Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, July 6, 2025:


-Grade 10 student, pinagbubugbog ng dalawang estudyante sa Isabela, Basilan


-Irrigation canal sa Sarangani, umapaw dahil sa lakas ng ulan; kapilya, pinasok ng baha


-3 mgkakaanak, nasawi sa sunog; padre de pamilya, sugatan


-Pulis na in-upload ang maseselang video nila ng kasintahan at tinakot umano siya para muling magkita, timbog


-Mga buto ng mga nawawalang sabungero, posible pang marekober sa Taal Lake, ayon sa DOST


-Lagay ng panahon sa Ilocos Norte, mas maayos na; pagpalaot bawal ulit, ayon sa PDRRMO


-Nakaparadang kotse sa Caloocan, binasag ang bintana at ninakawan


-China, hinikayat ang mga kabataang Pilipino na labanan ang "misinformation"


-Presyo at kalidad ng gulay, apektado ng masamang panahon


-Pagdepende ng mga estudyante sa A.I., posibleng makaapekto sa critical thinking nila base sa isang pag-aaral


-Bagyong Bising, naging typhoon sa labas ng PAR; tropical cyclone wind signal, itinaas


-P250 umento sa sahod, pinakamataas sa mga panukalang inihain sa Senado; P200 isa sa mga bersyon ng panukalang wage increase sa Kamara


-Driver's license ng content creator na nagse-cellphone habang nagmamaneho, sinuspende ng LTO


-Ilan sa mga ganap before, during, at after the Big Night ng "PBB: Celebrity Collab Edition"

