- 5/31/2025
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, May 31, 2025:
Malakas na hangin at ulan, nagpatumba ng mga puno sa South Cotabato; 14 sugatan
Driver at pahinante, patay matapos bumangga ang kanilang dump truck sa puno; isa sugatan
Lalaking nagnakaw ng motor, patay matapos makipagbarilan sa pulisya
VP Sara Duterte, hindi muna nagbigay ng pahayag tungkol sa pagiging bukas ng Pangulo na ayusin ang hidwaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya
Ulat ng China na Naval Patrols nila sa Bajo De Masinloc, gawa-gawa ayon sa PHL Navy
3 menor de edad, patay matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Bulakan, Bulacan
Presyo ng ilang school supplies, mas nagmura ngayong taon, ayon sa DTI
Franchise business, mas mataas ang success rate ayon sa DTI; Ilang negosyante, nais pasukin ito
Cawitan River sa Negros Oriental, dinarayo ng mga residente at turista
Average attention span ng tao, 47 seconds lang ayon sa 2023 study; Mas umikli kumpara noong 2004 na 2.5 mins
Pagwo-workout, pag-inom ng supplements, at skincare routine, ilan sa mga pina-priotize ni David Licauco to look good and feel good
Elephant seal, naligaw sa isang pamayanan sa Cape Town sa South Africa; Tagumpay na naibalik sa dagat
Mga refreshing na lugar sa Ilocos Norte para mapawi ang init
"Trashion" designer, lumikha ng Encantadia-inspired costumes na yari sa recyclable materials
Gastronomy Tourism: Pancit Malabon, halo-halo, kakanin at okoy, mga putaheng ipinagmamalaki ng Malabon
Celebrity at digital dance stars ng "Stars on the Floor," ipinakilala na
Mistulang dust storm kahapon sa Pasay City, posibleng dulot ng pag-ihip ng Hanging Habagat at maaari raw maulit ayon sa PAGASA
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Malakas na hangin at ulan, nagpatumba ng mga puno sa South Cotabato; 14 sugatan
Driver at pahinante, patay matapos bumangga ang kanilang dump truck sa puno; isa sugatan
Lalaking nagnakaw ng motor, patay matapos makipagbarilan sa pulisya
VP Sara Duterte, hindi muna nagbigay ng pahayag tungkol sa pagiging bukas ng Pangulo na ayusin ang hidwaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya
Ulat ng China na Naval Patrols nila sa Bajo De Masinloc, gawa-gawa ayon sa PHL Navy
3 menor de edad, patay matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Bulakan, Bulacan
Presyo ng ilang school supplies, mas nagmura ngayong taon, ayon sa DTI
Franchise business, mas mataas ang success rate ayon sa DTI; Ilang negosyante, nais pasukin ito
Cawitan River sa Negros Oriental, dinarayo ng mga residente at turista
Average attention span ng tao, 47 seconds lang ayon sa 2023 study; Mas umikli kumpara noong 2004 na 2.5 mins
Pagwo-workout, pag-inom ng supplements, at skincare routine, ilan sa mga pina-priotize ni David Licauco to look good and feel good
Elephant seal, naligaw sa isang pamayanan sa Cape Town sa South Africa; Tagumpay na naibalik sa dagat
Mga refreshing na lugar sa Ilocos Norte para mapawi ang init
"Trashion" designer, lumikha ng Encantadia-inspired costumes na yari sa recyclable materials
Gastronomy Tourism: Pancit Malabon, halo-halo, kakanin at okoy, mga putaheng ipinagmamalaki ng Malabon
Celebrity at digital dance stars ng "Stars on the Floor," ipinakilala na
Mistulang dust storm kahapon sa Pasay City, posibleng dulot ng pag-ihip ng Hanging Habagat at maaari raw maulit ayon sa PAGASA
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by ESO. Translation by —
01:30Kung walang pa ng hail o mga butin-butin na yelo, nakatotok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
01:36Hindi magkamayaw ang mga residente sa barangay Crossing Roberts at Tukistout, Cotabato sa lakas ng ulan.
01:46Ay! Alakasak po!
01:51Nilipag din ang mga bubong at sanga ng mga puno sa lakas ng hangin.
01:55Alakas ulalais!
01:57Alakas ulalais!
01:59Bubungad din sa mga residente ang hail o pagulan na mga tipak-tipak o butil-butil na yelo.
02:05Nagbagsakan naman ang mga puno sa isang taniman sa barangay Palian, Bunsod ng Ulan.
02:10Sa tala ng mga autoridad, pitong bahay mula sa anim na barangay ang napinsala matapos tamaan ng malalaking sanga ng kahoy.
02:17Ang mga natumbang puno, nagpabagal at nagpasikip din ng dalyo ng trapiko sa National Highway.
02:24Agad nagsagawa ng clearing operations.
02:26Sa tala ng mga autoridad, labing apat ang nasugatan dahil sa mga natumbang puno at disgrasya sa kalsada sa bayan ng Tupi.
02:33Nagsasagawa na ng assessment at needs analysis ang MDRRMO.
02:38Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang nanalasa sa bayan ng Tupi.
02:43Inulang din ang ilang probinsya sa Luzon.
