Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Hindi lang krimen ang smuggling ng mga agricultural product banta rin sa kalusugan kung hindi masusuri bago ibenta! Gaya ng mga smuggled na sibuyas at frozen mackerel sa Port of Manila na ang mga sibuyas, nagpositibo sa mga delikadong mikrobyo. May report si Oscar Oida.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi lang krimen ang smuggling ng mga agricultural product,
00:04banta rin sa kalusugan kung hindi masusuri bago i-benta.
00:08Gaya ng mga smuggled na sibuyas at frozen mackerel sa Port of Manila,
00:12na ang mga sibuyas nag-positibo sa mga delikadong mikrobyo.
00:16May report si Oscar Oida.
00:21Pagbukas na matawa ng Bureau of Customs, Department of Agriculture at Department of Health
00:26sa mga shipping container na ito sa Port of Manila,
00:28tumambad ang iba't ibang pula at puting sibuyas at mga frozen mackerel.
00:34Nasa P34M ang halaga ng mga produkto, lahat smuggled.
00:39Dahil ang idineklarang laman ng mga container,
00:42manto, egg noodles at kimchi mula China.
00:46Iba ang consignee ng mga pulang sibuyas sa consignee ng mga puting sibuyas at frozen mackerel.
00:52Sadyaraw mapanin lang ang diskarte para ipuslit ang mga ito.
00:56Nini-declare na ito bilang mga items na under ng regulation ng FDA.
01:01Halimbawa, yung deklarasyon ng onions are egg noodles.
01:04Ganon din po dun sa mga mackerel, processed food din po.
01:08Maglalagay ng layer, thinking that yung aming risk management system
01:14will just tag them for normal examination at di masisilip yung nasa likod.
01:18Dahil di dumaan sa tamang pagsuri na proseso sa pag-aangkat.
01:23Delikado kong nakalusot ang mga ito para maibenta o kay isama sa mga pwedeng ipamigay ng gobyerno.
01:31They did not go through the regulation of food and drug.
01:35So yung FDA yan ang trabaho para maging safe lahat ng pagkaing binibenta sa ating mga tindahan.
01:40At batay sa pagsuri sa mga nasabat na nilang produkto.
01:44Unfortunately, yung mga na-testing namin ng onion lahat na nahuli, lahat magsak for E. coli at salmonella.
01:50Sabi ngayon ng DA at DOH, positibo nga ang mga sibuyas na ito sa E. coli at salmonella.
01:57Mga mikrobyo sa pagkain na nagdudulot ng pagdurumi, dehydration at posibleng kamatayan.
02:04Bukod sa mga nasabat sa Port of Manila, may mga naharang din sa ibang lugar.
02:09Meron kami pinapahol ito ang 59 containers na nasa subik ngayon sa mga customs brokers na nagre-release na mga ito.
02:17Hahabulin, kasama namin sila sa kaso ngayon. Hindi lang yung consignee.
02:22Masusubok daw sa mga kasong ito ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Setiembre
02:30para sugpuin ang Agricultural Smuggling na ayon mismo sa Pangulo, ikinalugi ng bansa ng mayigit 3 bilyong piso noong 2023.
02:41Sa ilalim ng batas, may tuturing na economic sabotage ang pagpupusdit o pag-iimbak o hoarding ng agricultural commodities
02:51na lagpas sa 10 milyong piso ang halaga.
02:53Ang parusa rito, multang limang beses nakatumbas ng halaga ng smuggled o hoarded products at life imprisonment.
03:03Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:23Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended

10:40