24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Sa video nito na viral sa iba't ibang social media pages.
00:39Sinuntok, siniko at sinipa ng dalawang estudyante ang isa pang mag-aaral.
00:44Kahit umiiyak, tuloy pa rin sila sa pananakit.
00:47Nangyaring insidente sa Basilan National High School noong June 25.
00:50Kinumpirma ito ng prinsipal ng paaralan.
00:52Sa pamamagitan ng sulag, nireport ng paaralan noong June 30 sa Bella City Police Station
00:58ang pananakit sa labi-limang taong hulang na biktima.
01:01Katuwaan, konsonadaan, grief, parang ganun.
01:05Dinala sa hospital sa Sambuanga City ang biktima na isang grade 10 student
01:09na nakaranas ng pananakit ng ulo at pagsusuka.
01:12Pinadala ko natin sa local hospital.
01:14Then after, sinanskoy namin sa Sambuanga City para mabigyan na magandang gamot at medical attention.
01:25Pareho nga sa grade 9 naman ang mga suspect.
01:28Ang dalawang CICF o Children in Conflicts with Law.
01:32Pinipilit siyang manggarillo or something basta may pinapagawa sa kanya na ayaw nyo gawin.
01:38Nasa kustudiyan na ng CSW din ng Isabela City ang dalawa.
01:41Pinayon sa kanila is bullying, yung under sa ating anti-bullying actor.
01:49Pero since may nurse po sila, they will be handled in accordance to juvenile justice and welfare.
01:58They will be considered as CICL.
02:00Magkakaroon na rao ng police visibility, hindi lamang sa labas kundi maging sa loob ng campus.
02:05Pina-activate na rin daw ang mga CCTV sa skwelahan.
02:08At kahit walang klase, bawal magtambay sa loob ng classroom.
02:20Sinusubukan pa namin makunan ng pahayag ang Department of Education at ang mga sangkot sa insidente.
02:26Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman.
02:31Nakatuto, 24 oras.
02:33Ramdam sa ilampanig ng Visayas at Mindanao ang bagsik ng habagat.
02:39Ang dalapon itong matinding ulan, nagdulot ng baha.
02:43Nakatutok si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
02:46Malakas na bulwak ng tubig ang bumungad sa mga residente sa Barangay Pangyan sa Glansarangani kaninang umaga.
02:59Matapos umapaw ang irrigation canal dahil sa ulan.
03:02Ang buta sa tabi ng isang bahay, pinalala ng rumaragas ang tubig-baha.
03:14Pinasok ng tubig ang mga bahay at kalapit na tindahan.
03:18May mga sasakyan din na pilit sinuong ang baha.
03:20Sa Barangay Cross sa Glandin, naantala ang pagsimba ng mga residente sa Kapilya.
03:28Nabasa ng lakas ng buhos ng ulan ang loob nito.
03:32Nagsagawa na ng disaster response ng mga otoridad sa lugar.
03:37Umapaw naman ang tubig at binahang isang ilog na konektado sa dagat sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
03:44Nagtulong-tulong ang mga mangingisda sa pagbuhat ng kanikanilang bangka papunta sa dalampasigan.
03:50Napansin daw nila na unti-unting tumaas ang tubig matapos bumuhos ang ulan sa lugar kaninang umaga.
03:58Nagmistulang ilog naman ang kalsada sa Barangay Basak Pardo sa Cebu City kaninang umaga.
04:04Dahil sa taas ng baha, may mga motoristang itinulak na lang ang kanilang motorsiklo.
04:09Ang iba, pilit na sinuong ang baha.
04:14Naglutangan naman ang mga basura sa abot-tuwod na baha sa isang sityo sa kaparihong barangay.
04:19Sa kabila nito, sinuong ng mga residente ang baha, gayon din ang mga sasakyan.
04:24Wala namang naitala ang CDRRMO na nasugatan sa malawakang pagbaha sa Cebu City.
04:30Ang mga pagulan sa Visayas at Mindanao epekto ng Southwest Monsoon o Habagat ayon sa pag-asa.
04:36Para sa GEMI Integrated News, Femarie dumabok ng GEMI Regional TV.
04:42Nakatutok, 24 oras.
04:44Tatlong magkakaanak ang nasawi sa sunog sa San Mateo Rizal.
04:49Nakatutok si E.J. Gomez.
04:54Nilamon ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa barangay Ampidunong San Mateo Rizal,
05:00mag-aalas dos ng madaling araw kanina.
05:03Naging pahirapan ang pag-apola sa sunog na itinaas sa unang alarma.
05:06Nagising po kasi ako. May naririnig ako na parang may pumuputok.
05:10Mula po sa baba, umakyat siya.
05:13Bago siya nag-spread, papunta po doon sa likod.
05:17Pag labas ko kasi naglalagablab na siya.