02:45Sa kasiguran aurora, tumagal ng apat na oras ang ulan kahapon.
02:51Wala namang naitalang pinsala o pagbaha sa lugar.
02:54Tumagal naman ng dalawampung minuto ang naging pag-ulan sa Naglian, Isabela.
02:59Sa ngayon, nagbabala ang mga autoridad sa mga residente sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa lugar.
03:06Ang masamang panahon sa aurora at Isabela, efekto ng umiiral ng ngayong hanging habagat ayon sa pag-asa.
03:12Para sa GMA Integrated News, si Jay Torida ng GMA Regional TV.
03:19Nakatutok, 24 oras.
03:23Malagim na disgrasya sa Zamboaga City, patay ang driver at pahinante na isang dump truck na bumanga sa isang puno.
03:30Sugatan ang isang nakatambay sa lugar ng insidente.
03:33At nakatutok, si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
03:36Kita ang isang truck na nawalan ng kontrol at biglang bumanga sa isang puno sa Maria Clara Lorenzo Lobrigato MCLL Highway
03:49sa branggay Victoria, Zamboaga City, bandang 335 ng hapon kahapon.
03:54Agad itong inusisa ng mga nagulantang na residente.
03:57Sa videong kuha ng isang residente, kitang naggalat sa kalsada ang lupang karga ng tumagilid na truck.
04:05Nasira ang ilang nakaparatang sasakyan at kusina ng isang bahay na nahagip ng nasabing truck.
04:11Ayon sa Zamboaga City Police, na-trap sa front seat ng truck ang 46-anyos na lalaking driver.
04:17Nawalan din ng malay ang kanyang pahinante.
04:20Agad namang dumating ang rescue at dinala sa ospital ang dalawa pero idineklara silang dead on arrival.
04:25Habang nagtamu ng minor injury, ang isang lalaking residente na nakatambay sa lugar matapos tamaan ang karga ng truck.
04:33Batay sa investigasyon ng pulisya, biglang pumutok ang isa sa mga gulong ng truck
04:38habang bumibiyahay ito mula sa mataas na bahagi ng barangay Lamisahan papunta sa mababang bahagi ng highway sa barangay Victoria.
04:46Dahil sa bigat na karga ng truck, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng truck hanggang sa bumanga sa isang puno.
04:53Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuhana ng payag ang pamilya ng mga biktima at mga nadamay sa insidente.
05:00Para sa GMA Integrated News, Efren Mama ng GMA Regional TV, nakatutok 24 oras.
05:07Patay ang isang suspect sa pagnanakaw ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga polis sa antipolarizal.
05:15Ayos sa mga polis, na abisto ang suspect.
05:17Nang ibenta nito ang ninakaw niyang motorsiklo sa halagang 5,000 piso.
05:22Pero ang motorsiklo namukhaan daw ng buyer dahil sa social media post ang asawa ng ninakawang biktima.
05:29Naisumbong daw ito sa biktima at sa mga otoridad.
05:32Pero nandumating ang mga polis sa lugar, biglang tumakbo ang suspect na nakipagbarilan pa sa mga polis.
05:38Nagtamon ang tama ng balang suspect na dead on arrival sa ospital.
05:43Narecover ang motorsiklo pero wala na itong plaka at kulang-kulang ang mga pyesa.
05:48Nakuha rin ang ginamit na barilang suspect.
05:50Napagalaman din ang polisya na may nakamidming warrant of arrest sa kasong theft ang suspect na dati na rin nakulong dahil sa pagnanakaw.
05:58Ang resulta ng eleksyon, ang isa sa mga napag-usapan ni na Vice President Sara Duterte
06:18at ng kanya amang si former President Rodrigo Duterte sa The Hague, sa Netherlands.
06:24Ano kaya ang sentimiento niya sa payag ni Pangulong Bongbong Marcos na bukas daw itong ayusin ang hidwaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya?
06:33Nakatutok si Jonathan Anday.
06:34Kamakailan sa unang episode ng kanyang podcast, sumagot si Pangulong Bongbong Marcos kung handa raw siyang makipagkasundo sa mga Duterte.
06:45Oo! Ako ayaw ko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao.
06:50Mas maganda pala na. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway. Kailangan ko kaibigan.
06:55Happy Birthday to you!
07:00Natanong tungkol dito si Vice President Sara Duterte na nagdiriwa ngayon ng ika-apatnaputpitong kaarawan.
07:06Hindi naman na siguro kung magsalita about reconciliation dahil hindi naman mahalaga siguro ang kapersonal na problema ng mga tao.
07:15Ang mas mahalaga is yung taong bayan at yung bayan natin.
07:20Nasa The Hague, Netherlands ang Vice kasama ang inang si Elizabeth Zimmerman para dalawin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:28Isang oras tumagal ang dalaw ng Vice sa dating Pangulo sa ICC Detention Facility.
07:33Masaya siya nung nakita niya kami kasi alam niya na lang itong kami to celebrate pre-birthday with him and with my mother.
07:43Napag-usapan din namin yung oath niya at pag-usapan. Pag-usapan daw nila ng lawyers niya kung paano gawin yung kanyang oath.
07:56Pero initially ang sinabi niya, I want, set me free and I will take an oath.
