Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/1/2025
Ibinaba sa Level 2 Ang alert sa Israel ng DFA. Pero hindi pa rin pinapayagan ang deployment doon ng mga first time OFW. Tuloy-tuloy rin ang repatriation ng ilang Pilipino mula Israel at Iran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibinaba sa Level 2 ang alert sa Israel ng DFA pero hindi pa rin pinapayagan ang deployment doon ng mga first-time OFW.
00:08Tuloy-tuloy rin ang repatriation ng ilang Pilipino mula po sa Israel at Iran.
00:12Nakatutok si JP Soriano.
00:18Kasabay ng bahagyang paghupa ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran
00:22dahil sa ipinatupad na ceasefire o tigil putukan matapos makialam ng Amerika
00:27ang pagbaba ng alert level status ng Department of Foreign Affairs sa Israel.
00:32Mula alert level 3 o voluntary repatriation na ipinatupad dahil sa palitan ng airstrikes ng Iran at Israel,
00:40ibinalik na ito sa alert level 2 o restriction phase.
00:44Dati nang nasa alert level 2 ang Israel simula pa noong October 2023 sa kasagsagan ng Israel-Hamas war.
00:51Pero kahit alert level 2 na sa Israel, hindi pa rin pwede magtrabaho sa Israel
00:56ang mga first-time na OFWs at bawal pa rin ang mga non-essential travels
01:01o pagbiyahe na hindi naman agaran ang pangangailangan.
01:05Papayagan po natin ang mga balik-magagawa na manumbalik sa kanilang employers sa Israel
01:10pero yung mga new hires hindi po natin papayagan under an alert status too.
01:16Sa mahigit 30,000 OFWs sa Israel,
01:20nasa 373 na Pilipino ang nag-abiso na nais na nilang magparipatriate.
01:25Pero sa bilang na ito, 75 pa lang ang nagkumpirmang uuwi na talaga.
01:3126 naman ang naka-uwi na, nakabilang sa first batch na mga repatriates mula sa Israel.
01:38Simula October 2023 hanggang nitong June 12, 2025,
01:42nasa 1,333 na Pilipino na ang napa-uwi o na-i-repatriate galing Israel.
01:47Patuloy ito, regardless of the alert level, any OFW in need directed by the President
01:54will be so assisted by the DMW and of course with the BFA and other government agencies, the OWA.
02:01Nitong weekend, naka-uwi na rin ng Pilipinas ang anim na Pilipinong nagtatrabaho sa Iran
02:06na humiling na ma-i-repatriate.
02:09Nailikas sila sa tulong ng Philippine Embassy sa Teheran
02:12at ng OWA na inilikas palabas ng Teheran.
02:15And then to the border, and then to Ashgabat and Turkmenistan,
02:22and then back here in Manila, mahaba-haba po yung naging biyahe nila.
02:27Kabilang sa kanila si Gideon na mahigit dalawang dekada na sa Iran
02:31at sinabing kung hindi lang daw dahil sa kaguluhan ay hindi siya aalis ng Iran.
02:37Ang trabaho namin okay naman, ang bilipin, ang binibigyan naman sa aming ambilipin.
02:42Naka-uli kami, ma-repratrate kami,
02:48tumut sa tagumut sa Iran.
02:50Binuksan na rin muli sa publiko ang Philippine Embassy sa Israel
02:53at nagdaos na ng flag-raising ceremony kahapon.
02:57Para sa GMA Integrated News,
02:59ako po si JP Soriano,
03:01nakatutok 24 oras.
03:03Ravens
03:06Ravens
03:22Eddie

Recommended