Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
Prinotesta ng ilang grupo ang pagbalik ng Senado sa Kamara ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ang giit nila, labag ito sa Saligang Batas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinrotesta ng ilang grupo ang pagbalik ng Senado sa Kamara ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:09Anggit nila, labag ito sa saligang batas. Nakatutok si J.P. Soriano.
00:18Mel, maghapon mamakulim limang panahon at umaambon ay kinalampag pa rin ng iba't ibang grupo ang Senate Building dito sa Pasay City
00:26upang kundinahin ang aksyon ng Senado na ibalik ang Articles of Impeachment ni Vice President Sara Duterte sa Kamara.
00:41Nag-marcha pa Senado ang mga grupong tindig Pilipinas, Akbayan at iba pa para almahan ang ginawa ng mga Senator Judges sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
00:56Bit-bit ang mga tarpaulin at placard. Deretsyahan ang mga paratang nila sa mga Senado na bumoto para ibalik sa Kamara ang impeachment case.
01:08Kasama rin nagmarcha ang ilang estudyante at religious groups.
01:11Yung iba nga lang, wala nga dito sa Manila, nag-conduct na lang ng mga activities nila sa kanyang mga probinsya.
01:21Kaya talagang nakikita natin yung kagustuhan ng mga Pilipino na ituloy na yung impeachment trial.
01:28Bago pa nakarating sa tapat ng Senado, nagdaos ng programa ang tindig Pilipinas.
01:33Kabilang niya ng apo ni dating Pangulong Cory Aquino na si Kiko Aquino D.
01:36Mensahe niya sa mga Senador na bumoto para ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment.
01:42Huwag maliitin ang kapangyarihan ng mga kabataan na siyang buboto sa susunod na eleksyon.
01:48At sa 2028, gagantihan natin ang lahat ng mga politikong taksil sa taong bayan.
01:58Ipanalo natin ang konstitusyon. Ipanalo natin ang taong bayan. Ipanalo natin ito!
02:11Naniniwala ang mga naprotesta na labag sa saligang batas ang ginawa ng Senado Impeachment Corps.
02:17Ang nangyari po kahapon ay isang pag-aabandon na sa ating saligang batas.
02:23Yung ginagawa nilang pag-remant, pag-dismiss, wala po sa konstitusyon yun.
02:28At wala rin yun sa rules na inaprobahan ng Senado sa impeachment kahapon.
02:33Dahil ho sa ginawa nilang yun, pwede pa rin ho tayo, meron pa ho tayo, pwede itawag sa kanila.
02:40Mga sobrang kapal ng mukha!
02:44Nang matapos ang programa, karamihan sa mga kasama sa protesta ay lumipat lang sa tapat mismo ng gate ng Senado.
03:01Ang mga tanggol, karapatan, ang mga katutubo, ang dulo.
03:06At mel pasado alas 6 ng gabi na tapos ang kinus protesta sa tapat ng Senate Building
03:10at ayon sa Pase Polisa, abot sa mahigit 3,000 kataong dumalo sa kilus protesta.
03:15At ayon sa mga nakilus protesta, bukas araw ng kalayaan,
03:18itutuloy nila ang kanilang pagmarcha sa isang bahagi ng EDSA alas 2 ng hapon.
03:23At yan muna ang latest. Balik muna sa'yo, Mel.
03:25Maraming salamat sa'yo, JP Soriano.
03:28Maraming salamat sa'yo.

Recommended