Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Timbog sa Pampangang, dalawang Korean national na nagre-recruit umano ng mga kababayan para pagtrabahuhin sa Pogo dito sa Pilipinas.
00:08Isa pang Koreano ang bistado namang gumagamit daw ng Filipino identity para hindi mahuli ng Interpol.
00:14Nakatotok si John Consulta, exclusive.
00:19Walang kawala sa mga tauha ng Bureau of Immigration and Freedom Search Unit
00:23ang dinakip nilang Korean national sa Makati nitong nakaraang Sabado.
00:27Primary target daw nila ang Dayuhan dahil may Interpol Red Notice.
00:31Na-recover din sa Koreano ang dalawang dokumento na may picture ng Dayuhan pero may pangalan ng Pilipino.
00:38Itong isang fugitive na nahuli natin ay nakunan natin in possession ng isang Philippine passport.
00:45Kaya po tayo ay naikipag-ugnayan din ngayon sa DFA upang i-verify yung authenticity ng itong passport na ito
00:52kasi kiniklaim niya na siya daw ay naturalized.
00:55Base naman sa inisyal natin na investigasyon ay kung ikaw ay mananaturalized bilang isang Pilipino
01:01ay hindi ka maaaring magpalit ng iyong pangalan.
01:03So ay ginamit niya lang yung Filipino identity niya upang magkubli at matakasan yung Interpol Red Notice niya.
01:10Bukod dyan, may natuklasan pa ang mga ahente sa Dayuhan.
01:14May law firm siya.
01:14May mga employed siya na abogado at kaya nakakapagtaka din paano siya nakapag-operate ng gano'ng law firm
01:23gamit yung kanyang fake na Filipino identity.
01:27You're under arrest.
01:29You have the right to remain silent.
01:30Anything you do or anything you say can be abused against you in the court of law.
01:36Sa Clark Pampanga, na-arresto ang dalawa rin kuryano na matagal nang wanted sa South Korea
01:41dahil sa pamibiktima sa kanilang kababayan sa illegal online gambling na ino-operate nila sa Pilipinas.
01:47Itong leader ng grupo na ito ay nag-iimbita ng mga Korean nationals
01:52papunta dito sa atin upang magtrabaho sa kanilang illegal pogo operation.
01:56Kunwari, papangakoan nila ng malaking sweldo at legal na trabaho.
02:00So pagdating dito ay ikukulong nila upang magtrabaho sa kanilang illegal online gambling at voice phishing operation.
02:06Sinisikap pa namin makuna ng pahayag ang mga aristadong daywan na nakakulong na sa BI Detention Facility sa Binkotan.
02:12Alamin natin kung may iba silang kinasasangkutan na local na krimen
02:17at maaari din tayong makipag-ugnayan sa ibang local law enforcement agencies
02:23upang kasuhan nga itong isa for falsification of public documents.
02:27Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.

Recommended