05:20Ninerbios na ako talaga. Nakakatakot.
05:24Medyo nagkaroon po ng unting aberya sa operasyon po namin.
05:29Kasi po yung pinaka main road na papunta po dito is for repair po siya.
05:33Kaya karamihan po ng mga nag-responding firetrucks po namin is umikot pa po.
05:37Naghanap po ng mga alternative routes pa po na maputahan.
05:40Apat na magkakaanak ang natutulog sa loob ng bahay noon.
05:43Pero tatlo sa kanila ang nasawi.
05:46Ang 60-anyos na ina, ang kanyang 30-anyos na babaeng anak at 28-anyos nitong asawa.
05:53Ang mag-asawang biktima ay nakita sa loob ng CR.
05:57Doon sila nagkulong, nasuffocate sila, then nasunog na sila doon.
06:01Yung nanay naman ay nasa second floor.
06:06Dahil nasunog ang ikilawang palapag, bumigay ito at nahulog sa unang palapag ang nanay.
06:13Ang 74-anyos naman na ama na katalon-umano mula sa ikilawang palapag
06:17ayon sa mga kapitbahay na nagtakbo rin sa kanya sa ospital.
06:21Nagtamo siya ng first degree burn sa ilang parte ng katawan.
06:25Ayon sa Bureau of Fire Protection, gawa sa light materials ang nasunog na bahay.
06:29Sa initial assessment namin mamukang ancestral house to which is gawa sa kahoy.
06:34So kaya mabilis talaga yung pagkalatmam ng apoy.
06:37Nadamay sa sunog ang sasakyang nakaparada sa harap ng bahay.
06:41Nakaligtas naman ang mga alagang aso.
06:44Tumagal ng isang oras ang sunog na tuluyang na apula kaninang 2.59am.
06:49Patuloy ang investigasyon ng BFP ukol sa sanhinang sunog.
06:54Gayun din ang halaga ng pinsalang dulot nito.
06:57Labis ang hinagpis ng mga kaanak ng mga nasawi.
07:00Tumagi silang humarap sa media.
07:02Para sa GMA Integrated News,
07:05EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
07:08Timbog sa La Union ang isang polis na nag-upload umano ng masaselang video ng dating kasintahan.
07:16Tinatakot din umano ng polis ang dating kasintahan para muling magkita.
07:21Nakatutok si John Consulta.
07:22Sa surveillance ng NBI Ilocos Regional Office,
07:30makikita ang pagdating ng kanilang primary target sa isang kainan sa Rosario La Union itong biyernes
07:35nang kunin ng suspect ang gamit ng complainant para sana sa kanyang plano,
07:39nilapitan siya ng mga operatiba ng NBI Ilocos
07:41at PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEC ng Region 1.
07:46Ayon sa NBI, in-upload ng polis na may ranggong patrolman
07:59ang masaselang videos nila ng dating nobya gamit ang isang dummy account.
08:04Pinawagan din itong complainant ang dating kasintahan
08:07ang nagmamakaawa para purahin ang mga nasabing videos na in-upload niya sa isang dummy account.
08:14Subalit, ang ginawa naman ng subject ay binilit niya na makipagkita ulit sa huling pagkakataon
08:25upang mapagbigyan sa kanyang makamundong kagustuhan.
08:32Nakakumpis ka sa suspect ang kanyang service firearm at cellphone na ginamit niya
08:37sa pag-upload ng masaselang videos at pananakot sa biktima.
08:40Sinong subukan pa namin makunan ng pahayag ang suspect na nasok si Triana ng NBI Ilocos Regional Office.
08:46Para si GMA Integrity News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
08:54Pwede pang ma-recover ang mga buto na mga mising sabungero na umano'y itinapon sa Taal Lake
08:59ay kay Science and Technology Secretary Renato Solidum.
09:02Maliwanan ng kalihim, posiblito dahil hindi naman daw na-decompose o nabubulok ang buto.
09:07Ang nabubulok lang daw ay mismong laman ng buto.
09:10Nakadepende rin ito kung saan sa Taal Lake itinapo ng mga nawawalang sabungero.
09:15Handa raw ang DOST na tumulong sa paghahanap sa mga labig.
09:18Samantala, kinihikayat ang National Police Commission ng NAPOLCOM si Julie Dondon Patidongan,
09:23alias Totoy, na mag-file ng complaint affidavit sa kanila bilang whistleblower sa kaso ng mga mising sabungero.
09:30Mas mapapabilis daw ang usad ng kaso kung i-file ito sa NAPOLCOM,
09:34lalo't may mga idinadawit ng mga polis.
09:37Nananatili pa rin bata sa Ilocos Norte ang masamang panahon dahil sa habagat at bagyong bising.
09:44Bawal pa rin ang pagpalaot dahil sa malakas na ulan.
09:48At mula sa pagodpud, Ilocos Norte, nakatutokla si Darlene Kaj.