08:02Pinag-usapan din daw nila ang resulta ng eleksyon sa Pilipinas at si Senator Amy Marcos na kasama niya sa The Hague pero hindi pinayagang makadalaw sa kulungan.
08:10Wala akong role si Senator Amy sa case ni former President Rodrigo Duterte.
08:17Nandito lang siya para kausapin si Attorney Kaufman kung ano man yung napag-usapan nila, wala ako doon.
08:26So mas mahalaga siguro na makausap ninyo si Senator Amy Marcos.
08:30Nagsalitari ng bisis sa resulta ng May 2 to 6 survey ng SWS na 88% o halos siyam sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing dapat sagutin niya ang impeachment complaint.
08:43Oo, I totally agree. Kasama ako dyan sa 88% na yan na nagsasabi at ako ay parang thankful sa opportunity na malinis yung pangalan ko at masagot yung mga akusasyon sa akin.
09:00Naniniwala raw ang bisis na walang epekto sa kanya ang pag-usog ng Senado sa impeachment case niya mula June 2 papuntang June 11.
09:08Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
09:14Samantala, tinawag na gawa-gawa ng Philippine Navy ang ulat ng State News Agency ng China na nagsagawa ng patrol sa kanilang Navy sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
09:25Nakatutok si Nico Wahe.
09:31Naglabas ng ulat ngayong araw ang State News Agency ng China na Xinhua,
09:34na nagsagawa raw ng combat patrols ang Southern Theater Command ng People's Liberation Army sa Bajo de Masinloc na tinatawag ng China na Huangyan Island.
09:43Pero ayon sa Philippine Navy, gawa-gawa lang daw ito.
09:47Wala silang na-monitor na aktibidad ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
09:51Ang ganitong uri raw ng balita ay bahagi ng tinatawag nilang Information Shaping Operations ng Chinese Communist Party
09:58para raw pahupain ang mga usapin ng ibang bansa sa pagtutol sa kanilang mga aktibidad.
10:02Ang paglabas ng ulat ng China nangyari sa gitna ng isinasagawang Shangri-La Dialogue sa Singapore,
10:08isang forum tungkol sa defense kooperasyon ng iba't ibang bansa.
10:12Ngayong taon, hindi ipinadala ng China sa forum ang kanilang defense minister.
10:16Naroon naman si na US Defense Secretary Pete Hegseth at ating Defense Secretary Gilberto Chudoro Jr.
10:22Ang ginawang talumpati ni Hegseth ay unang beses na nagsalita ang Amerika sa ilalim ng Trump administration,
10:28kaugnay sa mga aktibidad ng China sa Indo-Pacific region.
10:30Ayon kay Hegseth, prioridad ng Trump administration ng Indo-Pacific region.
10:35Nagbabala rin siya sa posibleng umanong pagsakop ng China sa Taiwan.
10:38It has to be clear to all that Beijing is credibly preparing to potentially use military force
10:46to alter the balance of power in the Indo-Pacific.
10:49We know, it's public, that Xi has ordered his military to be capable of invading Taiwan by 2027.
10:56Again, to be clear, any attempt by Communist China to conquer Taiwan by force
11:01would result in devastating consequences for the Indo-Pacific and the world.
11:06Kailangan daw dagdagan ang pondo ng mga bansa sa rehyon para sa kanilang depensa.
11:11NATO members are pledging to spend 5% of their GDP on defense, even Germany.
11:18So it doesn't make sense for countries in Europe to do that while key allies in Asia spend less on defense
11:24in the face of an even more formidable threat.
11:28Pinuri naman ni Defense Secretary Gilbert Shodoro si Hegseth sa aniya yung magiging malaking epekto
11:33ng suporta ng Estados Unidos.
11:35Patuloy raw nilang pag-iibayuhin ng bilateral at multilateral relationship ng Pilipinas sa Amerika.
11:39It is the proof of the commitment of the Trump administration to engage in the ASEAN and the Indo-Pacific
11:47all with the vision of a free and open Indo-Pacific
11:53and of course our shared interest in upholding a rules-based international order.
12:00Kahapon naman, magkasama si na incoming Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro
12:04at Chinese Ambassador to the Philippines, Wang Xilian, sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Philippines-China relations.
12:11Ayon kay Lazaro, batid niya ang mga pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas sa China
12:15na ayon kay Wang ay mareresolba sa pamamagitan ng dialogue at konsultasyon.
12:19We acknowledge the challenges remain, but it is important to remember
12:24that these do not define the entirety of our engagement and our friendship.
12:30I vividly recall our young efforts through rounds of negotiation serve as a valuable reference
12:38for the management of maritime differences and contributes meaningfully to the peace and stability in this region.
12:49Para sa German Integrated News, ni Kuahe, Nakatutok, 24 Oras.
12:54Dagdag bawas sa presyo ng petrolyo ang asahan sa unang linggo ng Hunyo
12:59at sa tansya po ng kumpanyang Unioil, 10 hanggang 30 centimo
13:03ang posibing price hike sa kada litro ng gasolina.
13:07Posibing namang walang paggalaw o kaya ay mag-rowback ng 10 centimo sa diesel.
