Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/4/2025
Nasira ang isang hanging bridge sa bahagi ng Itogon, Benguet dahil sa mga pag-ulan na nagdulot ng mga pagguho ng lupa at pagdausdos ng malalaking bato.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasira ang isang hanging bridge sa bahagi ng Itogon sa Benguet
00:04dahil sa mga pagulan na nagdulot ng mga pagguho ng lupa at pagdausdos ng malalaking bato mula sa Baguio City.
00:14Nakatutok live si Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
00:20Jasmine?
00:24Mel, patuloy ang monitoring ng otoridad sa mga meneros sa Itogon, Benguet.
00:28At ngayon kasing may banta ng landslide sa lugar, mahigpit na ipinagbabawal ang pagmimina sa bayana.
00:38Ilang araw ng paunti-unting dumadausdos ang naglalakihang mga bato mula sa bundok
00:44sa bahaging ito ng Itogon, Benguet dahil sa lakas ng ulan.
00:47Nasira tuloy ang hanging bridge na binadaanan ng mga residente.
00:50Dahil sa pangambang madamay ang bahay niya sa barangay Virac,
00:54inilipat na ni Aling Rosemary ang mga gamit nila sa mas ligtas na lugar.
00:57Nininirbius kami ah, hindi kami nakatulog, lalo na nung nag-start yun,
01:04mga hapon na, malapit ng dumilim.
01:10Kaya nga nag-anong kami, nag-backwit kami lahat.
01:13Kaninang umaga, muling nagka-landslide sa lugar.
01:16Mano-manong isinasagaw ang clearing operation ng mga residente,
01:20mga volunteers at maging ng DPWH dito sa lugar.
01:23May namadali ang clearing operation dahil kung magtutuloy-tuloy ang buhos ng ulan,
01:28ay posibleng dumausdos pa ang naglalakihang mga bato na ito pababa
01:31at madamay ang mga kabahayan.
01:34Ganon din ang eskwelahan na ilang metro lamang ang layo mula dito sa aming kinaroonan.
01:38Hindi makagamit ng backhoe para mapadali ang clearing
01:41dahil walang madaraanan ng mga heavy equipment.
01:44Dahil sa banta ng landslide,
01:45nagbabantay ang mga otoridad para wala munang makapasok sa mga tunnel na mga minahan.
01:50Talagang wala, pinaalis na namin sila lahat.
01:53Noong una, marami, pero ngayon wala na.
01:55Medyo talagang nakuan na sila kasi wala.
01:58Pag may kuan dito, di madadamay silang lahat.
02:01Maliban sa Itogon,
02:03walang ibang na monitor na pagguho at pasabol ang ibang kalasada sa Cordellera
02:06base sa monitoring ng Office of the Civil Defense ng Riyon.
02:10Pero binabantayan ang mga landslide prone areas.
02:13Isa sa mga babantayan po natin dito is yung ating probinsya ng Abra
02:16at probinsya ng Apayaw dahil nga sila yung nandun sa extreme north ng Cordellera.
02:21At yan yung mga possibility mas malapit doon sa rain bands ng ating tropical depression, Bising.
02:31Mel, tiniyak ng mga barangay official na hindi na muna pa uuwiin ang mga residente sa kanika nila mga bahay
02:36hanggat mayroon pang banta ng landslide.
02:38Samantala, simula kahapon, tuloy-tuloy yung distribution ng food packs ng LGU sa mga apektadong residente.
02:45Mel?
02:46Maraming salamat sa iyo, Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.

Recommended