Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
Tumaas ang tensyon sa demolisyon sa isang barangay sa Maynila matapos harangin ng mga residente ang mga pulis. Umabot pa ‘yan sa bombahan ng tubig, paghagis ng supot na may laman umanong gasolina at batuhan ng silya.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumaas ang tensyon sa demolisyon sa isang barangay sa Maynila,
00:04matapos harangin ng mga residente ang mga pulis.
00:08Umabot pa yan sa bombahan ng tubig,
00:10paghagis ng supot na may laman-umanong gasolina,
00:13at batohan ng silya, nakatutok si Maki Pulido.
00:21Bandang alas 11 ng umaga, binombana ng tubig
00:24ang mga nakaharang sa gate ng compound na ito
00:26sa barangay 262, Manila.
00:30Pero nakakapit pa rin sa gate ang ilang mga residente
00:33para mapigilan ang demolisyon.
00:38Ang lalaking ito gumamit na ng plywood
00:41para masangga ang bumubugang tubig.
00:46Nang agawin ang pulis ang plywood
00:48at paalisin siya sa tapat ng gate,
00:50muling tumaas ang tensyon.
00:56Fire extinguisher naman ang binuga ng mga residente
00:59sa anti-riot police na nasa tapat ng gate.
01:08Sa isang punto, nangamoy gas,
01:10matapos ihagis ang isang supot sa mga pulis.
01:13Hinagisan din ang mga pulis
01:14ng silya at water container.
01:18Sabi ni Sheriff Raimundo Rojas,
01:20matapos ang apat na taong pagdinig,
01:22na-issue ang notice of demolition noong October 2024,
01:25February 2025,
01:27nang ibigay ang final notice.
01:29Iusap sila after Christmas,
01:31pinagbigyan.
01:32After klase,
01:36nag-eleksyon,
01:38ayun na, tapos na lahat,
01:39mag-opening na naman.
01:41Kaya,
01:42i-implement na yung court order.
01:45Nasa dalawang daang residente raw
01:46ang nakalagda sa kaso sa korte
01:48para labanan ang demolisyon.
01:50Ayon sa sheriff ng korte,
01:5238,000 pesos ang alok ng pribadong korporasyon
01:55na nakabili sa lupang kinatitirikan
01:57ng kanilang mga bahay.
01:58Sabi ng residenteng si Angelina Consulta,
02:01hindi raw nila ito tinanggap
02:02dahil ilang dekada nang nakatira
02:04ang marami sa kanila rito.
02:06Ang bahay nga raw nila,
02:071936 pa'y pinatayo
02:09ng kanyang mga magulang.
02:11Mawawalan po kami ng tirahan.
02:13Kami ay mga may sakit,
02:15ng mga matatanda,
02:16yung aming mga anak,
02:19wala rin trabaho.
02:20Gayun din ang aming mga apo,
02:23napakaliit pa.
02:28Maghahalauna ng hapon,
02:29unti-unting humupa ang tensyon
02:31ng umalis na mga polis
02:32at mga truck ng Bureau of Fire Protection.
02:35Ayon kay kagawa Joey Malyari
02:36ng Barangay 262,
02:38may inaasahan na kasing
02:39temporary restraining order
02:40mula sa korte.
02:43Para sa GMA Integrated News,
02:45Sumaki Pulido na Katutok,
02:4624 Horas.

Recommended