00:00Asahan ang masaganang produksyon ng palay sa tulong yan ang ipinamahaging kagamitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka sa Nevaycia na malaking tulong din para higit na mapataas ang kanilang kita.
00:13Si Vel Custodio sa report.
00:18Labing-anim na rice combined harvester, tig-isang four-wheel tractor with complete implements at cultivator sa Science City of Muñoz.
00:27Yan ay pinamahagi ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Nueva Ecija.
00:32Para yan sa pagpapahusay sa mekanism ng pagsasaka sa palay para sa mas mataas sa produksyon at kita ng magsasaka.
00:39Pinangungunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang inauguration and turnover ng rice processing system at distribution ng farm machineries sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Fund o RSF.
00:50Isa si Mang Rodolfo sa makatatanggap ng rice combined harvester.
00:55Sa tulong nito, nasa 150 hanggang 180 na sako ng palay ang mabilisan niyang maani.
01:02Malaking bagay po ang may tutulong nitong unit na ito dahil ginawa na po kaming mag-ano sa mga bukit.
01:10Nakaka-limang miktarya o anin, gano'n. Depende po sa kanahon.
01:17Halimbawa may ulan na, pwede na namin ikuan ka agad para maayos na.
01:23Umuupa pa ng harvester ang kooperatiba na kinabibilangan ni Macario.
01:27Kaya malaking bawa sa expenses ang ibinigay ng gobyerno na bagong farming machinery.
01:33Hindi na kami uupa ng traktora. May sarili na po ang traktora ang kooperatiba at makakatulong po ito sa mga membro at sa mga magsasaka.
01:41Matadagdag na po sa kita namin.
01:43Malaki po ang may babawas sa gastusin ng ating mga magsasaka.
01:47Unang-una, ito po ay napakalapit. Ano po, hindi na po sila pupunta sa malayo dahil nandito lang sa aming syudad itong Rice Processing Center.
01:55Sa pangunguna ng Philippine Center for Post-Harvest Development and Mechanization o Filmec, layunin na rice mechanization component na pababain ng production cost na humigit kumulang 2 hanggang 3 pesos kada kilo ng palay.
02:10Sa pamamagitan ng paggamit ng angkop, efficient at kompletong sistema ng mechanized production technology, mababawasan post-production losses o mga nasasayang na ani ng mga magsasaka.
02:213 to 5 percent na production losses ang maisasalba gamit ang post-harvest facilities.
02:27Kabilang sa mga itinatayong pasilidad sa ilalim ng programa, ang Rice Processing System 2 na multi-stage rice mill na may kapasidad na 2 to 3 tons kada oras.
02:37Katumbas yan ng 55 million pesos.
02:40Presidente na mismo ang pumunta at para makita at nagpa-update sa progreso ng mga rice processing systems at dryer systems.
02:48At napaliwanag nga namin na 145 na inatayo natin this year, out of that mga 95 I completed na the remaining will be completed in the next 3 months.
02:59So malaking bagay yun sa next harvest season.
03:01Kabilang din sa ipinamahagi ang dalawang recirculating dryers na may kakayahang magpatuyo ng hanggang 12 tons bawat batch.
03:08May kabuoang halaga ang mga dryers sa 8.66 million pesos.
03:13Ayon sa DA, mahigit 200 na ang naprocure sa drying system nationwide at magdadagdag pa ng isandaan para ideploy ngayong taon.
03:22Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.