Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/4/2025
Panayam kay BJMP spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera ukol sa major accomplishment kasabay ng BJMP anniversary at ang integration ng BJMP at Bureau of Corrections

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Major accomplishments, kasabay ng aniversaryo ng BJMP at ang integration ng BJMP at Bureau of Corrections,
00:08ating pag-uusapan kasama si Jail Superintendent J. Rex Bustinera,
00:12ang tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology.
00:17Sir J. Rex, magandang tanghali po.
00:20Magandang tanghali po, Sir and Ma'am, at sa mga sumusubaybay sa inyong programa.
00:24Sir, kaugnay po ng 34th anniversary ng BJMP,
00:30I understand mahigit 85,000 PDLs ang napalaya nung nakaraang taon.
00:35Paano po ito naging posible?
00:38At ilang porsyento na po ang ibinaba ng congestion rate ng ating mga piitan sa ngayon?
00:47Tama po, meron po tayong nahumigit 80,000 na PDL na pinalaya natin through our paralegal services.
00:54Ito po yung mga jail officers natin na nakikipag-ugnayan sa ating mga korte,
00:59sa kanilang mga abugado, para mapabilis ang paglitis ng kanilang kaso
01:04o maasikaso yung mga other pending issues sa kanilang kaso para mabilis silang lumaya.
01:09Dahilan po dito, kaakibat na rin ho ng ating mga jail decongestion programs
01:14katulad ng pagpapatayo at pagpapaluwag ng mga piitan,
01:17e bumabaho ng 296% ang ating congestion rate.
01:23Matatandaan galing po ito sa 314 to 334% last year hanggang 600% back in 2018.
01:31So, more than half na po ang na-cutdown natin sa congestion rate.
01:36But of course, patuloy pa rin naman po ang decongestion natin.
01:40Sir, ano naman yung papel na ginampanan itong paralegal at legal aid programs
01:44sa tagupan na ito? At paano ninyo pinalalakas pa yung pakikipagtulungan
01:49sa PAO, Supreme Court, IBP at mga law schools?
01:55Una po sa paggawa ng ating mga jail officers,
01:58una po ito yung maayos na pag-calculate ng kanilang mga sentensya,
02:03pag-deduct sa kanilang sentensya through good conduct time allowance
02:06para sa mga qualified PDL.
02:09At ito po yung pakikipag-ungnayan rin doon sa ating mga korte
02:12para mabigyan sila ng hearing sa mga postponed hearing
02:15at mabigyan ng pagkakataon ng other modes of release
02:19katulad ng recognizance, ng bail,
02:21na hindi rin po alam kasi ng ating mga common PDL
02:25na kailangan malaman nila, ipinapaalam ng ating mga personnel.
02:29As to coordination with the other agencies in our legal system,
02:35meron po tayo ngayong mga ini-encourage na justice zones.
02:39At ang BGMP ay parte po noon, ito ay pakikipag-ungnayan sa ating mga courts,
02:44sa kanilang mga abogado para maalaman ang mga overstaying PDL naman
02:49at maasikaso rin po ang kanilang paglaya.
02:52Overall, pinagsama-sama po itong efforts ng BGMP,
02:55pati rin po yung mga stakeholders natin sa justice system.
02:58Sir, pagdating naman sa infrastructure at mga bagong pasilidad,
03:02ilan na po sa mga bagong jail buildings at perimeter fences
03:06ang nagagamit na ngayon?
03:09Meron po tayong 484 facilities nationwide at sa kabuoan.
03:16142 dito ay newly built, sabihin na itayo na at bagong occupied na.
03:21Meron po tayo humigit 40 na ongoing ang construction
03:25at para mapaluwag pa ito po yung mga highly congested jail facilities natin.
03:30So ito po is primarily din bukod sa paralegal efforts sa pagpapalaya ng ating mga PDL.
03:35Ito yung isang major contributor din ang pag-decline ng ating siksikan sa loob ng ating PITAN.
03:41Sir, sa kampanya naman, sa pinagbabawal na gamot,
03:44may kabuang 230 drug-free at 77 drug-cleared facilities na ang naitala.
03:50Ano po yung hakbang ng BGMP para mapanatili ito
03:53at masigurado na hindi na babalik sa illegal na droga ang mga PITAN?
03:59Opo, una po ito yung preventive mechanism natin na makapasok ang mga kontrabando sa loob ng PITAN.
04:09Almost 300,000 greyhound operations o yung paggalugad sa ating mga PITAN
04:15ng ginagawa para ma-insure natin ito ay drug-free o drug-clear.
04:19Kaakibat rin po nito yung pag-rehabilitate natin sa mga nakakulong sa loob.
