Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/17/2025
EXCLUSIVE: Abiso sa mga commuter, posibleng tumaas ng piso ang pasahe sa jeep. Dahil ‘yan sa big-time oil price hike na maaari umanong masundan dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Abiso sa mga commuter, posibleng tumaas ng piso ang pasahe sa jeep.
00:06Dahil yan, sa big time oil price hike na maaari ang manong masundan
00:11dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran na katutok si Joseph Morong exclusive.
00:22Umaaray ang jeep ni driver na si Julius sa 1 peso and 80 centavo sa taas presyo.
00:27Sa kada litro ng diesel, efektibo ngayong araw.
00:30Bawas ang kaitan ng driver. Habang tumataas ang diesel, yung kaitan ng driver lumiliit.
00:35Kaya kung siya raw ang tatanungin, panahon na para magtaas ng pamasahe.
00:40May mga petisyon na nakahain ngayon sa LTFRB para sa taas masahe galing sa mga pampublikong transportasyon.
00:47At ayon sa LTFRB, ang petisyon galing sa mga jeep ang maaari nilang pagbigyan.
00:52One peso across the board. Pero that's all. Wala yung kwan, yung per kilometer na increase.
01:00Flat rate lang muna.
01:03Masyado nang mabigat sa mga consumers.
01:06We may have a provisional increase but subject to certain conditions na ang presyo ng gasolina is so much
01:13which is $80 per barrel of the Dubai oil.
01:17Posible yung ilabas ang resolusyon sa susunod na linggo.
01:20Maaari rin payagan ng LTFRB ang hiling ng mga provincial bus para sa dagdag singil.
01:27Pero humihingi pa sila ng kompetasyon sa mga ito kung magkano.
01:31Posible yung itaas namin but unigraduated rate for first 10 kilometers
01:37and then subsequently meron po kaming ilalagay ulit na price for the subsequent kilometers.
01:45Habang walang de-resisyonan sa mga bus sa Metro Manila dahil iniatras nila ang kanilang hiling.
01:51There's a stiff competition of the rail MRT, LRT.
01:56We have the modernized jeepneys and the motorcycle taxi.
02:01The impact may be that if they increase the price of oil,
02:05I mean if they increase the price of the fare, baka wala nang sumakay sa kanila.
02:12Kung mangyari ang taspasahe, kakain ito sa araw-araw na baon ng estudyante at sa budget ng mga commuter.
02:20Ang taspresyo sa gasolina ngayong araw, pinakamalaking pagtaas ngayong toon.
02:37Ang dahilan ayon sa Department of Energy, ang sigalot sa pagitan ng bansang Israel at Iran sa Middle East.
02:44Nagdudulot daw ito ng pangamba sa mga nagbebenta ng kudo sa rogue market.
02:49Noong isang linggo, tumaas ng $6-$7 per barrel ang presyo ng gasolina at diesel.
02:54Mayroon na ho talagang kinalaman sa nangyaring gulo since June 13 and even before that.
03:01To date, speculative ho ang mga increases na ito.
03:04Dagdag ni Abad, dahil sa patuloy na tensyon, maaaring magkaroon muli ng pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo.
03:12We hope na mas mababa ang mag-increases kahit may increase.
03:16At lalong bababa sa mga following weeks na.
03:20Or otherwise, baka nga mag-correct na ang market at mag-decrease naman.
03:27Ayon sa Malacanang, pinatututukan ang pangulong sitwasyon sa Middle East at efekto nito sa presyo ng langis.
03:33I-monitor pong mabuti kung anong sitwasyon para po makapagbigay ng agarang ding solusyon.
03:40At kahit papano po ay ayuda kung talaga pong sobrang tataas ang presyo ng krudo.
03:47Nag-ikot naman sa oil company si Department of Energy Officer in Charge Sharon Garin
03:52para masiguro na may imbentaryo ang mga ito ng crude oil na tatagal ng isang buwan
03:57at finish oil na kasha sa kalahating buwan.
04:00Umapila ang DOE sa mga kumpanya ng langis na kung may biglaan at malaki ang pagtataas ng presyo ng crude oil
04:06ay utay-utayin naman ang pagpasa nito sa mga consumer.
04:09Nakahanda rin ang pamahalaan na magpalabas ang 2.5 billion pesos na fuel subsidy
04:14para sa mga public utility vehicle, taxi, ride-hailing services at delivery platform sa buong bansa.
04:21Kung mag-increase ang price at hindi po namin na-anticipate yan na within one week or within two weeks
04:27na talagang lalampas na siya sa $80 per barrel,
04:30nagtitrigger po yan na kailangan may fuel subsidy tayo.
04:34Or anumang ayuda na, nire-request natin po sila kung pwede, kung mag-increase nga.
04:39Hini-sana namin kung mag-increase nga na so-so, ako pwede nalang i-delay lang, i-statter lang.
04:44Pero isa din, more than that, ako ang appeal lang sana ng DOA.
04:48Bigyan nyo naman ng konting discount or konting advantage ang mga PUVs natin.
04:58Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.

Recommended