13:11Ay sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
13:15ilan po sa nakikitang dahilan sa paggalaw ng presyo ng langis
13:18ay ang tensyon sa mga bansa ang pinagmumulan ng langis.
13:21Ang plano ng OPEC Plus na itaas ang produksyon sa Hunyo
13:25at ang pagbagal ng ekonomiya, particular na sa Asa.
13:29Samantala nag-anunsyo ang petrolyo ng rowback sa LPG na piso at 75 centimo kada kilo simula bukas.
13:36At sunod daw ito sa itinakdang contract price ng LPG para sa Hunyo.
13:40Baka puso, patuloy na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ang hanging habaga.
13:47Ayon sa pag-asa, nagdadalaya ng malalakas sa pagulan at thunderstorms sa buong Luzon,
13:52lalong-lalo na sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region,
13:56Sambales, Bataan, Batanes, Cagayan at Metro Manila.
14:00Localized thunderstorms naman ang nagpapaulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
14:04Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to intense rain sa bukas sa Abra,
14:11Cagayan, Mountain Province, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro,
14:17Camarines Sur, Albay at ilang lugar sa Palawan.
14:20Light to heavy rains naman ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
14:28Isang mag-anak sa Bulacan, Bulacan, ang nagluluksa ngayon dahil sa sunod.
14:32Nasa we, ang tatlong minor de edad na magkakaanak na natrap sa sunog sa kanilang bahay.
14:38Nakatutok si Jonathan Andal.
14:46Isa-isang inilabas ang mga bangkay na nakasilid sa mga body bag.
14:51Ganyan ang mapait na sinapit ng tatlong na trap sa nasunog nilang bahay sa barangay Bambang sa Bulacan, Bulacan kahapon.
14:57Labis ang hinagpis ng kanilang mga kaanak, lalot pa ang mga minor de edad ng tatlong bitima.
15:02Kabilang ang magkapatid na sina Yara, labing-anim na taong gulang, at Yanni, labing-apat na taong gulang.
15:08Gayon din ang kanilang pinsang si Jaden na isang taong gulang pa lamang.
15:12Ayon sa kapatid ng dalawa sa mga nasawi, nasunog ang isang extension wire kung saan nakasaksak ang isang electric fan sa bahay ng mga biktima.
15:20Nang katoki na raw ng nakababata nilang kapatid ang kwarto, wala raw sumasagot.
15:24Doon na raw tuluyang lumaki ang apoy.
15:26Pasado o launa ng hapon nang makatanggap ng tawag ang BFP at agad rumispondi sa sunog na umabot sa unang alarma.
15:32Idineklara itong fire out matapos ang kalahating oras.
15:36Patuloy na iniimbestigahan ang sanhinang sunog.
15:38Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
15:48Sa mga mabag-back to school ngayong Hunyo, may school supplies na mas nagmura po ngayong taon ayon sa DPI.
15:54Sa Pangasinan, maaga nang nagpadala ang DepEd ng mga libro para sa ilang estudyante sa bayan ng Mangaldan.
16:01Nakatutok si Darlene Kai.
16:03Sa paaralan, mas mainam kung bawat mag-aaral may kanya-kanyang libro.
16:11Lalo na at ilang linggo na lang, pasukan na.
16:14Ang DepEd, maaga nang nagpadala ng kahon-kahong libro sa Mangaldan National High School sa Pangasinan,
16:19kung saan problema raw ang kakulangan ng libro.
16:22Target ngayon ng eskalahan na bawat estudyante nila magkaroon ng tigi-isang libro.
16:26One is to one po ang magiging ratio sa ating mag-aaral ay magpataroon po sila ng enough na resources
16:33para sa ganun ay mas higit nilang maintindihan at matutunan yung kanilang mga pinapag-aralan.
16:40Ang incoming grade 11 student na si Kevin di na kailangan manghiram sa mga kaklase.
16:45Dapat po bawat estudyante po sa amin may tigi-isang libro po
16:49para if ever na kahit wala pong pasok or nasa bahay lang po ganun,
16:54pwede po kaming makapag-advance reading.
16:57Science books ang karamihan sa mga librong ipinadala para sa mga grade 8 at senior high school students.
17:02Inasahang may susunod pang batch na ipapadala sa paaralan bago ang pasukan sa June 16.
17:08Bukod sa mga libro, kailangan ding paghandaan at budgetan sa pasukan
17:12ang school supplies o kagamitan ng mga papasok sa eskwela.
17:16Ang good news, lalo sa mga maghulang,
17:19mas bumabaraw ang presyo ng ilang uri ng school supplies ngayong taon
17:22kumpara noong 2024 ayon sa Department of Trade and Industry.
17:25Sa inalabas sa Price Guide ng DTI,
17:27dalawang putsyam sa kananiwang gamit ng mga mag-aaral
17:30ang mas mura ngayong taon kumpara noong 2024.
17:34Piso hanggang sampu piso rawang natapya sa presyo ng mga ito.
17:37Kaya ang notebooks, salimbawa,
17:39naglalaro ngayon ng presyo sa 15 hanggang 52 pesos.
17:4211 hanggang 24 pesos ang isang piraso ng lapis.
17:46Kung bibili ng pad paper,
17:47nasa 15 hanggang 48 pesos and 75 centavos ang presyo nito.
