Ang panandaliang gamit ng plastic, daang taong polusyon ang kapalit bago mabulok. Kaya para makatulong sa plastic waste crisis, dine-develop ng researchers mula Japan ang isang uri ng plastic na kayang matunaw sa tubig-alat. Tara, let's change the game!
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:31Alas 8 ng umaga, handa na ang cleanup team ng Department of Sanitation and Cleanup Works ng Quezon City.
00:38Ang mission nila sa araw na yun, linisin ang mga naipong basura sa parting ito ng G. Araneta Creek.
00:46Ito po, G. Araneta Creek. Importante po na manapiling malinis po kasi itong area po na ito, mababa.
00:52Plag-prone po talaga siya. Ito na rin po yung patch basin. Patungo na po ito ng papuntang San Juan River.
00:58Karamihan ng mga basura na makikita natin ay yung mga single-use plastic.
01:03Makikita natin, meron mga sachet, nalagyan ng toyo, suka, meron tayong mga plastic cups doon, pet bottles, mga styro at syempre yung mga pinaglalagyan natin ng plastic.
01:14Syempre hindi naman sila natutunaw sa tubig siyang tinukuha po na itong team ni Kuya Nolly.
01:18In five hours, nakapuno na sila ng dalawang daang sako ng basura.
01:27Sa Pilipinas pa lang, 2.7 million tons na ng plastic waste ang na-degenerate kada taon.
01:33At 20% dyan, umaabot sa karagatan.
01:36Kung mahirap maiwasan ang paggamit ng plastic at hindi rin naman ito tuluyang nabubulok,
01:42bakit hindi nalang bumuo ng environment-friendly na plastic?
01:47Yan ang dinedevelop ngayon ng researchers mula sa University of Tokyo at Riken Center of Emergent Matter Science sa Japan.
01:56Sa pangunguna ni Takuzo Aida, nakabuo ang grupo ng isang uri ng supramolecular plastic.
02:03Ang superpower nito, kayang mag-dissolve sa tubig-alat in a matter of hours.
02:10Kumpara sa ibang biodegradable plastic, mas mabilis daw itong natutunaw.
02:15At higit sa lahat, walang naiiwang residual trace o microplastic.
02:20Gamit ang dalawang ionic monomers, pinagsasama ito para makabuo ng salt bond.
02:25Kaya pareho pa rin yung tibay at flexibility nito sa karaniwang plastic.
02:30Ang kaibahan, ginawa itong highly sensitive sa salt, kaya madaling matunaw pag humalo sa tubig-alat.
02:40When it comes into contact with salt, it will break down into its original raw materials.
02:45Non-toxic at non-flammable din ang material.
02:49At pag nag-breakdown, patuloy pa itong mag-decompose dahil sa bakterya.
02:54Sa mga sinagawa nilang tests, natunaw ito sa seawater sa loob ng 2 to 3 hours.
03:01Kapag sa lupa naman, nag-de-decompose ang maliit na peraso ng plastic in 200 hours o 9 days.
03:09Not bad!
03:11Sa ngayon, nasa development phase pa ang supramolecular plastics.
03:15Pero naniniwala ang grupo na malaki ang maitutulong nito para maging mas ligtas at sustainable ang packaging industry.
03:23There you have it mga kapuso, a true game changer pagdating sa problema ng plastic waste.
03:28Pero hanggat hindi pa ito malawakang nagagamit, let's do our part para hindi na dumagtag sa plastic waste crisis.
03:36Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avere, changing the game!