04:23Ito yung KKDK program o katatagaan, kalusugan at damayan sa komunidad
04:28na kung saan yung may mga kaso ng drugs na PDL natin,
04:32ipinag-a-undergo na natin ang drug rehabilitation sa loob.
04:36So, pag pinagsama po itong mga initiatives na ito,
04:38of course, with the help of PIDEA,
04:40sila po yung nagsisertipika na mayroong kaming 213 na kulungan na drug-free
04:46at 77 ay drug-cleared.
04:48Base na yung mga nakakita dating drugs,
04:51e-cleared na po sila at nalinis na natin ito.
04:54So, ito po yung ating mga paraan na ginagawa
04:57para ma-maintain natin ang drug-clear at drug-free facilities.
05:00Sir, tumungo naman tayo doon sa rehabilitation ng ating PDL.
05:05So, paano naman po nakakatulong yung livelihood programs
05:08sa moral at discipline ng mga PDL?
05:12At paano nyo tinutulungan ang mga PDL na magamit ito,
05:17yung skills na tinuturo nyo pagkalaya nila?
05:21Tulad po nung iniulat ng aming Chief BJMP,
05:28si Jail Director Ruelos Rivera,
05:30nung isang araw po during our 34th BJMP anniversary,
05:34meron hung 116 million na generated revenue
05:38sa ating livelihood program
05:40na nag-benefit ang more than 66,000 PDL.
05:45At ito po kasi ay may direct effect sa kanilang behavior
05:47dahil habang sila po ay nagpa-participate sa ating mga programa,
05:51e binibigyan po natin sila ng kaakibat na good conduct time allowance.
05:56At hindi nga lang po ito livelihood,
05:57bukod doon sa revenue generated at livelihood programs,
06:01other rehabilitation programs,
06:02katulad na kapag patapos tayo ng PDL sa education programs nila,
06:07sa high school education,
06:08at the same time pati may college education behind bars,
06:11ay naipatupad na rin.
06:13So, ito po yung mga pinagsama-sama nating rehabilitation programs.
06:17Sir, sa e-dalao naman at pagpapanatilin ng ugnayan
06:20sa pamilya naman ano,
06:22ilang PDLs na po yung nakinabang sa e-dalao,
06:24at saka paano po pinapalawak ng BJMP yung access sa teknolohiya,
06:29lalo na sa mga PDL na malayo,
06:31ang kanilang pamilya nasa malalayong probinsya.
06:33Lahat po ng ating PDL ay may access sa visitation services natin.
06:41Ganon din po,
06:42all PDLs have access to electronic dalaw.
06:46Isa po kasi itong best practice na natutunan din natin during the pandemic,
06:50na nagkaroon sila ng pagkakataong madalaw,
06:53even ang kanilang mga kamag-anak na nasa abroad,
06:55eh,
06:56nabibisita na technically.
06:57So ito po ipatuloy at lahat po ng ating 115,000 PDL
07:02ay beneficiary nitong e-dalao program natin.
07:05So sir,
07:06dyan sa e-dalao na yan,
07:08gaano kadalas pwedeng gumamit yung isang PDL,
07:11tsaka ilang minuto sila allowed,
07:13tsaka sino-sino lang po yung pamilya.
07:15Sabi ninyo,
07:15may mga kamag-anak na nasa ibang bansa,
07:17pwede na silang ma-e-dalao.
07:19So,
07:19immediate family lang po ba,
07:21o pwede rin yung mga ibang kamag-anak,
07:23tas silang minuto per e-dalao.
07:25Yung minuto po ay subject po yan sa availability ng devices sa ating jail facility.
07:33It's usually not less than 15 minutes.
07:36At hindi lang po yan limited sa immediate family.
07:39During actual visitation o yung pagpunta sa piitan,
07:42nang nire-restrict po talaga natin yan limited to immediate family,
07:46lawyers and doctors.
07:47Ganon din po sa e-dalao.
07:48Pero may leeway po tayo dyan,
07:51especially kailangan ho ng mga telemedicine,
07:54even ang court or consultation sa kanilang mga lawyers,
07:57even sa kanilang ibang kamag-anak subject to request
08:00at pag na-approve ng ating warden,
08:02e pinapayagan naman ho.
08:04Sir,
08:05balikan ko lamang po yung pag-build ng moral
08:09at ng disiplina.
08:10Sabi ko kanina,
08:11moral.
08:11Moral.
08:13Ano po yung kahalagahan ng alternative learning system at college education behind bars
08:18sa reintegration ng ating mga PDL?
08:21At ano po yung support na binibigay ng CHED,
08:26ng DepEd, ng TESDA
08:27sa pagpapatuloy ng educational program sa loob ng ating mga piitan?