17:51Kung may mga nagmura, may school supplies na hindi gumalaw ang presyo.
17:56Gaya ng ball pen, pantasa, pambura, crayons at rulers.
18:00Patuloy ang paalala ng DTI sa publiko
18:03na maging maingat sa pagbili ng school supplies.
18:05Lagi raw dapat tignan ang product labels
18:07at i-double check ang bibilihin para hindi lugi o madaya
18:10gaya ng bilang ng pahina ng mga notebook at pad paper.
18:14Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain.
18:17Nakatutok 24 oras.
18:18Ang pagtataguyod ng sarili negosyo isang malaking sugal.
18:28Kaya ang ilan na ispasukin ang pagpa-franchise
18:31kung saan ang negosyo mas sumukna at mas tiyak ang kita mo.
18:36Kung magkano'ng kailangan mong bunuin para maging isang franchisee,
18:39alamin sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
18:42Napaso sa unang negosyo niyang coffee shop si Rox, kaya nagsara.
18:49Pero hindi siya sumuko sa pagtimpla ng bagong negosyo.
18:52Kaya nais niyang subukang mag-franchise.
18:55Ang hirap din mag-start from scratch.
18:57So ang isang sa mga pinakamabilis na way to create or have a business is mag-franchise.
19:04Ayon sa DTI, mas mataas daw ang success rate ng mga negosyo tulad ng mga makikita rito.
19:09So for those that are thinking of what business to get into,
19:14best for them to get into franchising.
19:16So kung anong kaya ng budget nila, dun sila.
19:19Imbis na ikaw yung mag-iimbento o mag-uumpisa ng sarili mong brand,
19:24you're already investing in a tried and tested system.
19:28Sa halagang P50,000, may mga negosyong maaaring i-franchise,
19:33gaya ng Shomai at Dunat.
19:35Yung P50,000 kasi napakadaling bawiin eh, di ba?
19:37Maliit yung investment sa amin.
19:40So madali nilang mababawi.
19:41Pero ang totoo, may mga franchisee kami na two weeks lang nabawi na eh.
19:46Ang magkaibigang Vince at Jem, sumakses bilang franchisee.
19:51Nagsimula po ako ng June 2023.
19:55And then ngayon pong April, ay meron na po akong 13 and 14 branches na po.
20:00Dalawang saken na po.
20:02And then going to three properties already.
20:04After, I think, three years, we're handling 23 branches nationwide.
20:10Depende sa franchise, magkakaiba raw ang mga kakailanganin.
20:13Kadalas ang hanap ng mga franchisor o mga negosyong nag-aalok ng prangkisa.
20:18Kailangan mo lang location na maganda.
20:20Bawa tapat ng skwelahan, marami estudyante.
20:23Sa mga dokumento, maglakip ng letter of intent, ID card o documents,
20:28pati government mandated requirements gaya ng barangay at LGU permits.
20:32Ang franchisor na si Jan, nagtayo ng homegrown brand ng Japanese food
20:37at ngayon ay may mahigit 60 branches nationwide.
20:40Pero gaya sa anumang negosyo, may mga hamon din sa franchise business.
20:45Ang kailangan lang gawin ng franchisee is to really just follow the system and follow the process.
20:51And obviously, yun talaga ang pinaka-importante, people management.
20:53Take care of your people and your people will take care of your business.
20:56Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
21:03Patok sa mga turist at residente ang isang tulay sa ibabaw ng Kawitan River sa Santa Catalina, Negros Oriental.
21:10Iba-iba ang trip ng mga nagsiswimming doon.
21:14May nag-fairy walk.
21:16Meron ding tumatalon para mag-dive sa malinis at kulay asul na tubig.
21:20Maraming kabataan ang nagtatampisaw sa tubig at nag-picnick sa mga cottage.
21:26At ayon sa mga residente, noon pa man, ay naliligo na sila at naglalaba sa tabi ng Kawitan Bridge na itinayo noon pang 1953.
21:36Paalala naman ang mga barangay officials, panatilihing malinis ang ilog at ang paligid nito.
21:42Hirap daw mag-focus sa isang bagay ang 35 years old na businessman na si Carjeet.
21:52Minsan may kausap siya sa telepono, pero ilang minuto lang magsusulat na siya.
21:58Kapag meron akong ginagawa, naghahanap na naman ako ng panibagong gagawin.
22:03Habang nag-discuss ako sa kausap ko, naiisip ko na naman mo yung susunod kong gagawin.
22:08Ganyan din daw ang TNVS driver na si Crisanto Belista.
22:13Nag-se-cellphone habang nanonood ng TV o lumilipad ang isip habang kumakain.
22:18Minsan naman, hindi mo pala tapos yung ginagawa mo, nag-focus ka na sa iba.
22:22Kaya minsan hindi mo natuloy yung ginagawa mo na dapat pokusan muna muna na matapos mo.
22:27Ayon sa isang eksperto, bata man o matanda, posibleng may short attention span.
22:33Ang taong hirap mag-focus, tila nahihirapan o walang matapos na mga gawain,
22:39lalo na kung mahilig mag-multitask, mahinang memorya o hirap matandaan ang tasks at mabilis may rita o mainis.
22:47Maraming factors in terms of mental health pwedeng due to stress.
22:52Lalo na kung marami kang iniisip, hindi makapag-focus yung mind mo kasi maraming kailangan na sikasuhin.
22:59Yung inability to focus can be a symptom of depression, lack of concentration, anxiety.
23:07Maari rin umigsi ang attention span kung kulang sa tulog sa bitamina o nutrisyon o sa exercise.
23:14Posible rin makaranas ng short attention span na mga batang may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.
23:22Nakikita rin sa niyo ang pagkababad sa gadgets.
23:25Yung with the advent of technology na parang mapilis lahat na yung information in one click na kukuha na kaagad or nakaka-obtain ka na.
23:36Payo na mga eksperto para maiwasan ang short attention span, bawasan ang screen time, maging mindful.
23:44Ibig sabihin, take one task at a time.
23:47Kung mabigat o marami ang dapat gawin, hati-hatiin ito at live in the present.
23:53Tiyaking sapat ang tulog, kumain ng masusustansyang pagkain at mag-exercise.
24:00Saka magpakonsulta sa doktor kung kinakailangan.
24:03Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.
24:08Ang usapang beauty madalas siniyo ugnay sa mga kababaihan.
24:15Pero naniniwala si pambansang ginoon, David Licauco, na walang pinipining kasarian to look good and feel good.
24:22Ang foggy tips ni David, alamin sa aking chika.
24:24Hindi raw dapat exempted ang guys when it comes to looking good.
24:33David Licauco swears by the OG ways to look good and feel good.
24:38Yung pag-workout, it gives us endorphins.
24:41Happy hormones.
24:41Yeah, yung happy hormones.
24:42So, for me, it's really part of my routine the past, I don't know, 10 years to work out every single day in the morning.
24:49Even twice a day, actually.
24:52Sinisingit daw talaga ni David ang pagpapapawis kahit busy ang kanyang schedule.
24:57I make time.
24:58Syempre, if you want something, we will make time, di ba?
25:00To glow outside, kailangan din in-nurture ang inyong katawan on the inside by eating healthy and hydrating.
25:11For me, I just drink a lot of water and a proper skincare routine at night.
25:19And then vitamins.
25:20Lilipad pa Hong Kong si David para sa Independence Day celebration doon.
25:24Hatid ng GMA Pinoy TV.
25:26Excited siyang makabonding ang mga Pinoy doon for a day of fun and entertainment.
25:33Syempre, yung mga OFW na nasa Hong Kong, sana ay makapagbigay tayo ng saya sa kanila.
25:40Dahil syempre, pagod sila sa trabaho, may miss nila yung pamilya nila.
25:44So, siguro kapag may pumunta doon ng artista o na actor, eh, baka makataste sila ng Philippines somehow.
25:54Yung glimpse of the Philippines, di ba?
25:55Ayun, a slice of hope.
25:56Bago yan, lumahok si pambansang ginoo sa flood disposal ceremony ng Boy Scout of the Philippines kahapon sa Imus Heritage Park sa Cavite.
26:06Bilang isang scout ambasador, privilege daw para sa kanya na masaksihan at maranasan ang tradisyong ito ng pagsusunog ng mga lumang watawat ng Pilipinas.
26:16Kahit nagpaparamdam na ang tagulan, maaari pa rin lumarga at mag-refresh.
26:29At kung dalayo po sa Norte, may mga lugar pa rin na swak sa mga nais takasan ng init.
26:36Pumasyon na tayo dyan sa pagtutok ni Darlene Guy.
26:39Init na init, sa Ilocos Norte, you can beat the heat.
26:48Sa bayan ng Tingras, perfect pampapresko ang madong ganda.
26:52Kahit sino mag-e-enjoy magbabad sa mababaw at malinaw na tubig.
26:56Hindi pa mag-aagawan ang magandang spot para sa picture taking sa lawak ng mala waterfall na tubig.
27:01May marirentahan pang mga kubo na perfect para sa food trip pati sa trip lang umidlip.
27:07Sa bayan ng Adams, family man of friends, masusulit ang pagtampisaw sa Bola River.
27:12Refreshing ang malamig at napakalinis na tubig sa ilog.
27:15Mababaw lang din ito kaya kid-friendly.
27:17At kung feeling adventurous, pwedeng mag-cliff diving.
27:21Kapag nagutom, pwede rin mag-picnic sa mga marirentahang kubo.
27:25Sa bayan ng Burgos, kahit hindi magpatangay sa Agos,
27:28refreshing na sa mata ang picture-perfect vista ng West Philippine Sea
27:32mula sa pamosong lighthouse o parola sa Cape Bojador.
27:36Nasa tuktok ito ng burol, pero kung takot sa heights,
27:39pwede rin bumaba at tumambay sa rock formation sa tabing dagat.
27:42Kahit hindi kang araw, refreshing pa rin dahil mahangin.
27:46Pwede pang magtampisaw sa tubig sa pagitan ng nagladakihang mga bato.
27:50Kung di naman feel mag-swimming, pwede mag-chill lang sa mga kubo.
27:53Walang engine ski pero bawal magkalat ng basura para mapanatili ang kalinisan.
27:58O, saan tayo sa susunod na pasyalo food trip?
