Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Panayam kay spokesperson, Office of Civil Defense ukol sa disaster preparedness and resilience ng mga Filipino kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng National Disaster and Resilience Month

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, Disaster Preparedness and Resilience ng mga Pilipino
00:04kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng National Disaster and Resilience Month
00:09ating pag-uusapan kasama si Director Chris Noel Bendijo
00:13ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense.
00:16Director Chris, magandang tanghali po.
00:19Asik Joey, Asik Weng, good afternoon.
00:22Sir, para lang po maunawaan ng ating mga kababayan,
00:24ano po yung layunin ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month
00:29tuwing month of July.
00:33Tama yan, Asik Joey.
00:35Banggitin ko yung title ng ating National Disaster Resilience Month kickoff itong taong ito.
00:40Ito ay pinamagatang kumikilos.
00:42Ang ibig pong sabihin nito,
00:44kayang umaksyon ng mamamayan na isa buhay ang kahandaan ng bawat isa
00:48para maging ligtas sa oras ng sakuna.
00:51So ang ating pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month
00:54ay isang pamamaraan upang ipaalala sa lahat
00:57ang kahalagahan ng paghahanda sa mga sakuna
01:00na maaaring tumama sa ating bansa,
01:02anong maging bagyo, pagbaha, paglindol, landslide, tsunami at iba pa.
01:07So ito rin po ay nagkakaroon tayo ng pagkakataon
01:10upang makakalap ng impormasyon
01:12at ma-assess natin ang ating mga sarili,
01:14ang ating mga kabahayan,
01:15ang ating mga opisina,
01:17kung tayo ba ay handa na pagdating sa pagtugon sa sakuna.
01:20Sir, sa nasabing pagdiriwang,
01:23paano po pinapalaganap ng OCD yung kahalagahan
01:27sa paghahanda tuwing may sakuna?
01:31Sa ating launching na ito,
01:33meron tayong mga partners dito,
01:35partner po natin dito ang World Bank,
01:37pati na rin ang Ayala Foundation,
01:40at meron tayong expanded launching
01:42ng ating Panatag Pilipinas Campaign.
01:45Itong ating Panatag Pilipinas Campaign,
01:47yung pinangungunahan ito ni Mr. Ding Dong Dantes
01:49bilang ating Panatag Pilipinas Ambassador,
01:52ito ay mga may ikling video
01:54na ating ipalalabas,
01:56nag-umpisa tayo sa ating website,
01:58at ngayon ipalalabas na po natin
01:59sa mga Ayala Malls.
02:01Mga videos ito patungkol sa mga kailangan
02:03nating gawin sa panahon ng lindol,
02:05pagbaha, at iba pang sakuna
02:07na maaring tumama sa ating bansa.
02:09So ito po yung mga ilo-launch natin
02:11itong paparating nating kick-off itong July 1.
02:14After po nung kick-off, Director Chris,
02:16ano pa yung mga ibang activities
02:18na kaugnay nung National Disaster Resilience Month?
02:23Tama yan, Ask Joey.
02:25Marami pa tayong ibang activities
02:27upang magbigay pa ng dagdag kaalaman,
02:29advokasiya upang maging mas aktibo
02:31ang ating mga kababayan.
02:34Nandyan na po yung ating dangalbantayog.
02:35Ito ay nagbibigay po sa mga individual
02:37na may di matatawarang kontribusyon
02:40pagdating sa disaster preparedness,
02:42response, and resilience.
02:44Nandyan po yung ating gawad kalasag.
02:45Ito naman po ay pagkilala
02:46sa mga lokal na pamalan
02:48at mga pribadong grupo
02:49na may matinding pagsunod
02:51at pag-implementa
02:51ng ating mga contingency plans
02:54at protocols.
02:54At again, yung pagsunod pa rin
02:56sa ating disaster preparedness response.
02:59Andyan din po yung ating rescue Olympics.
03:00Ito naman po ay isang paligsahan
03:02ng mga iba't-ibang rescue groups
03:03sa bansa na sumusukat sa kanilang kakayanan
03:06upang magsagawa ng rescue
03:08sa iba't-ibang mga senaryos.
