00:00Supportado ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang 50 pesos na taas sahod sa mga manggagawang Pilipino,
00:07kung saan higit 1 million umano ang inaasahang makikinabang ito.
00:11Ang detalye sa report ni Denise Osorio.
00:16Simula July 18, tataas ng 50 pesos per day ang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.
00:23Supportado ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI ang umento sa sahod.
00:28Pero batid ng PCCI ang posibleng epekto nito sa mga maliliit na negosyo.
00:58Umaasa rin ang PCCI na hindi magdudulot ng pagtaas sa presyo ng bilihin ang wage increase.
01:04That is why we rely on the original wage force to determine ano yung tamang amount.
01:12Medyo nasa high edge yan, pinakbatas na binigay yan.
01:16So we hope na kaya yung mga nakakarad, ginagawa nila, hindi calibrated na calibrated yan para walang epekto.
01:24Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, nakabatay sa economic indicator tulad ng gross domestic product, inflation rate, labor productivity at unemployment rate ang umento sa minimum wage.
01:37Kasama rin sa konsiderasyon ang kalagayan ng mga employer at ang kakayahan ng mga mamumuhunan.
01:42Sa ilalim ng Wage Order No. 26 ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board, magiging P695 ang daily minimum wage para sa non-agriculture sector.
01:55Habang magiging P658 naman ang minimum wage para sa mga nasa agriculture, retail at service establishments na may limitadong bilang ng empleyado.
02:05Aabot sa mahigit isang milyong manggagawa ang makikinabang sa bagong wage hike sa NCR.
02:11Inaasahan susunod ang iba pang rehyon sa wage adjustment batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:18Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.