08:34Yes, tama po kayo dyan, sir,
08:36that it boosts the moral
08:37and it improves the rehabilitation of PDL
08:40para pag sila ay lumaya,
08:42ay hindi na ho sila mag-commit ng crime upon release.
08:45Ang ginagawa ho natin,
08:46of course,
08:47nagpapasalamat kami sa Department of Education
08:49kasi meron ho tayong alternative learning system
08:52na nakakapagtapos ang isang nakakulong
08:55ng up to junior high school.
08:57At through test the training naman ho,
08:59nakakapag-avail sila ng NC2 certificate
09:02para magamit nila pag sila ay lumaya,
09:04makapagtrabaho.
09:06And then sa CHED nga po,
09:07nakapagpatapos tayo ng 7 PDL ng college,
09:10at ongoing 30 plus na enrolled in college education.
09:14So overall, sir,
09:15ito pong mga programa natin ito,
09:19bukod sa good conduct na nare-receive nila,
09:22nababawasan ng sentensya,
09:24it of course,
09:25it boosts their moral
09:26na pag lumaya na sila,
09:27may competitive chance sila
09:29na makakuha ng trabaho
09:30at makapaghanap buhay.
09:32So, sa kasalukuyan po, sir,
09:33ilan na po yung naka-enroll sa college
09:35at ano po yung tulog
09:36na ibinibigay sa kanila
09:37para magtagumpay sa kanilang pag-aaral,
09:40tsaka ano po yung mga courses
09:41na inooffer dito?
09:42Yes, meron po tayong 35
09:47na presently enrolled
09:49sa ating college education behind bars
09:51at sila po ay mga naka-enroll
09:53sa entrepreneurship courses.
09:56Ito po ay majority
09:59dito po ito sa PUP,
10:01pakikipag-ugnayan
10:02ng ating Manila City Jail.
10:04At ang supporta po natin dyan
10:05is of course
10:06ang kanilang materials,
10:07educational materials,
10:08online learning po ito
10:10at hybrid support
10:12sa digital infrastructure
10:13ay meron na din po.
10:15Ganon din po yung
10:15sa alternative learning system,
10:17pati ang kanilang mga modules
10:18and other learning materials
10:21ay provided naman po dito
10:22as part of our support.
10:24Sir, sa ibang usapin naman po,
10:26ano naman po ang pananaw
10:27ng BJMP
10:28sa panukalang integration
10:30ng BJMP at Bureau of Corrections?
10:33Ito pong integration na ito,
10:39ito nga po yung announcement din
10:40ng amin pong kalihim,
10:42Secretary John B. Cremulia
10:44nung nagdaan pong 34th anniversary.
10:46It's a work in progress,
10:48sabi nga po ng aming secretary
10:49and lahat naman po
10:51ay may consultation.
10:52So, ikokonsultin po ang BJMP
10:54and the personnel,
10:55all the personnel of BJMP,
10:57pati din po yung Bucor.
10:58And of course,
10:59it's a welcome development
11:00kasi fragmented ho
11:02ang ating correction system.
11:04Meron pa nga pong
11:04provincial jails
11:05under the provincial government.
11:08City and district jails
11:09say under the BJMP
11:10and the national penitentiary
11:11is under the Bucor.
11:13So, it will streamline
11:14our system
11:15and hoping na
11:17mas mas maayos
11:17ang maging reparma
11:18if it will come to that.
11:20But again,
11:21according po sa aming secretary,
11:23it's a work in progress
11:24and a welcome development po.
11:25Pero sir,
11:26kung sakali lang po,
11:27na matuloy,
11:28paano nyo po tinitignan
11:29yung magiging epekto nito
11:30sa operasyon ng BJMP,
11:32particular sa pamamahalan
11:33ng mga PDL
11:34sa city jails
11:35o sa municipal jails
11:36kasi syempre,
11:37ang BJMP
11:38ay under ng DILG
11:39habang ang mga Bucor
11:41ay under naman ng DOJ.
11:45Tama po,
11:46isa po kasi itong
11:47masusig usapin pa talaga.
11:48Meron hong 480 plus
11:50484 facilities
11:52sa BJMP
11:53na may 27,000 na personnel.
11:55So,
11:56isa pong
11:57binanggit
11:58ng aming
11:59Chief BJMP
12:00dyan is of course,
12:01kailangan pag-usapan
12:02o na yung
12:03pagtutuloy
12:05ng operations
12:05ng aming facility,
12:07yung remuneration
12:08and personal benefits
12:09ng retirement
12:10sa aming mga personnel
12:11and ganoon din po
12:13similar with the Bucor.
