Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Posibleng bentahe pa kay Vice President Sara Duterte ang pagtutulak ng ilan na mag-inhibit ang ilang senador, ayon yan kay Senate Minority Leader Koko Pimentel. Nanindigan naman si Senadora Risa Hontiveros na huhusga siya batay sa bigat ng ebidensya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00Posibleng bentahe pa kay Vice President Sara Duterte
00:11ang pagtutulak ng ilan na mag-inhibit ang ilang senador.
00:15Ayon po yan kay Senate Minority Leader Coco Pimentel.
00:19Nanindigan naman si Senadora Risa Jontiveros
00:22na huhuzga siya batay sa bigat ng ebidensya.
00:26Nakatutok si Maag Gonzales.
00:30Sa pagsagot ni Vice President Sara Duterte
00:34sa mga komentong dapat mag-inhibit ang mga senador na pumapabor sa kanya,
00:39sinabi niyang bigyan daw ng benefit of the doubt
00:41ang senator judges na gagawin nila ng tama ang kanilang trabaho.
00:46Pero special mention ang kilalang kritiko niyang si Senador Risa Jontiveros.
00:50Kung ganun ang ating basihan sa inhibisyon,
00:54ay dapat din natin ipainhibit ang mga senators na meron ding bias against Sara Duterte,
01:03tulad na lang ni Sen. Risa Jontiveros.
01:06Tugon dyan ni Senador Jontiveros,
01:08ebidensya ang titignan niya bilang Sen. Judge.
01:11Nung nanumpa kami bilang Sen. Judge,
01:14naging tungkuli namin sa Senado
01:16na suriin at bumoto
01:18ayon sa bigat ng ebidensya
01:20na ilalahad ng magkabilang panig.
01:23Sinusunod ko po ang tungkuli na iyan
01:26at inaasahan ko rin ito sa ibang senador.
01:30Sabi ni Sen. Minority Leader Coco Pimentel,
01:32magiging paborable pa kay VP Sara
01:34kung may mag-inhibit na Sen. Judge.
01:37Kailangan kasi ng two-thirds o labing-anim na senador
01:40na magsabing guilty ang bise bago siya makonvict.
01:43Binibilang natin dito yung sinasabi yung salitang guilty.
01:47Hindi binibilang yung nagsabing not guilty.
01:49Magiging pabor din daw kay Duterte
01:51ang anumang delay sa pagdinig,
01:53tulad ng dinulot ng pagbalik ng impeachment complaint
01:55pabalik sa kamara.
01:57Sabi ni Pimentel,
01:58nag-iimbita lang daw ito ng mga kwestiyong legal.
02:01Pero kung siya raw ang tatanungin,
02:02dapat huwag na magkaso sa Korte Suprema
02:05na para ba itong consultant
02:06nahihintayin pa kung ano ang opinion nito.
02:09Ano ma-achieve nun?
02:10Ano lang?
02:11Baka bumalik pa sa step one.
02:14Hindi natin alam.
02:15So huwag na, pabayaan na lang yan.
02:17Tapos by July 29, 30, 31, August 1,
02:24pwede na, pwede na mag-trial yan.
02:27Kasi ang incoming Senate,
02:31hindi nila pwedeng gamitin ngayon
02:32ang excuse na
02:34mayroon pa silang rin-rush
02:37ng mga priority laws.
02:39Kasi ano pa yan eh?
02:41Filing pa lang yan.
02:42Para sa GMA Integrated News,
02:44Mav Gonzalez,
02:45Nakatutok, 24 oras.

Recommended