03:10And of course, yung ating pinakasikat
03:11na nationwide simultaneous earthquake drill,
03:14ito ay kinokonduct natin quarterly
03:16upang magkaroon tayo ng muscle memory
03:18na pagdating ng lindol,
03:21yung ating iniiwasang the big one,
03:23ay alam po ng lahat
03:24ang kanilang mga dapat gawin
03:25upang tayo ay maging ligtas.
03:28Director, sa inyong pong obserbasyon,
03:30gaano po kahanda ang mga Pilipino
03:32sa harap ng mga kalamidad
03:33gaya ng lindol, bagyo at pagbaha?
03:37Unang-una, asekwen,
03:39gusto nating bigyang pagkilala
03:40itong kapansin-pansin nating
03:41pagdami ng mga individual at grupo
03:43na nagnanais magsanay at matuto
03:46patungkol sa disaster preparedness
03:47response at resilience.
03:49Natutuwa tayo dito
03:50dahil pagdating sa sakuna,
03:52yung pong tsansa ng ating pagiging mabuhay,
03:55yung pagkakataong mabuhay,
03:56ay tumataas kapag mas marami
03:58ang nakakaalam
03:59ng mga kasanayan
04:01kagaya ng pangunang lunas,
04:02yung first aid, rescue skills,
04:04pati na rin yung ating mga disaster preparedness.
04:06Pero para sagutin ang tanong talaga,
04:08masasabi natin na marami pa tayong
04:10dapat isaayos at habulin
04:11bilang isang bansa
04:13upang mapaigting pa at mapabuti
04:15ang ating kahandaan.
04:16Nandyan na po yung pagsunod natin
04:17sa Building Code
04:18at Structural Code of the Philippines
04:19sa mga ating mga konstruksyon.
04:22Nandyan na po yung pagpaplano
04:23sa ating mga pamilya
04:24kung ano yung mga dapat gawin
04:25sa panahon ng sakuna
04:26under sa iba't ibang
04:28mga posibleng senaryo
04:29sa pagkakataon.
04:30At marami pa pong
04:31ibang aspeto ng paghahanda.
04:33Masasabi po natin,
04:34marami pa tayong dapat
04:35catching up na kailangan gawin
04:36upang talagang mapaigting pa
04:38ang ating paghahanda.
04:39Palagi natin naririnig
04:42Director Chris
04:43in the context of
04:44sakuna o disaster
04:46yung resilience
04:47o katatagan.
04:48So paano po natin
04:49ini-instill ito
04:51sa mga local community
04:52lalo na yung palagi
04:53ang tinatamaan
04:54ng mga kalamidad.
04:55Palagi natin sinasabi
04:56oh, sanay na ang Pilipino
04:58o matibay naman kasi
04:59ang Pilipino.
05:00Pero paano natin
05:01ini-instill
05:02ini-ingrain
05:03sa kanila
05:03itong resilience
05:04na gusto naman natin
05:07ma-inculcate sa kanila
05:11in terms of yung
05:12disaster preparedness
05:15and resilience.
05:17Sa wikang Pilipino
05:19asit Joey
05:20ito ay katatagan.
05:21Yung resilience
05:21ay katatagan.
05:22Para sa ating mga kababayang
05:23Cebuano
05:24ito ay kaligun.
05:25Para sa mundo
05:27ng disaster response
05:28tayo ay nagiging matatag
05:30sa ating mga sarili
05:31sa ating mga pamilya
05:33sa bilang isang bansa
05:34kapag tayo ay handa
05:36at paano ba tayo
05:37nagiging handa?
05:38Unang-una
05:39kailangan meron tayong plano.
05:41Hindi maaari
05:41na kapag tumama
05:42ang sakuna
05:43doon lang tayo
05:44mga ngalap ng impormasyon
05:46kung ano ang dapat gawin.
05:47So dapat meron tayong plano.
05:48At ikalawa
05:49meron din tayong flexibility
05:51upang mag-build
05:52doon sa planong ginawa natin
05:53dahil
05:54wala naman pong
05:55one size fits all
05:56pagdating sa
05:57mga ganitong sakuna.
05:59So dapat alam natin
06:00ang ating gagawin
06:01at kapag nangyari na
06:02yung sakuna
06:02marami tayong pwedeng
06:04idagdag na aksyon dito.
06:05Now, to answer your point,
06:07marami po tayong
06:08mga activities.