09:54Darlene?
09:56Pia, katitila lang ng malakas na ulan na may kasama rin malakas na hangin dito sa bayan ng pagodpud.
10:01Hapon kanina, nagsimulang maranasan yung ganyang klase ng panahon.
10:04Pero ayon sa ilang nakausap naming residente ay ilang araw na nilang ramdam yung epekto ng masamang panahon.
10:15Buong araw makulimlim sa pagodpud, Ilocos Norte.
10:18Pabugso-bugso ang malakas na hangin.
10:20Panakanaka naman ang ulan, lalo sa hapon.
10:22Pero mas maayos na ang panahon ngayon kumpara kahapon at sa mga nakaraang araw.
10:25Kaya si BJ, sumisid na para mamana ng isda matapos matigil ng limang araw.
10:31Matuman ngayon ma'am kasi malabo yung tubig ngayon.
10:36Bakit?
10:37Kasi may bagyo.
10:38Ilang pirasong maliit na isda at pulita lang ang nakuha niya.
10:42Sakto lang sa pangulam pero wala pa rin siyang kita.
10:47Inabutan naman namin ang ilang residente na nagtutulong-tulong hatakin sa pampang
10:50ang lambat ng isang papabalik na bangka ng manging isda.
10:54Kukunti.
10:55Kasi may bagyo kasi.
10:59Wala pang tatlong kilo ang mga isda, puro butete pa.
11:02Kaya itinapon din ang karamihan sa dagat.
11:05Wala na naman daw kita si Richard na isang linggo na raw hindi nakakapangisda.
11:10Talang ganyan ang pisarman ma.
11:13Kahit walang huli.
11:17Pwede na rin.
11:20Ayon sa pag-asa, dahil lumakas pa ang bagyong bising,
11:23magiging maalon sa kanlurang bahagi ng Ilocos Norte,
11:25kabilang ang bayan ng Pagodpod.
11:27Kaya bawal uling pumalaot ang mga manging isda.
11:30In coordination with the Philippine Coast Guard and the PMT Maritime,
11:35mas malas yung mga local government units natin sa barangay,
11:38sa city, sa mamanisityo at sara sa province,
11:41pinahigting natin yung pagbabantay at pag-i-info dissemination sa mga fishery folks natin.
11:48Nakawag mo nang pumalahod habang malakas yung maalon.
11:53Ang ilang turista naman dito sa Pagodpod,
11:55tuloy pa rin ng bakasyon kahit masama ang panahon.
11:57Parang staycation lang ang maghahapon kahapon eh.
12:00Pero pinag-prepray na lang namin.
12:02Sabi ko, you have to wake up early in the morning para masulit.
12:05Pia, hindi raw ibinababa yung alerto sa buong probinsya.
12:13Nananatili raw nakahanda ang provincial government
12:15sa anumang magiging epekto ng bagyo.
12:17Yan ang latest mula rito sa Pagodpod, Ilocos Norte.
12:20Balik sa'yo, Pia.
12:22Maraming salamat, Darlene Kai.
12:26Isa nakaparad ng kotse sa Kaloocan,
12:28ang binasagabintana at ninakawan.
12:30Tumakas sa mga salarin na riding in tandem.
12:33Ang naahulikam na pagnanakaw tinutukan ni Bea Pinlak.
12:40Nakaparada ang sasakyang ito sa harap ng isang commercial building
12:44sa barangay 67 Kaloocan City.
12:46Ang may-ari ng sasakyan,
12:48nagpapamasahiraw sa building noon kasama ang kanyang partner.
12:52Maya-maya, lumapit sa sasakyan ng lalaking ito,
12:56naglaba siya ng ilaw at tila sinilip-silip ang loob ng sasakyan.
13:00Umikot pa siya sa paligid nito.
13:03Ilang sandali pa, bumalik ang lalaki at may kinalikot na sa bintana ng sasakyan.
13:09Binasag na pala niya ito.
13:10Pinasok niya ang sasakyan.
13:12Tsaka tinangayang bag na naiwan sa loob.
13:14Hindi po clear kasi sa CCTV pero sabi po ng mga polis na
13:18posible daw po na spark plug yung pinangbasag doon sa salamin
13:22para mag-shatter yung bintana.
13:25May dumaan pang customer ng isang convenience store sa building
13:28na napatingin sa ginagawa ng lalaki.
13:30Nadaanan niya yun.
13:33Ang pagkakala niya may naiwanan sa loob kaya binasagan sa lamin.
13:38Sinabihan siya, binantaan siya na huwag ka magsusumbong, sasaksakin kita.
13:42Agad naman tumakbo, pabalik ng building ang babae para magsumbong.
13:46In the middle of our massage, bigla na lang kaming tinawag ng mga tao
13:52ng establishment na may nambasag daw ng sasakyan namin.
13:58Pagka-check namin is basag na po yung bintana namin sa left side ng sasakyan.
14:03Ang lalaki naman, pinasok ulit ang sasakyan at dumampot pa ng isa pang bag.
14:08Hindi na nahagip sa CCTV pero may kasabwat pa umano ang lalaki
14:12na nagmaneho ng motor nila patakas.
