Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Ramdam na ang epekto ng Bagyong Emong sa ilang lugar sa Zambales.
00:04May storm surge warning sa buong probinsya.
00:07Dahil sa posibleng pagkakaroon ng matataas na alon.
00:10Live mula sa Zambales, may unang balita si Darlene Kai.
00:13Darlene?
00:18Susan, tumila na yung ulan dito sa bayan ng San Antonio.
00:21Pero buong magdamag kaming nakaranas ng malakas na ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin.
00:27Bukod dyan, Susan, tulad ng nakikita nyo dito sa kinatatayoan ko,
00:31talagang malalaki yung alon at malalakas yung hampa sa dalampasigan.
00:39Nagsayawan ang mga puno sa lakas ng hangin na sinabayan ang matinding buhos ng ulan.
00:45Pasado alas 10 kagabi, nagsimulang maramdawan ang bagsik ng Bagyong Emong sa San Antonio, Zambales.
00:52Bago yan, buong araw pa bugso-bugso ang ulan dito.
00:55Kaya ay tinaas ang pag-asa ang storm surge warning sa buong probinsya.
01:01Mabagsik ang mga alon, lalo dito sa bahagi ng karagatang sakop ng barangay San Miguel.
01:07Noong nakaraang linggo pa ganyan ang sitwasyon dito,
01:10hanggang sa tuluyan ng sinira ng bagyo ang bahagi ng Coastal Road.
01:15Kapag gaganitong may bagyo na pinalalakas pa ng habaga,
01:17tulad ng nakikita nyo ay malalaki at malalakas yung hampas ng mga alon.
01:22Yan yung sumira dito sa bahagi ng Coastal Road sa barangay San Miguel.
01:27Sabi ng mga nakausap naming kawarinang barangay,
01:29mahihirapan daw itong ayusin dahil nagpapatuloy pa rin yung bagyo.
01:34Mahihirapan ang barangay dahil ang barangay San Miguel po ay isa na po itong pinupuntahan ng ating mga turista.
01:41So siguro ito po yung magiging cause na hindi muna sila makakapunta,
01:47mababawasan po kami ng mga bisita.
01:49Sa ngayon, pansamantala munang isinara ng barangay ang bahaging ito ng kalsada.
01:54Baha naman ang problema rito sa barangay San Nicolás na may kalapit na ilog.
01:58Walang magawa ang mga residente kung hindi lumusong sa tubig.
02:02Pinasok ng tubig ang gawaan ng hollow blocks kung saan nagtatrabaho at stay in si Joey.
02:07Wala nang ang kita dahil tigil trabaho, sinira pa raw ng bagyo ang bubong nila.
02:12Dahil po sa lakas ng bagyo, natakbo ako dyan sa may malaking bahay.
02:16Sipi ma, hindi ka makatulog.
02:18Dahil sipi lilipakin po ng bahagin sa bubong.
02:22Muroi na lang sa kamag-anak.
02:24Ayon sa San Antonio, mahigit 1,300 na ang pamilya ang binaha sa buong bayan.
02:29Halos 300 residente naman ang pansamantalang nananatili sa evacuation centers.
02:34Dahil sa tuloy-tuloy na ulan, agad binaha ang bahagi ng Olongapo-Bugalyon Road sa subik.
02:40Kinailangan tuloy magdahan-dahan ang mga sasakyan.
02:43Sa Olongapo naman, tumaas ang tubig dahil ilang araw nang umuulan na sinabayan pa ng high tide.
02:50Ayon sa CDRMO, 1,028 millimeters ang ulang ibinagsak sa Olongapo sa loob lang ng limang araw.
02:58Higit doble pa yan ang average monthly rainfall nila na 470 millimeters lang.
03:03Parang basin kasi yung Olongapo City.
03:06Plus, may mga barangay sa tayo na medyo mas mababa sa sea level siya.
03:10Kaya pagka may malakas na buhos ng ulan, tapos sasabayan niya ng high tide, talaga nagkakaroon ng flooding na kagad.
03:20Mahigit 7 doang residente pa ang nasa 10 evacuation centers sa lungsod.
03:25Tuloy-tuloy daw na namamahagi ng relief packs ang LGU.
03:29Sinimula na rin daw ang pagtaya o assessment para sa mga maaaring mabigyan ng emergency shelter assistance.
03:34Nakahanda naman daw ang ilokal na pamahalaan na remisponde sakaling lumala pa ang sama ng panahon.
03:39For worst case scenario, talagang pinaghandaan naman ang siyudad natin yan.
03:43So, andyan naman ang ating mga assets. Lahat ng response assets ay pinamobilize na ng ating punong lungsod.
03:53Susan, tulad ng nakikita niyong live situation dito, talagang malalaki yung mga alon dito sa karagatang sakop ng bayan ng San Antonio.
04:08Ayon sa pag-asa, may storm surge warning sa buong Zambales at maaaring umabot ng 1 to 2 meters yung taas ng alon dito ngayong araw.
04:16Kaya talagang pinag-iingat yung mga residente. Tuloy-tuloy din po na naka-alerto yung buong LGU at nag-iikot na raw yung lokal na pamahalaan para mamigay ng relief packs
04:24at para na rin sa assessment o pagtaya ng posibleng naging pinsala ng mga sunod-sunod na nagdaang bagyo.
04:32Yan ang unang balita mula rito sa Zambales. Ako po si Darlene Cai para sa GMA Integrated News.