06:09We have set up
06:10ang ating provincial,
06:12local,
06:12all the way to the barangay
06:13risk reduction
06:14management offices.
06:16At meron tayong
06:16isang national contingency plan
06:18na ipinatutupad natin,
06:20kinakascade natin ito
06:21all the way to the barangay level
06:22upang harmonious
06:23at consistent
06:24ang plano natin.
06:25Hindi maaaring
06:25ang ating bansa
06:26ay may kanyang-kanyang plano
06:28pagdating sa
06:28disaster response
06:29at resilience.
06:30Dapat ito ay
06:31harmonized
06:32at dapat ito ay
06:33nakaayon
06:33sa mga plano
06:34ng ating national government.
06:36Sir,
06:37nabanggit nyo po
06:37yung LGU
06:38at barangay.
06:39So ano po yung
06:40pinaka-role nila
06:40sa pagpapalaganap
06:42ng disaster preparedness
06:43at resilience?
06:44Sabi nyo po,
06:45dapat nakaayon to
06:47kung mag-a-align siya
06:48sa plano ng gobyerno.
06:49Paano kung iba-iba
06:50naman po yung
06:51pangangailangan
06:51ng bawat LGU
06:52o barangay
06:53dahil magkakaiba po tayo
06:54ng lokasyon
06:56o ng sitwasyon
06:57kada umuulan?
06:59Totoong-totoo po
07:00yung sinasabi nyo,
07:01Asekweng.
07:03Napakahalagan ng papel
07:04ng ating mga LGU
07:05at barangay
07:05sa disaster preparedness
07:06at resilience.
07:07Tandaan natin,
07:08sila yung mga kasama natin
07:10sa ating mga komunidad
07:11at sila ang pinakamalapit
07:12na maaring hingan
07:13at saklolo.
07:14At gaya po
07:15nang nabanggit ninyo,
07:16ang bawat LGU
07:17sa ating bansa
07:18ay may kanya-kanyang
07:19contingency plan
07:20dahil iba't iba naman po
07:21yung mga sakunang
07:22tumatama dito.
07:23Halimbawa po
07:24sa Kanlaon,
07:25ang kanilang contingency plan
07:26ay may kinalaman
07:27sa presensya ng vulkan
07:28dahil nandun po
07:29yung mga kanlaon.
07:30Yung ating mga LGU
07:31sa Bicol,
07:32ito naman ay mga nakatuon
07:33sa pagsasalubong
07:34sa bagyo.
07:35Kung matatandaan natin
07:36nung nakarang taon,
07:37sa isang buwan,
07:38dumaan yung KLMNOP,
07:40mga tropical cyclones.
07:42So,
07:42tama po kayo,
07:43may iba-ibang
07:44contingency plan
07:45ang ating mga LGU
07:46peculiar sa kanila
07:47mga pangangailangan.
07:48Ngayon,
07:49pagdating po ng sakuna,
07:51dahil sila nga po
07:52ang first responders natin,
07:53sila po ang ating
07:54first line of defense,
07:55sila din po
07:56ang mapagkukuha na
07:57ng impormasyon
07:58ng ating national government
07:59upang ma-augment
08:00ang kanilang mga services.
08:01Dahil,
08:02pagdating po ng sakuna,
08:03baka po kulangin
08:04ang mga resources
08:05ng ating mga barangay
08:06at local government units.
08:07So,
08:08itong ugnayan na ito
08:09at pati na rin po
08:10yung abilidad
08:11ng ating mga local government units
08:13na makapag-establish
08:14ng linya na komunikasyon
08:15sa ating national government
08:17ay napakahalaga
08:18upang sa ganun
08:19ay masundan natin
08:20yung utos
08:21ng ating Pangulong
08:21Ferdinand Marcos Jr.
08:23na pagdating
08:24sa disaster response
08:25para tayong conveyor belt.
08:26Dapat tuloy-tuloy ito.
08:28At dapat hanggang
08:28sa mabalik natin
08:29ang ating mga kababayan
08:30sa kanilang mga normal
08:31na pamumuhay,
08:32ay dapat nandyan
08:33ang ating mga ahensya
08:34ng pamahalaan
08:34maging local
08:35or national man.