14:15Biglang bumaba yung dalawa, nagtatakbo sila.
14:17Wala na, wala na yung nagbasag, nakaalis na.
14:21Ayon sa biktima, dalawang bag ang tinangay ng mga salarin.
14:25Ang halaga ng mga gamit na laman nito, hindi bababa sa 5,000 piso.
14:31Buti na lang nasita niya kung hindi.
14:33Na limas lahat ng gamit namin sa loob ng sasakyan.
14:37Inireklamo raw ito agad ng biktima sa pulisya.
14:40Ito po ay nai-report lang po verbally po sa amin.
14:43Ayon po dun sa nabalitaan po namin.
14:45Ito po ay dumirekta sa kapulisan para i-report po.
14:49Patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga otoridad ang biktima para sa imbestigasyon.
14:54Para sa GMA Integrated News,
14:57Bea Pinlak, Nakatutok 24 Oras.
15:00Sa kita na pagdiriwang ng diplomatic relations na Pilipinas sa China,
15:04Iginit ng China ang pag-iraw ng maayos na diyalogo sa pag-ayos ng sigalot.
15:10At hinikayat pa ang mga kabataang Pilipino na labana ng anilay misinformation o maling balita.
15:16Nakatutok si JP Soriano.
15:20Nakasalalay raw sa mga kabataang Pilipino ang kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at China.
15:26Yan ang laman ng pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines, Wang Xinjiang,
15:34na binasa ni Chinese Minister-Counselor Wang Yule.
15:37Dagdag ni Wang bangaman hindi raw maiiwasan sa magkapitbahay na magkaroon ng pagkakaiba.
15:43Dapat daw piliin parati ang maayos na pag-uusap sa halip na komprontasyon
15:48at pagsasayos sa halip na palakihin pa.
15:51Ang Chinese Embassy, hinikayat ang mga kabataang Pilipino na pagtagumpayan ang mga anilay misinformation o maling balita
16:01at makitaraw ang tunay na kwento ng kanilang bansa.
16:05Walang sinabi ang embahada kung ano ang maling impormasyon tungkol sa China ang tinutukoy nila.
16:11Dati nang iginigiit ng gobyerno ng China na teritoryo nila ang halos buong South China Sea
16:17kasama ang West Philippine Sea, base raw sa kanilang 10-line map.
16:22Sa nakalipas na mga taon, nakapagtayo ang China na mga istruktura sa artificial islands na binuo nila
16:28gaya ng Mischief Reef sa West Philippine Sea.
16:31Kahit pa nanalo ang Pilipinas sa 2016 arbitral ruling na nagsasabing walang basihan ang punto ng China
16:38at kinatigan ang Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea.
16:43Wala pang tugon kaugnay dito ang Department of Foreign Affairs.
16:47Pero kamakailan ng mariing inalmahan ng gobyerno ng Pilipinas
16:50ang pinakabagong kaso ng pambobomba ng tubig ng China Coast Guard
16:54sa maliit na barko ng BIFAR sa isang bahagi ng West Philippine Sea.
16:59Ang kanilang mga pahayag sinabi sa mga ginagawang pagdiriwang
17:03ng 50th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at China
17:07na inorganisa ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industries Incorporated.
17:13Binaan pa sa isang contest sa social media ang panawagan sa mga kabataan.
17:20From this competition, we have seen the beauty of diversity
17:23with our youth participants from different backgrounds, cultures, and experiences
17:29who express their viewpoint on Philippine-China diplomatic ties.
17:34Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
17:42Apektado po ngayon ang masamang panahon,
17:45ang presyo at kalidad ng gulay sa mga bagsakan at pamilihan.
17:49Nakatutok si Nico Wahe.
17:51Ngayong tag-ulan, may mga magsasaka sa Benguet
17:57ang napilitang anihin na ang kanilang mga pananim.
18:00Sabi ng nakausap naming nasa La Trinidad Vegetable Trading Post,
18:04halos paluginang ibinenta kahapon ang mga panindang repolyo.
18:07Kahapon talaga yung medyo may kalakihan doon siyang bigyan namin.
18:12Pagtagulan kasi medyo mabilis na maharvest kasi masisira.
18:16Wala raw oversupply ng repolyo.
18:19Binili naman daw ng mga nakaangkat.
18:21Pero tinatawaran pa lalo kumbasa ang mga gulay.
18:25Ang pechay umbok, mula 20 pesos, bagsak na sa 13 pesos ang kilo.
18:29Matumal daw kasi ang bentahan sa Metro Manila dahil sa pag-uulan.
18:40Kaya kaysa walang kitain, ibababa na lang nila ang presyo.