28:01I-share niyo na sa 24 Horas Weekend page ang inyong travel at food adventures.
28:06Para sa GMA Integrated News,
28:08Darlene, kay nakatutok 24 Horas.
28:16Walang tapo ng mga disenyo ng isang trash on designer
28:20na na-inspire sa upcoming Telefantasia na Encantadia Chronicle Sangre,
28:25ang kanyang mga likha sustainable.
28:27Let's watch this.
28:28Ang sabi nila, may pera sa basura.
28:36Pero para kay U-Scooper Purple de Viri,
28:40ang basura pwedeng ipang aura avisala.
28:44Via Ibo Messi.
28:46Talaga namang powerful ang ipinamalas niyang husay.
28:49Ang kanyang mga obrang sangre costume na singkinang
28:53na mga brilyante ng Encantadia, eco-friendly.
28:58Yari ito sa mga recycled material
29:00gaya ng mga plastic ng instant coffee,
29:02shampoo, at chichiria.
29:05Saktong-sakto sa nalalapit na pagsisimula
29:07ng Encantadia Chronicle Sangre.
29:11Laking kalsada raw si U-Scooper Purple
29:14na ang pangarap maging isang fashion designer.
29:17Pero dahil sa hirap ng buhay,
29:20tila naging imposible na ito para sa kanya.
29:23Kung kaya't naisipan na lang niyang gumamit
29:25ng mga basurang nakikita sa kalsada
29:27para lumikha ng mga kasuotan.
29:30Ang kanyang sangre-inspired designs
29:32nakatakdang itampok sa isang fashion show
29:35na gaganapin bukas sa Marikina.
29:38Trash yun?
29:39No!
29:41It's fashion na sinamahan ng matinding passion.
29:48Ang mga pagkainghain ng bawat lugar
29:51sangkap nila para makaingganyo ng mga turista.
29:54Ito ang recipe ng Department of Tourism
29:56para mas makilala
29:57ang mga putaheng ipinagmamalaki ng Malabon.
30:01Maki-food crawl tayo sa Malabon
30:02sa pagtutok ni Nico Wahe.
30:04Sa mga turistang pumupunta sa Pilipinas,
30:11hindi lang naman magagandang tanawi ng pakay nila.
30:14Kasabay niyan ay ang matikman
30:16ng iba't ibang putahing Pinoy.
30:18Pero, alam kaya nila ang uunahin
30:20at kung saan pupunta
30:22para matikman ang mga pagkaing Pinoy.
30:24Ang Department of Tourism
30:26gustong palakasin ang food and gastronomy tourism
30:28sa Pilipinas
30:29sa pamagitan ng isang roadmap
30:31na maglalagay sa Pilipinas
30:32bilang premier destination,
30:35hindi lang ng mas malalim na kultura,
30:37kundi maging ng iba't ibang klase ng pagkain.
30:39Napakasarap ng pagkaing Pinoy.
30:42And there is such great diversity
30:43across our regions
30:45that it represents our history
30:47and our heritage.
30:48Sa Malabon ang unang destination
30:53para simulan ang pagpapakilala
30:55ng mga putahing Pinoy.
30:57Una na riyan ang Pancit Malabon,
30:59Puto,
31:00at maging sa halo-halo at kakanin,
31:02kilala dyan ang Malabon.
31:04Nadiskubrihan po natin
31:05na napakasarap ng pagkain ng Malabon
31:07and that these are heritage dishes
31:09that have been passed on
31:11from one generation to another.
31:13Hindi po titipirin yung ingredients.
31:16Pag may natitira po sa hapon,
31:19pinamimigay na lang po namin
31:20kasi mas masarap po yung bagong burto.
31:27Parte rin ng proyekto
31:28ang Palengke Tourism.
31:30Gusto ng DOT na maging centro rin
31:31ng mga palengke ng turismo
31:33pagdating sa pagkain.
31:35Dito sa palengke ng Concepcion Malabon,
31:37may dinadayong nagtitinda ng okoy.
31:391999 pa nang magsimula itong okoy ni JR
31:43dito sa Concepcion Malabon.
31:45Ang sikreto daw kung bakit ganito nakatagal
31:48at tinatangkilik itong okoy
31:50ay itong dough na ito.
31:53Ang sikreto lahat nandyan
31:55at syempre ang hipon
31:56na fresh na fresh,
31:59patok na patok yan.
32:00Hindi lang sa mga taga Malabon,
32:02maging sa buong Metro Manila.
32:04Dati kasi yung mga dating mga tigareto lang
32:06na pagkain na pupunta sa Malabon,
32:08sila lang yung nakakilala sa okoy natin.
32:10Sa awa naman ng Diyos,
32:11sinatikman nila,
32:12yun, bumabalik-balik sila.
32:13Medyo matagal na rin naman itong food crawl namin.
32:16Marami na rin nagpupunta.
32:18Yung mga pagkain dito has been around
32:19for so many centuries.
32:21Nag-ibang-ibang iteration na siya.
32:23Pero the basic, ano pa rin is
32:24masarap, malinamnam.
32:26Sa bawat kain natin ang pagkain Pinoy,
32:32hindi lang naman linamnam ang na-experience natin,
32:35kundi maging kultura at kasaysayan,
32:37nakaakibat ng bawat lasa.