08:37Ngayong
08:38nagbalik eskwela na po
08:40ang mga estudyante natin,
08:41Director Chris,
08:42paano po natin
08:43tinuturuan
08:44ang ating mga mag-aaral
08:45at ine-emphasize
08:46sa kanila
08:46yung kahalagahan
08:47ng disaster risk reduction
08:50at preparedness?
08:51Unang-una,
08:54Asak Joey,
08:54nandyan yung ating
08:55Nationwide Simultaneous
08:56Earthquake Drill.
08:57Itong nakaraang
08:58ginanap nating
08:58NSAID,
08:59natutuwa naman po tayo
09:01at napakataas po
09:02nung partisipasyon
09:02ng ating mga paaralan
09:03sa iba't-ibang bahagi
09:04ng ating bansa.
09:05So, nandyan na po yan.
09:07Quarterly po
09:07nating ginagawa yan.
09:08Ikalawa po,
09:09doon sa ating
09:10RA 10121,
09:11nakalagay po doon
09:12na meron tayong
09:13obligasyon,
09:13nakamandato sa
09:14Office of Civil Defense
09:16na maging bahagi
09:17ng curriculum
09:18ng pag-aaral
09:19ng ating mga estudyante
09:20ang ganitong
09:21Disaster Response,
09:22Preparedness,
09:22at Resilience.
09:23So, tayo po
09:24ay nakikipag-ugnayan
09:25sa DepEd,
09:26sa iba't-ibang
09:27mga ahensya
09:28ng ating pamalaan
09:29na may kinalaman
09:30sa edukasyon
09:31upang tayo ay
09:32maging bahagi
09:33ng educational curriculum
09:34ng ating mga paaralan.
09:36At nagsaganon,
09:37sa level pa lang
09:38ng ating mga estudyante
09:39ay meron na silang
09:40awareness,
09:41meron na silang
09:42supesyenteng impormasyon
09:43upang sila din
09:44ay alam nila
09:45sa kanilang mga sarili
09:46kung ano ang dapat gawin
09:47sa panahon ng sakuna.
09:49Sir,
09:50meron naman,
09:50pagdating naman sa nakararami,
09:52meron po ba kayong
09:52libreng pagsasanay
09:53na inaalok sa publiko
09:55tungkol sa
09:55Emergency Response
09:57at Disaster Preparedness?
09:58Gaano po kadalas ito
09:59at ano-ano po
10:00ang mga training na ito?
10:03Saka sa kuyan,
10:04asekuyan,
10:05meron po tayong
10:05binibigay ng mga
10:06libreng pagsasanay
10:07sa pamamagitan ng ating
10:09education training programs.
10:11Isa na po dito
10:11yung community-based DRRM natin
10:13na nagpapalayong palakasin
10:15ang kahandaan
10:16ng ating mga barangay.
10:17Ang sadya po natin dito,
10:19yung pinaka-basic
10:21na istruktura
10:22ng ating pamahalan,
10:23ito po yung barangay,
10:24pinapalakas po natin ito
10:25dahil yun nga po,
10:27pagdating ng sakuna,
10:28sila po talaga
10:29yung nandun na
10:30sa lokasyon.
10:31Dahil kadalasan
10:32ang problema
10:33ng national government
10:35ay number one,
10:36yung access.
10:37Minsan sa tindi ng sakuna
10:39ay hindi natin
10:40mapuntahan
10:40yung mga lugar na apektado.
10:42Kung kaya
10:42ang ginagawa natin,
10:44pinapaiting
10:44at pinapalakas natin
10:45yung mga training programs
10:47natin sa barangay level.
10:48Again,
10:49andun po yung ating
10:50pakikipag-usap
10:51sa DepEd
10:52para maging parte ito
10:53ng mga kurikula,
10:54ng mga paaralan,
10:55alinsunod sa
10:56provisyon ng RA121.
10:58At syempre po,
10:58yung ating pagre-review
11:00ng mga contingency plans
11:02ng bawat LGU
11:04ay nandyan din po
11:05upang sa ganon
11:05matrain natin
11:07ang mga local government
11:08DRRM workers natin
11:10para po alam nila
11:11meron silang
11:12supesyenteng kaalaman,
11:13meron po silang
11:14supesyenteng kagamitan
11:15upang magampanan nila
11:17ang kanilang tungkulin
11:18sa panahon ng sakuna.
11:20Palagi po sinasabi,
11:21Director Chris,
11:22ng ating Pangulo
11:22na ang disaster response
11:24ay whole-of-government
11:26approach talaga.