18:43Sa Balintawak Market, ang dating 70 pesos kada kilong repolyo, 50 pesos na lang.
18:49Siguro mababa yung kuha nila, kaya mababa din yung bigay nila sa amin.
18:53Ang mami-miling si Marivik nagulat din sa baba ng presyo ng gulay.
18:57Alin ba yung mura, ma'am?
18:59Mga bagyo, tulad ng repolyo, patatas.
19:03Pero yung mga Tagalog, yung sitaw, mahal.
19:08200 pesos lang ang kuha niya ngayon sa isang bundle ng repolyo,
19:12na noong nakaraan linggo ay 380 pesos hanggang 400 pesos.
19:16Ititinda rin ito ni Marivik.
19:18Sa kamuning market, nasa 80 pesos ang presyo ng repolyo sa tindahan ni Josefina.
19:22Humahangu lang siya.
19:23Sa ibang tindahan, 70 pesos per kilo ang benta.
19:34Ang broccoli, na dating nasa 130 pesos kada kilo, tumaas ngayon sa 190 pesos.
19:40Habang cauliflower, mabibili rin sa 190 pesos ang kilo.
19:46Ayon sa mga nagtitinda, nakadepende pa rin talaga ang presyo sa bigay ng kanilang supplier.
19:51Sinusubukan pa namin makuha ang reaksyon ng Department of Agriculture.
19:55Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
20:00Nakatutulong daw para silang mag-aaral at guro ang AI o artificial intelligence,
20:05particularang generative AI.
20:08Pero ang mismong intelligence o critical thinking ng mga estudyante,
20:12natutulungan ba?
20:13Yan ang tinutukan ni Buan Aquino.
20:15Ang incoming second-year college student na si John din niya tunay na pangalan.
20:23Palihim daw na gumagamit ng AI sa kanyang assignment.
20:27Magse-search po ako ng topic, tapos dun po is kinukha ko po yung text.
20:33Ang mga nakuhang impormasyon, inilalagay daw niya sa slide presentation.
20:37At dahil takot daw siyang mabuko ng guro, dumidiskarte siya para hindi mahalata.
20:43Inahaluan ko po ng konting sariling opinion ko po.
20:49Ang senior high school teacher na si Daisy Marasigan,
20:53nagpost sa kanyang social media account ng tutorial ng paggawa ng lesson plan gamit ang AI.
20:58I think it's high time, especially in the 21st century, na kinakailangan na natin i-embrace yung AI.
21:05But of course, there is caution.
21:07Paano makasabay sa AI, sabi ng DepEd.
21:10Soon, babaguhin na rin natin yung ating kutlum para matutong magkumamit ng AI.
21:15Bata, matutong pamit ng AI yung mga guro natin.
21:19At ang pagbabago na in-anticipate po natin sa daratid na mga saon.
21:23Ang problema, makakapag-isip pa kaya ang mga estudyante?
21:27Sa pag-aaral kamakailan ng Massachusetts Institute of Technology o MIT,
21:32lumabas ng paggamit ng AI para magsulat ng essay,
21:36ay maaaring magdulot ng cognitive depth o yung kawalan ng effort na mag-isip para makasagot
21:41at posibleng pagbaba ng kakayahang matuto.
21:44Hindi pa definitive ang resulta at hindi pa na-prepare review.
21:48Pero ayon sa isang local academic head na naniniwalang binago na ng AI ang edukasyon sa bansa.
21:53Karaniwan, ginagamit ito bilang gabay, pero hindi bilang sagot sa kabuuan.
22:00Kasi kailangan pa rin natin ng critical thinking, kailangan pa rin natin na mag-aral.
22:06Sa kanilang universidad, hanggang 15% lang ng thesis at research paper ng mga undergraduate
22:11ang pwedeng gamitan ng AI.
22:14May AI tools daw sila para madetect kung merong sumobra.
22:17Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
22:23Naging typhoon na sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong bising
22:27at may tropical cyclone wind signal ulit na itinaas ang pag-asa.
22:31Ang latest niyahatin ni Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
22:36Amor.
22:37Salamat Ivan mga kapuso, lalo pa nga lumakas ang bagyong may international name na Danas
22:44at tinatawag namang Bising sa local name.
22:47Dahil po sa inaasahang pagdikit nito ulit sa Philippine Area of Responsibility,
22:51nagtaas na ng wind signal ang pag-asa.
22:54Nakataas po ang signal number one dyan po yan sa Batanes
22:57kung saan po mararamdaman yung malakas na bugso ng hangin na may kasamang mga pag-ulana.
23:02Dito rin po nakataas ang gale warning ang pag-asa.
23:04Ibig sabihin may mga malalaking alon at dalikado po yan sa mga sasakyang pandagat.