32:39Para sa GMA Integrated News,
32:41Niko Wahe,
32:41nakatutok 24 oras.
32:43Ipinakilala na ang stars
32:50na magpapasiklaban sa upcoming kapuso dance competition
32:53na Stars on the Floor.
32:55Ready nang humataw ang celebrity dance stars
32:58kung saan kabilang si Nagliza de Castro,
33:01Rodion Cruz,
33:01Faith La Silva,
33:02Taya Astley,
33:03at vision member na si Patrick.
33:06Handa na rin ang killer moves
33:07ng makakasama nilang digital dance stars.
33:10Kasama dyan si Nasuz Collins,
33:12Dasuri Choi,
33:14J.M. Uvery,
33:16Kakay Almeda,
33:18at Joshua De Sena.
33:19Ang kola ba na nila sa Stars on the Floor
33:22mapapanood na this June 28.
33:30And that's my chika this Saturday night.
33:32Ako po si Nelson Canlas.
33:34Pia, Ivan.
33:36Thank you, Nelson.
33:37Makapuso ni Lina po ng pag-asa
33:39na ang pagsisimula ng habagat season
33:41ay hindi nangangahulugang
33:43simula na rin ng tag-ulan.
33:45Nagahanda naman ang mga ahensya na gobyerno
33:47para rito.
33:49Nakatutok si Darlene Kai.
33:53Sa video na kuha ng use cooper na si Daryl
33:55sa Pase City kahapon,
33:57kitang nababalot ng puti ang paligid
33:59kaya halos hindi na makita
34:01ang mga gusali at istruktura.
34:03Ganyan din ang napansin ng use cooper
34:05na si Jainal sa Diokno Boulevard.
34:07Naranasan din yan ang rider na si Vergel
34:09pasado alas 4 kahapon.
34:11Hindi ko namin alam kung saan nunggaling yun.
34:14Pero siyempre natakot din kami
34:16kahit papano.
34:16Ang alaw namin ulan.
34:18Yung pala, ang kapal na nung alikabok.
34:21Sobra.
34:21Alaw namin kung ano na.
34:23Tapos may humahangin po na parang ipo-ipo.
34:25Abot yung tapos yung mga siguro
34:27mga 5 to 10 minutes.
34:29Tumipat naman po yung alikabok.
34:31Banda rito na may buhengdia.
34:32Makapagal pag ganoon po siya buhengdia.
34:34Doon naman po binalot ng kapal na alikabok.
34:37Sobra, ang laki.
34:38Ang mistulang dust storm,
34:40posibleng dulot daw ng pag-ihip ng habagat.
34:43Malas kasi yung hangin ng habagat.
34:45Malakas ang hangin.
34:48So tuyo yung lupa na tangay ng hangin.
34:52Itong mga alikabok galing sa lupa.
34:53So maaaring po yun na nakapag-contribute.
34:57Naging dahilan para lumabo
34:59sa ating visibility ng panahon na yun.
35:02Pusible pa raw itong maulit sa mga lugar
35:04kung saan hindi pa bumubukos ang ulan.
35:06Maaaring sa ibang lugar
35:07kasi dito mulan na eh.
35:09So basanay lupa eh.
35:10So maaaring sa Visayasin dyan ah.
35:12Tuyo pa ang lupa doon.
35:13So maaaring mangyari po doon.
35:15Ayon sa pag-asa,
35:16kahit nagsimula na ang habagat season,
35:18hindi raw ibig sabihin simula na ng tag-ulan.
35:21Posibleng ideklara yan sa susunod na dalawang linggo.
35:23Ang kriteria kasi na ma-deklara natin na rain season,
35:28dapat ay sa doob ng limang araw
35:31o kailangan tulutuloy ang pag-ulan
35:33for five days sa mga lugar sa Visayasin,
35:37lalong-lalong nasa kalorong bahagi nito.
35:39Gayunman,
35:40kailangan ng paghandaan ang pagdating ng tag-ulan.
35:43Kanina,
35:44naabutan ng GMA Integrated News
35:45ang pagkukumpuni ng reprap sa ilog na bahagi
35:47ng Rojas District sa Quezon City
35:49na karaniwang umaapaw tuwing tag-ulan.
35:51Ongoing din ang dredging sa mababaw na bahagi ng Marikina River.
36:21And siguro before the rain season,
36:23many of them would have been completed after.
36:26Pero, aminado siyang mahabang panahon ng kailangan
36:28para tapusin ang ibang proyekto,
36:30gaya ng desilting at dredging sa riverbeds
36:33o paglilinis at pagbubungkal ng mga ilog
36:35para sa mas maayos na pagdaloy ng tubig.
36:37Para sa GMA Integrated News,
36:39Darlene Kay,
36:40nakatutok 24 oras.
36:42At yan po ang mga balita ngayong Sabado
36:46para sa mas malaki misyon
36:47at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
36:51Ako po si Pia Arcangel.
36:52Ako po si Ivan Mayrina.
36:54Wala sa GMA Integrated News,
36:55ang news authority ng Pilipino.
36:57Nakatutok kami 24 oras.
36:59Ako po si Ivan Mayrina.
Recommended
35:29
|
Up next
47:36
55:46
52:06