11:27Pero paano naman po
11:28yung,
11:28in terms of yung
11:30pagpapayabong
11:32ng ating resilience,
11:34paano po yung
11:34pakikipag-ugnayan
11:35ng OCD
11:36sa mga NGO
11:37at sa private sector?
11:41As si Joey,
11:42dyan pumapasok
11:43yung kagandahan
11:44ng ating setup
11:45ng ating
11:46National Disaster
11:46Risk Reduction
11:47Management Council.
11:49Ito ay binubuo
11:50ng 45 membro.
11:53Kasama dito
11:54siyempre
11:54ang ating
11:54national government.
11:55Ang chair po natin
11:56ay ang Secretary
11:57of National Defense
11:58si Gilberto Tidoro Jr.
12:00Secretary din po
12:01ng Department
12:02of National Defense.
12:03Ang mga representante
12:05ng mga liga
12:05ng mga LGU
12:06at ang ating mga CSOs
12:08katulad po
12:09ng Center for Disaster
12:10Preparedness,
12:12DRRNet Philippines,
12:13ang ating World Vision,
12:14pati na rin po
12:15yung Ateneo de Manila
12:16University.
12:17Sa madaling salita po,
12:18yung ating council
12:19ay binubuo
12:20ng iba't-ibang
12:20mga representante
12:22at yung pong ugnayan
12:23sa loob ng council
12:24na ito
12:24ay napakabilis.
12:26Kung mabibigyan po
12:27natin ng halimbawa,
12:28minsan meron tayong
12:29mga regional offices
12:30ng Office of Civil Defense
12:32na hihingi ng tulong
12:33sa ating Philippine Air Force
12:35at yung pong ugnayan
12:36na yun
12:36ay napakabilis.
12:38Minsan magsasapulan
12:39ng mga forest fire
12:41so tayo ay gagamit
12:42ng mga assets,
12:43mga air assets
12:44ng ating Philippine Air Force.
12:46Yung koordinasyon na yan
12:47at yung komunikasyon na yan
12:48sa loob ng NDRRMC
12:50ay napakabilis
12:50at dyan pumapasok
12:51ang kagandahan
12:52ng ating setup
12:53dahil yung mga ganitong
12:55mga,
12:55alam nyo naman,
12:56pagdating sa sakuna,
12:57dapat very timely
12:58ang ating response.
12:59Kung kaya yung linya
13:01ng komunikasyon
13:02sa pagitan ng mga
13:03ahensya
13:03na membro ng NDRRMC
13:05ay napakaganda.
13:07Okay,
13:08minsan nyo na lang po sir
13:09sa publiko
13:09kasabay ng nalalapit
13:10na pagdiriwa
13:11ng National Disaster
13:12Resilience Month.
13:13Salamat po sa pagkakataong to.
13:17Lahat po ay iniimbitahan
13:18ng Office of Civil Defense.
13:20Katuwang ang World Bank
13:21at Ayala Foundation
13:22sa ating 2025
13:23National Disaster Resilience Month
13:25kickoff
13:26na pinamangatang kumikilos.
13:28Ito po ay gaganapin
13:28sa Ayala Mall Circuit,
13:29Makati City
13:30ngayong July 1,
13:32ganap na alauna ng hapon.
13:33Kasama po natin
13:34ang iba't ibang ahensya dito
13:35ng membro ng NDRRMC
13:36sa pangunguna
13:37ni Secretary Gilberto
13:38Judoro Jr.,
13:39Yusek Ariel Nipomoceno,
13:41pati na rin po
13:42yung mga membro
13:42ng NDRMC.
13:43At syempre po,
13:44nandyan po yung ating
13:45panatag Pilipinas Ambassador
13:46na si Mr. Ding Dong Dantes.
13:48Kaya tayo na po.
13:49Sama-sama tayong kumikilos
13:50para sa kahandaan,
13:51kaligtasan at katatagan
13:53ngayong July 1,
13:542025
13:55sa Ayala Mall Circuit,
13:56Makati City.
13:57Salamat po.
13:58Okay, maraming salamat po
13:59sa inyong oras.
14:00Director Chris Noel Bendijo
14:02ang tagapagsalita
14:03ng Office of Civil Defense.

Recommended