Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kasunod ng baha, leptospirosis naman ang posibleng problemahin ng mga lumusong sa mga ito. Babala 'yan ng Department of Health nang maglibot sa Marikina kanina.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00KASUNOD NANG BAHA
00:02LEPTOSPYROSIS NAMAN
00:04ANG PUSIBLEN PROBLEMAHE NANG MGA LUMUSONG SA MGA ITO
00:07BABALA PO YAN NANG DEPARTMENT OF HEALTH
00:10NANG MAGLIBOT SA MARIKINA KANINA
00:13ANG GAMOT PARA DIAN AT ANG LATEST SA LUNGSON
00:16TINUTUKAN LIVE NING MAV GONZALO
00:18MAV! KAMUSTA NA ANG MARIKINA? MAV!
00:25Mel, mahinang ulan na lang ang naranasan namin ngayong gabi dito sa Marikina City
00:29Marami na rin dun sa mga residente ang umuwi galing sa mga evacuation centers
00:33Mas mabilis na kasi humupa yung baha dito dahil daw sa mga engineering interventions na ginawa ng LGU
00:39Bitbit ang mga naka-plastic na gamit
00:45Sama-samang umuwi ang pamilya nila Mary Jane matapos lumikas kahapon sa H. Bautista Elementary School dahil sa baha
00:52Nag-first alam kasi kaya natakot na rin kami
00:56Katulad ko na may high blood stroke, may matanda kaming kasama
01:00Siyempre mas maganda na yung maagap
01:03Pag uwi nila, wala namang baha at wala rin putik kaya hindi na masyadong kailangang maglinis
01:09Pero sa katabing Kalamansi Street, kinailangang maglimas si Rodelio at kanyang mga apo
01:14Nakakatakot na, pagod ka pa
01:17Kaya pag may tubig na, alis ka na
01:23Punta ka na doon sa pupuntaan mo
01:25Pero ito po, naligtas nyo naman lahat ng gamit
01:28Ayan nga o, nabasa lahat
01:30Basa lahat?
01:32Basa
01:32Bisa na ito eh
01:36Kwento ni tatay kahapon daw hanggang dito yung tubig
01:40Kaya ayan, kinailangan na nila na lumikas
01:42Pero ngayon, nakauwi na sila at nakapaglinis
01:44Medyo maswerte pa raw sila
01:46Dahil dito sa looban ng Eskinita
01:48Dyan, lampas tao yung baha dito kahapon
01:51At ngayon, meron ng mga nakaka-uwi
01:52Pero hindi naman sila makapaglinis
01:54Dahil wala pa rin tulong ng tubig
01:56Kagabi, nagsaga sa siksikan at maginaw na tulugan
01:59Ang mga lumikas sa Malanday Elementary School
02:02Puno na ang mga classroom
02:03Kaya may ilan na sa capsule tents nagpalipas ng gabi
02:06May ilang gumamit na lang ng payong pang taklob
02:09Habang nakahiga sa stage ng paaralan
02:11Banig at saka po, yun lang naman
02:14Tapos may umot, ganun
02:15Madalas po kami pagkaganitong bariyo
02:18Nandito kami sa school
02:19Nakakaiyak talaga
02:21Ang pinagdadaanan namin
02:23Ang hirap-hirap
02:26Magdamaga naman ang rescue operation sa Marikina City
02:29Naging pahirapan daw ang pag-rescue
02:32Sa ilang residenteng pinasok ng baha
02:34Ang mga bahay, kabilang ang isang sanggol
02:36Nang tumila ang pagulan kaninang umaga
02:38Mabilis ding humupa ang baha sa lungsod
02:41Kaninang hapon, nadadaanan na lahat ng kalsada sa Marikina
02:44Ayon sa Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office
02:48May mga engineering intervention sila
02:50Sa mga lugar na mabilis bumaha
02:52Ini-improve po namin yung drainage network po namin dito sa Marikina
02:57At sa Marikina River naman po
03:00Simpleng approach lang din po yung ginawa po namin dyan
03:02Ini-increase po namin yung water carrying capacity ng river
03:08So mas madaming volume na ng tubig
03:11Ang nakikare po niya
03:12Continuous po year-round po yung dredging na ginagawa po ng city
03:16Pinalapad po namin, pinalalim po yung ilog
03:20Nag-ikot din kanina sa evacuation center
03:23Sina Health Secretary Teddy Herbosa at Mayor Maan Shodoro
03:26Ang Department of Health nagbabala sa banta ng leptospirosis
03:30Ang unang symptom ng leptospirosis
03:33Siyempre may history ng lumusong o lumangoy sa baha
03:36Dami ko nakikita sa GMA News
03:39Yung mga bata nagsusubing sa basura at saka tubig
03:42Nagkaroon ka ng simptomas ng lagnat, trangkaso
03:45Magpatingin na sa doktor kasi may antibiotic
03:48Pwede kang resitahan ng antibiotic at ma-prevent yung mga complications
03:53Pag ikaw, huli ka nang pumunta sa doktor, naninilaw na ang mata mo
03:56Wala ka ng ihi, late na yun, mataas ang chance mamatay dahil sa lepto
04:02Nagbigay na ng doxycycline and DOH sa City Health Office
04:05Ang binibigyan lang namin ng prophylactic na antibiotic
04:09Yung mga rescue na matagal sa tubig baha
04:12Mga nakababad sila for long time
04:15Mataas ang risk din nila kahit naka pool protection sila
04:19Kasi nababasa din yun
04:20So binibigyan namin silang prophylaxis
04:22Pangalawang binibigyan namin yung mga may sugat na lumusong sa baha
04:28Kasi because of the break in the skin, pwedeng makapasok yung mikrobya
04:32Kung ikaw ay walang sugat sa paa, lumusong ka sandali lang
04:35Mga few minutes, soap and water lang
04:38Mel, sa ngayon nasa 15.2 meters ang water level dito sa Marikina River
04:46Samantala, suspendido naman po ang pasok sa lahat ng antas dito sa Marikina Bukas
04:51Mel?
04:52Maraming salamat sa iyo, Ma'am Gonzales

Recommended