23:09Huling namataan ng pag-asa ang bagyo sa lahing 335 kilometers west-northwest ng Itbayat, Batanes.
23:16Taglay po nito ang lakas ang hangin na abot na sa 130 kilometers per hour
23:21at yung pagbugso po yan na sa 160 kilometers per hour.
23:25Ang paghilos po nito ay pan-northeast sa bilis naman na 15 kilometers per hour.
23:30Sa latest bulletin po ng pag-asa, may chance pa rin po itong bumalik dito po sa Philippine Area of Responsibility.
23:37Pero dadaplis lang po yan o sanday lang po ang dadaan dito sa may corner o gilid po ng parline malapit dito sa Taiwan.
23:44Maari po ngayong gabi o kaya naman po ay mamayang madaling araw.
23:48Lalabas din naman agad ito dito sa Philippine Area of Responsibility.
23:52Maari bukas din po ng hapon at sunod naman tutumbukin itong China.
23:56Bukod po sa Bagyong Bising, makakaapekto pa rin yung hanging habagat o yung southwest monsoon.
24:02Dito po yan sa malaking bahagi pa rin ng Pilipinas.
24:05Base po sa datos ng Metro Weather, bukas may mga pagulan pa rin sa malaking bahagi po ng Luzon.
24:11Lalong-lalo na po dito sa northern Luzon.
24:13Pusibli po yung mga malalakas sa pagulan.
24:15At pati na rin dito sa may western section po ng central at ng southern Luzon.
24:19So kasama po dyan, ito po nga Ilocos Region, central Luzon, pababa po dito sa bahagi ng Mimaropa.
24:26May mga kalat-kalat na ulan din po na inaasahan sa Visayas at pati na rin po sa Mindanao.
24:31Pusibli po dyan yung heavy to intense rains kapag po meron tayong thunderstorms,
24:35kaya maging alerto pa rin sa bantanang baha o landslide.
24:39Dito naman sa Metro Manila na kung may chance pa rin po ng ulan bukas,
24:43lalo na po sa hapon o kaya naman sa gabi.
24:45Pero mga kapuso, linawin lang po natin yung mga pag-ulan ay hindi naman po tuloy-tuloy.
24:50Pwede po may bahagi ng araw na mainit o maaliwalas,
24:53pero pagkalipas ng ilang oras ay magiging maulap.
24:56Kaya po nagkakaroon po tayo ng chance na mga pag-ulan.
25:00Kaya lagi po magdala ng payong.
25:02Pagsapit naman ng Martes, may chance rin po ng ulan sa umaga.
25:05Dito po yan sa malaking bahagi po ng Luzon.
25:07At bandang hapon, halos buong buwan sana po ang makakaranas ng mga pag-ulan.
25:12Halos ganito rin po ang maaaring maranasang panahon.
25:15Ang pagsapit po ng miyerkules.
25:17Pwede pang magbago ang outlook, kaya patuloy po mag-monitor ng updates.
25:22Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
25:24Ako po si Amor La Rosa.
25:26Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
25:35Sardinas ang ulam ng pamilya ni Jonathan ngayon.
25:38Kailangan kasing pagkasyahin ang minimum wage na kita niya.
25:41Tingin ko kulang sa mga magagawa yan kasi sobrang mahal din ng mga bilihin ngayon.
25:47At bukod doon, marami na rin, bukod doon sa pagkain, marami na rin tinaas.
25:52Ang gaya ng mga sa pagbayad sa kuryente.
25:55Noong 19th Congress, hindi pumasa ang panukalang legislated wage increase.
26:00Kayong 20th Congress, naghahin ang magkakaibang panukalang daily wage increase ang ilang senador.
26:05Pinakamataas ang sinusulong ni Sen. J. V. Ejercito, 250 pesos.
26:10Sa inflation ngayon, sa pagtaas ng presyo ng bilihin.
26:14Kaya ako ginawang 250, alam ko naman na, syempre, tatawad pa yan.
26:18Whether it's 150, 100, 150 at least, malaking bagay po sa ating magagawa.
26:24Maaaring isang committee hearing na lang daw pagbukas ng 20th Congress at maisa sa batas ito sa loob ng isang taon.
26:30Sa camera, may mga bersyon na rin ng panukalang batas, gaya ng isang panukalang 200 peso wage increase.
26:37Para kay TUCP Partialist Representative Raymond Mendoza, hindi katanggap-tanggap ang 50 peso wage hike ngayon sa NCR.
26:44May hihulay rin panukala para sa 1,200 pesos na national living wage.
26:49Ano kaya ang pananaw ng minimum wage earners kung may pumasamang legislated wage hike?
26:54Pag tumataas yung sahod natin, sir, tumataas din yung bilihin.
26:59Para sa akin, sir, 1,000 dagdag nila. 1,000 yun, sir. Sa tingin ko, walang magre-reklamo niyan.
27:06Kulang pa po yun, sir, para sa tulad kong pamilyado.
