Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/1/2025
Patay matapos pagbabarilin ang isang pulis na rumesponde sa panghoholdap sa Quezon City. Nilinlang siya ng mismong holdaper na nagpanggap na saksi habang itinuturo ang direksyong tinakbuhan umano ng tinutugis ng pulis. Napatay rin ang suspek matapos makaganti ang pulis at ang kasama nitong resbak. Dalawang sibilyan din ang nasugatan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Patay matapos pagbabarilin ang isang polis na rumispondi sa pang-hold up sa Quezon City.
00:11Nilin lang siya ng mismong hold uper na nagpanggap na saksi habang itinuturo ang direksyong tinakbuhan o manok ng tinutugis ng polis.
00:19Napatay rin ang sospek matapos makaganti ang polis at ang kasama nitong rest back.
00:25Dalawang sibilyan din ang nasugatan at mula po sa Camp Karingal, nakatutok live si Nico Wahe.
00:32Nico.
00:36Mayor Emil Vicky, nakaburol na rito sa Camp Karingal Chapel sa Quezon City si Patrolman Harwin Courtney Bagay.
00:43Ang polis na napatay matapos mabaril ng sospek sa nirespondi ang hold upan kahapon.
00:49Pagkarinig sa putok ng baril, agad narumispondi ang polis na ito sa Katipunan Street ng Barangay Commonwealth, Quezon City madaling araw kahapon.
01:01Nilapitan siya ng isang lalaki.
01:03Sa isa pang CCTV, kitang sinusundan na siya ng lalaki habang paliku pa lang sa isang kanto.
01:09Pagharap ng polis, pinagbabaril siya ng lalaki.
01:12Nakaganti pa ang polis ng putok habang rumesbak ang kanyang kabadi.
01:16Tinamaan ito ang sospek na bumulag ta sa kalsada.
01:18Sa kasamang palad, patay ang pinagbabaril na polis.
01:22Kinilala siyang si Patrolman Harwin Courtney Bagay.
01:2528 anyos na tubong pinukpok kalinga.
01:29Tama sa kaliwang balikat na tumago sa kanyang dibdibang ikinamatay ni Patrolman Bagay.
01:33Ito kayong polis, pasagod na.
01:34May customer kami, gumagawa kami ng burger nun eh.
01:38May customer kami.
01:39Yun, yung mga customer na napayuko bigla.
01:42Sunsunod na yung putok ng baril.
01:43Pagkatapos ng barilan, ayun nakita namin, may nakalondusay na.
01:47Tapos yung isang polis, nakakasakay na sa ambulansya.
01:53Ayon sa NCRPO, rumespondi ang dalawang polis sa panguhold up sa isang food cart owner.
01:57Wala silang kaalam-alam na ang lalaking lumapit sa polis na nakita sa CCTV ang mismong hold uper.
02:03Hindi po kasi nila identified kung sino pa yung suspect.
02:06So doon po sila napalapit.
02:08Tapos sabi po sa kanila ng suspect,
02:10Sir, Sir, doon tumakbo.
02:11Tapos itinuro po sila sa direksyon ng Katipunan Street.
02:14Noong tumalikod na po itong ating mga polis,
02:18saka po bumunod naman po itong ating suspect
02:21at pinaputokan po itong ating isang patrolman.
02:25Sugata naman ang food cart owner na hinhold up ng lalaki.
02:28Gayun din ang isang bystander na tinamaan ng bala.
02:31Ang napatay na sospek, kinilalang si Rolando Villarete, 33 anyos,
02:35na dati nang nakulong para sa mga kasong illegal possession of firearms,
02:39alarming scandal at attempted homicide.
02:42Lumabas din sa investigasyon na wala siyang kasabwat.
02:45Kanina, ibinurul na si patrolman Bagay sa Camp Karingal Chapel.
02:49Lumuwas mula kalinga ang kanyang pamilya.
02:51Ayon sa kanyang ama, umuwi pa ang kanyang anak sa kalinga noong June 7
02:55para sa kasal ng kanyang kapatid.
02:58Yun din daw ang huling beses na nagkita sila.
03:00Dati raw itong guro at tatlong taon pa lang na pulis.
03:03Four years na teacher na siya pero noong nag-pandemic,
03:07yung ginagawa na lang kasi ng mga teacher noon,
03:09nag-umagawa ng modules na pag-isipan niyang maging pulis.
03:13Pero alam daw ng kanyang ama na wala itong pinagsisihan
03:16sa desisyon ng kanyang anak sa kabila ng nangyari.
03:18Siguro may plano si Lord, may plano si God.
03:24I love you very much, anak ko.
03:26I'm very proud of him.
03:27Kung hindi niya ginawa yun,
03:29baka marami pang mahold up ng mga tao
03:33kung hindi napatay yung suspects.
03:37Bumisita sa burol si na-NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin
03:41at si PNP Chief General Nicolastore III
03:43na naggawad ng postimus citation at medali ng kadakilaan kay Bagay.
03:48Ang kanya namang kabadi,
03:50ginawara ng medali ng kagalingan.
03:52Talaga nakakalungkot na balita.
03:55It's not even a consolation na nakapatay sa kanya.
03:59It's not a consolation.
04:01Tayo nalulungkot pero we celebrate this heroism.
04:07Talaga yan ang inalay ang buhay para sa servisyo, para sa iba.
04:13Ayon kay Torre, ire-review nila ang kanilang procedure sa pagresponde.
04:17May isa opis naman na existing regarding the use of
04:21armored vests during police operations.
04:26So, ire-visit lang natin yun, titignan lang natin
04:28para at least mamitigate naman ang danger sa ating mga tauhan.
04:39Vicky, bukas ng umaga ay ibabiyahe patungong Kalinga
04:43ang labi nitong si Patrolman Bagay.
04:45Kanina naman ay nagbigay ng financial assistance ang PNP sa kanyang pamilya
04:49at sisiguruhin na ibibigay daw lahat nitong kailangan ng tulong at suporta.
04:55Vicky.
04:55Maraming salamat sa iyo, Nico Wahe.

Recommended