00:00Nang-deklara ng non-persona non-grata ang National Assembly ng Venezuela
00:06laban kay United Nations High Commissioner for Human Rights, Volker Turk.
00:11Ito ay matapos niyang batikusin ang umano'y lumala ng human rights violations sa bansa.
00:17Sa talumpati ni Turk sa Human Rights Council sa Geneva,
00:21binanggit niya ang mga kaso ng arbitrary detention, torture at pagkawala ng ilang mamamayan sa Venezuela,
00:28bagay na pinalagan ng mga kaalyado ni Venezuela President Nicolás Maduro.
00:33Giit ng mga mambabatas, binaliwala ng nasabing UN official ang sitwasyon ng mga Venezuelan migrants
00:40na pinatapon sa ibang bansa at mga batang nawalay sa pamilya sa Amerika.
00:47Hinikayat ni US President Donald Trump ang Hamas na pumasa sa 60-day ceasefire sa Gaza.
00:54Pagkumpirma ni Trump, sumang-ayon ang Israeli sa tigil putukan.
00:59Hindi naman idinetalyen ni Trump ang mga kondisyon o saklaw ng nasabing ceasefire.
01:04Kaugnay naman sa maaaring takbuhin ang pag-uusap sa muning pagbisita ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa White House.
01:13Giit ni Trump na maninindigan siya na matapos na ang gyera sa Gaza at iba pang bahagi ng Middle East.
01:20I'm very firm. I'm very firm. But he wants it too. I will tell you. He's coming here next week.
01:25He wants to end it too. He wants to. He wants to. And I think we'll have it. I think we'll have a deal next week.
01:32Samantala, ikinalugod ni President Trump ang naging pagtanggap ng Senado sa isinusulong niyang Big Beautiful Bill.
01:39Sa Marathon Voting Session, inaprobahan na kasi ng mga mambabatas ang nasabing panungkalang batas na layon-aniyang mas palakasin pa ang seguridad at ekonomiya ng Estados Unidos.
01:53You know, I'm waiting, listening to these wonderful words and they are music to my ears but I was also wondering how we're doing because I know this is prime time.
02:01It shows that I care about you because I'm here and I probably should be there. But we do care. Thank you very much.
02:09Sa South Korea, big celebration para sa Army fans ang opisyal na pagbabalik sa spotlight ng Korean boy group na BTS.
02:19Matapos ang halos dalawang taon, muli nang nagsama-sama sa iisang frame ang grupo.
02:25Sa live broadcast ng BTS, back to seven member na muli sila na nakipagkulitan at kwentuhan sa kanilang fans.
02:33Matatandaan na noong isang buwan, nang sunod-sunod na lumabas sa military camp ang lima sa pitong miyembro ng BTS.
02:41Ilang buwan rin na nag-solo concert tour si na J-Hope at Jean na parehong unang nakumpleto ang kanilang military training.
02:49Sa ngayon, inaabangan na ng mga fans ang mga next project ng grupo.
02:54Joyce Salamatit para sa Pambansang TV sa Pagong Pilipinas.