27:10Sa July 18, epektibo ang 50 pesos na wage hike o mahigit 1,000 piso sa isang buwan na inutos ng Metro Manila Regional Wage Board.
27:18Nauna nang sinabi ng National Wages and Productivity Commission na kailangan ding balansihin ang ipatutupad na dagdag sahod
27:25dahil sa pangambang maaari ding mauwi ito sa pagmahal ng bilihin at maka-apekto sa bilang ng trabaho.
27:32Naghahain din si Sen. Wyn Gatchalian ng Ginhawa Act na layong ma-exempt sa income tax
27:36ang mga kumikita ng 400,000 pesos sa isang taon o nasa 33,300 pesos kada buwan.
27:43Sa train law kasi, tax exempt kapag 250,000 pesos kada taon ang sweldo ng empleyado.
27:48Napako na yung 250. Alam naman natin, every year may inflation. So in-adjust namin sa inflation at tinaasan pa namin.
27:56So it's just fair because ang inflation natin for the last 10 years ay napakataas.
28:03Sa panukala, itataas din sa 250,000 pesos ang tax fee na bonus mula 90,000 ngayon.
28:09At alisin ang tax sa service charge at iba pang bayad sa mga empleyado tulad ng night differential.
28:14Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzales, Nakatutok, 24 Oras.
28:20Si Ruspindi ng LTO ng siyamnapung araw, ang lisensya ng motorista na nagpost at nagviral online
28:26ng video na kuha habang nagmamaneho ng sports car.
28:31Ay po sa LTO, ang ginawa ng driver para sa content ay malinaw na paglabag sa batas trapiko.
28:38Pinagpapaliwanag at pinaharap ng LTO ang registered owner ng sasakyan.
28:44Batay sa show cause order ng LTO, liable ang nagmamaneho para sa reckless driving,
28:50paglabag sa Anti-Distracted Driving Act at Land Transportation Code.
28:54Hindi siya at pinangalanan ng LTO sa kanilang payag pero naka-attribute ang kanyang social media post sa isang Josh Mojica.
29:02Shinair din ni Mojica ang post ng LTO na nilagyan niya ng caption na,
29:07Hindi ako yan promise.
29:09Sinusubukan pa namin siyang makunan ng reaksyon.
29:14PBB Colab Fever is still on.
29:20Matapos ang announcement ng big winners kagabi,
29:22dama pa rin ng excitement at suporta sa big four
29:25at ex-kapuso at kapamilya housemates na nag-guest agad sa All Out Sundays.
29:30Yan ang chika ni Aubrey Carampel.
29:31Ang overwhelming support sa PBB Celebrity Colab Edition Big Winners
29:46na sina Brent Manalo and Mika Salamangka,
29:48dama sa hiyawan at pagmamahal ng kanilang friends, family and fans.
29:53Gaya ng heartfelt hug ni ex-housemate Bianca Devera kay Mika.
30:00Proud din ang content creator na si Benedict Cua sa best friend niyang si Mika.
30:04Si magandang Gabby PBB host Gabby Garcia, may congratulatory message din for Breka.
30:10Hirit ng netizens, big winner din daw si Shuvie sa kanyang photo with her OG
30:14and in real life TDH or tall, dark and handsome na sina Donnie Pangilinan and Anthony Constantino.
30:22Speaking of TDH, dashing sa kanik nilang big night outfits,
30:25sina Donnie, Michael Sager and Emilio Daez.
30:29Millie, Rami and Mick Ver are present sa photo ni Michael
30:33kasama ang kanyang mga naging kapamilya duos.
30:36Kilig moment naman ang hatid ng tila paglayag ng Wilka Ship
30:40ni na Wil and Bianca sa touching moment nila together
30:43na may OA reaction pa from their fellow housemates.
30:48The big night just got bigger sa mga pasabog performance
30:51ng ex-kapuso house guests, Michelle D. and Bianca Umali.
30:56Pero bago yan, may pa-warm-up na kasama ang ilan sa housemates.
31:00After the big night, big stage naman sa All Out Sundays
31:03ang binisita ng Big Four
31:05kasama sina kapuso housemates Michael, Vince and Josh.
31:09Humarap sila sa bagong challenge sa outside world
31:12ang Barkada Oke Challenge.
31:15Adjusting pa rin daw sa outside world ang housemates.
31:18Ang breka, halos wala pang tulog na overwhelmed pa rin
31:21sa kanilang pagkapanalo at sa nangyari from the big night.
31:25At yan po ang mga balita ngayong weekend
31:30para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
31:34Ako po si Fia Arcangel.
31:36Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMainting Rated News,
31:39ang news authority ng Pilipino.
31:41Nakatuto kami 24 oras.

Recommended