12:15At ang arrangement po
12:16dito ay by department,
12:18si DILG's secretary po,
12:19nagpapasalamat tayo
12:20dahil magkapatid
12:21yung dalawang
12:22kalihim po natin
12:24sa DOJ at DILG
12:26and may talagang
12:27parallel coordination naman po
12:29and lahat naman po ito
12:31will benefit
12:31both our agencies
12:33and yun lamang po talaga
12:36and sabi nga po ni secretary,
12:38it's a work in progress
12:39and sana magkaroon
12:41ng consultation
12:41with both agencies.
12:43Nabanggit nyo sir
12:44na it will benefit
12:45both agencies.
12:46Sa ngayon,
12:47ano po yung nakikitan
12:48yung mga benepisyo
12:49at challenges
12:50sakaling matuloy nga
12:52itong integration?
12:53Although,
12:53you have been saying
12:54masusing pag-uusapan
12:56and it's a work in progress.
13:00The primary challenges po sir
13:02is the integration
13:04of our personnel
13:05kasi nga po meron kami
13:0627,000 personnel
13:08I believe with
13:09less than 10,000
13:11of the Bucor
13:12and then
13:13480 facilities
13:15na arrangement po ito
13:16may arrangement
13:18sa local government
13:19with the BGMP
13:21being under the DILG.
13:23So yun po yung
13:24isang challenge dyan
13:25and of course
13:26the advantages naman po
13:27isang sistema na lang
13:29ng pangungulungan
13:30and isang
13:31of course
13:31it's with the plan
13:32of our president
13:33sa ating
13:342023 to 2028
13:36development plan
13:37that
13:38one correction system
13:40unified correction system
13:41and pedology system
13:42po ang isang
13:43objective
13:44ng ating pangulutin.
13:46So sir,
13:46sa gitna ng mga
13:47panukalang ito,
13:48paano ninyo
13:48pinakahalagahan
13:49yung kasalukuyang
13:50mandato ng BGMP
13:52na tumutok
13:53sa rehabilitation
13:53ng PDLs.
13:58Yes, the mandate
14:00of the BGMP
14:01remains front and center
14:02yung aming
14:03safekeeping
14:04and development
14:04of persons
14:05deprived of liberty
14:06under our custody.
14:08So let's assure this
14:09kung may mga usapin
14:11mang pong
14:11tungkol dyan
14:13sa integration
14:13is we will ensure
14:15na walang disruption
14:16ng ating operations
14:17and it will
14:18of course
14:19subject
14:21again po.
14:22Ito po,
14:22I work in progress
14:23at consultation pa
14:24kaya right now ma'am
14:25we have very limited
14:27statement about it
14:29talaga po.
14:30Sir,
14:31kamusta naman po
14:32yung mga piitans
14:33sa ngayon
14:33na wala na po ba
14:34tayong backlog
14:35doon sa mga
14:36naghihintay pa
14:37ng kanilang sentensya
14:38or yung mga
14:39dapat nakalaya na
14:41pero hindi pa
14:41napaprocess
14:42yung kanilang mga papeles
14:43pero nandun pa rin
14:44sa kulungan?
14:48As of the latest data ma'am
14:50we are fortunate
14:51to report that
14:52we have zero
14:53overstaying
14:54wala po tayong
14:54overstaying na PDL
14:56lahat po
14:56nang may sentensya
14:57di na po natin
14:58pinapatagal
14:59kung the moment
15:00na release na sila
15:00dapat lumaya na sila
15:02even the moment
15:03na madesisyonan
15:03ang kanilang kaso
15:04e pinapalayat na po natin
15:06remember that
15:07the BJMP
15:07ang aming pong kliyente
15:09ay mga ongoing trial
15:10at ay may mga sentensya
15:12ng less than 3 years
15:13at lahat naman
15:14ito ay well monitored
15:15at tinitiyak na
15:16zero overstaying
15:18sa BJMP
15:19panghuli na lamang po
15:21colonel
15:21mensahe nyo
15:22sa publiko
15:23ngayong
15:2434th anniversary
15:25po
15:25ng BJMP
15:27una po
15:30maraming salamat
15:31sa pagkakataon
15:32na maibahagi
15:33ang mga programa
15:34at hadikain
15:34ng BJMP
15:35kami po ay patuloy
15:37na maglilingkod
15:38ng buong puso
15:39para sa ligtas
15:40at maayos na pamamahala
15:41ng ating mga piitan
15:43muli po
15:44maraming salamat
15:44at magandang araw
15:45sa ating lahat
15:46ok maraming salamat
15:47po sa inyong oras
15:48JL Superintendent
15:49Jerex Bustinera
15:51ang tagapagsalita
15:52ng BJMP
15:53mb

Recommended