00:00At sa punto pong ito, ating pong talagayan ng update patungkol sa mga programa ng kasalukoyang administrasyon dito lang sa Mr. President On The Go.
00:23Una nga po dyan mga kababayan, makatatanggap ng dagdag na 50 pesos sa kanilang arawang sahod ang mahigit sa 1.2 milyong minimum wage earners sa buong Metro Manila.
00:35Ayon po yan sa Department of Labor and Employment o DOLE.
00:39Nakasaad ang umento sa wage order No. 26 na inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board at itinuturing na pinakamataas na wage hike sa kasaysayan ng regyon.
00:50Para sa non-agricultural sector, tataas din po sa 695 pesos ang daily minimum wage habang 658 pesos naman para sa agriculture, retail, service at small manufacturing establishments.
01:06Magiging efektibo po ang bagong sahod simula July 18, 2025, isang araw matapos ang anibersaryo ng pulling wage hike noong 2024.
01:13Ayon po sa National Wages and Productivity Commission, katumbas po ito ng dagdag na 1,100 pesos hanggang 1,300 kada buwan, depende po sa bilang ng araw ng pasok.
01:24Pinigyang tingin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na isinasalang-alang ng wage board, ng balansa sa karapatan ng mga magkagawa at kakayahan ng mga negosyo.
01:33Kayo hindi nang layunin ng gobyerno na mapaulad ng trabaho, kida at productivity ng hindi nagtutulak ng inflation.
01:39Kasabay nito, maglulunsa dandolen ang malawakang information campaign at mahigpit na monitoring para tiyakin ang pagsunod ng mga kumpanya.
01:48Maari namang pong mag-apply ng exemption ng mga maliliit na negosyo at establishmento na apektado po ng kalamidad.
01:54Hindi rin sa klaw ng wage law ang mga rehistradong barangay Michael Business Enterprises.
01:59Ang NCR ang unang rehiyon na naglabas ng wage order ngayong 2025.
02:05Inaasaan ang mga public consultations sa iba pang rehiyon mula Hulyo hanggang Agosto.
02:11At yan po muna ang ating update niyong umaga.
02:13Abangan ang susunod dating tatalakayin patungkol sa mga aktibidad at programa ng kasalukuyang administrasyon dito lamang sa Mr. President on the go.