:22Wala pa raw desisyon ang Prosecution Panel
02:24kung kailan ipapadala ang kanilang sagot sa Impeachment Court.
02:28May hihingin pa raw silang karifikasyon mula sa korte.
02:30We want a clear understanding of what they really want
02:34kasi ano eh, yung kanilang order of returning it,
02:38it is so irregular.
02:39It is not contemptible per se.
02:42But there are serious repercussions.
02:44Why?
02:44If we do not comply,
02:46the process will be again delayed.
02:48Ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno,
02:51wala sa rules ng Impeachment Court
02:53na dapat hinga ng sertifikasyon ng Kamara.
02:55Wala naman doon sa kanilang rules
02:58na dapat magkaroon ng certification
03:03yung house
03:06to the effect na nasunod yung one-year aban.
03:10Wala naman yung sa rules and regulations nila eh.
03:14Eh bakit nila ngayon iniimpose yung reglamento na yan?
03:19Si Puno ang chairperson ng Philippine Constitution Association o FILCONSA,
03:23ang pinakamatandang Constitution Watchdog ng bansa.
03:26Lahat tayo ay nababagalan sa pag-usad ng impeachment complaint
03:34dyan sa Senate Impeachment Court.
03:39Hindi naman na hinihingi ng mga mamamayan
03:45na magkaroon ng akwital or conviction.
03:50Basta magkaroon lang ng closure
03:54at makita kung ano mga magiging desisyon
03:58ng Senate Impeachment Court.
04:01Naniniwala raw si Puno na walang dapat question
04:04na pwedeng tumawid ang impeachment trial
04:06mula sa 19th Congress tungo sa 20th Congress.
04:09Sa pagsusuri ng maraming galubhasa sa ating saligang batas.
04:17Klarong-klaro naman na doon na yung impeachment court
04:22is a continuing body.
04:24Yung papalit ng judge, eh hindi rasyon yun
04:31to doubt the continuity of the jurisdiction of the court.
04:35Hindi na ito dapat maging issue. Tama ho ba?
04:37Eh, opo. Kung susundin nila yung case law dyan,
04:43yung jurisprudence, yung practices,
04:46hindi na dapat pag-usapan yan.
04:48Sa lunes ang palugit ni Vice President Duterte
04:50para sagutin ang summons ng impeachment court.
04:53Ayon sa tagapagsalita ng impeachment court,
04:56sumagot man o hindi, tuloy ang paglilitis.
04:59Ito ang unang balita.
05:00Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
05:03Igan, mauna ka sa mga balita,
05:06mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
05:09para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended