Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Sa unang araw ng kanyang pagbabalik-city hall, isinailalim ni Manila Mayor Isko Moreno sa state of health emergency ang lungsod dahil sa lumalalang problema sa basura. Bumitaw na rin sa kontrata ang dalawang nangongolekta ng mga ito dahil sa umano'y utang sa kanila ng city hall na abot sa halos apatnaraang milyong piso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa unang araw ng kanyang pagbabalik City Hall, isinailalim ni Manila Mayor Isco Moreno sa State of Health Emergency ang lungsod dahil sa lumalalang problema sa basura.
00:11Bumitaw na rin sa kontrata. Ang dalawang nangongolekta ng mga ito dahil sa umunoy utang sa kanila ng City Hall na abot sa halos 400 milyong piso.
00:21Nakatutok si Mark Salazar.
00:23Mula sa mga pangunahing kalsada gaya sa Tutuban hanggang sa mga secondary road ng Moriones, kumaalingasaw ang problema ng Maynila na kabisera paman din ang Pilipinas.
00:38Kaya ang pag-aayo sa basura ang first order of business nang nagbabalik Manila City Hall na si Mayor Isco Moreno.
00:46I opted to declare and request the City Council tomorrow, first session day, to declare the state of emergency, health emergency of the entire city of Manila.
01:05Ang tansya ni Mayor, mahigit 4,000 metric tons ng basura ang naiwang na katiwangwang dahil paudlot-udlot kumano ang koleksyon ng basura.
01:14Mabaho talaga, perwisyo. Saan-unoy, mga dumadaan, mga kaya.
01:19At sing natambak yan, punong-punong lahat yan. Lahat ng mga pedestrian lane na napuno ng basura yan.
01:26Sumulat na kay Mayor Isco ang dalawang hauling contractors ng Maynila, ang Fileco at Metro Waste, para voluntaryong i-terminate ang kanilang servisyo.
01:34Hindi na raw nila kayang tustusan dahil umabot na sa halos 400 million pesos ang utang ng City Hall sa kanila mula lang nitong Enero.
01:45Pumatong na ito sa halos kalahating bilyong utang naman ng City Hall sa Lionel na unang bumitaw din sa kontrata.
01:52Because of financial mismanagement, from 561 million, today as we speak, 950 million na ang bayarin sa basura.
02:09Almost 400 million na hindi rin biniyaran ang Metro Waste at Fileco.
02:17Pero Lionel din ang pinakiusapan ni Mayor Isco na magbalik hakot ng basura kahit wala pa silang bagong kontrata.
02:26Tumalima naman ang Lionel at nangulekta ng libre simula kaninang alas 2 ng hapon.
02:31Nung mabalitaan ng mga taga Esquinita Madrid extension na naandito na yung maghahakot ng basura, naglabasan.
02:39Sila kuya na ipunan na ho kayo ng basura?
02:40Oo, napunan na, ipunan na.
02:43E ngayon, kinukuha na ngayon.
02:46Ha?
02:46Pero na po.
02:47Sa loob ng Manila North Cemetery, pinakamalinaw ang banta ng basura sa kalusugan.
03:02Kahit maliit ang komunidad dito, aabot daw talaga ng ganyan ang basura kung walang nangungulekta.
03:07Misan-misan daw, may bunda daw po ng DPS, kaya lang pili lang yung mga kinukunang lugar.
03:13Sa kanyang press conference, tinanong si Mayor Isco kung pananagutin niya ba ang pinalitang mayor sa problemang ito sa basura.
03:21We will dedicate our time, 2% of it, going after to those who are liable, administratively and criminally.
03:3390% of our time, we will dedicate it to the people of Manila by serving them.
03:41May hindi nabayaran.
03:42When you acquire services and products at hindi mo binayaran, ang tawag dyan is tapad.
03:47Sinusubok pa namin kunin ang panig ni dating Mayor Honey Lacuna.
03:52Para sa GME Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended