24 Oras: (Part 2) Mga isiniwalat ni alyas "Totoy," may kredibilidad at suportado ng mga dokumento at video, ayon sa DOJ; Comelec, binawi ang suspensyon sa pagproklama kay Teodoro; 'di pwedeng ma-dismiss ang impeachment case sa pamamagitan ng isang mosyon at boto ng 13 senador, ayon sa mga House Prosecutor; inabangang pilot episode ng "My Father's Wife," atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Arrestado sa Maynila ang isang Chinese national na nagbebenta o manon ng nakaw na sasakyan.
00:06Nakuhanan din siya ng party drugs at hindi lisensyadong baril. Nakatutok si June Benerasyon.
00:15Baingat at dahan-dahang nilapitan ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group o HPG
00:20ang target ng kanilang entrapment sa Paco, Maynila, kagabi.
00:24Maya-maya pa.
00:26Police, police. Don't go.
00:27Kuli ang Chinese national na inareklamong nagbebenta ng subcompact SUV sa halagang P180,000.
00:37Pero hindi lang sa pagbebenta ng nakaw na sasakyan sabit ang sospek.
00:41Dahil ang inspeksyonin ang gamit niyang luxury vehicle.
00:45Nakita sa loob ang mga party drugs, cocaine, shabu at marijuana na may halagang halos P800,000.
00:52Based din sa informasyon na kuha po natin ay ito pong nahuli po natin yung Chinese national ay isa sa mga supplier na dito po sa Kalakhang, Maynila.
01:02Isinasa ilalim na sa digital forensic investigation ang nakuhang cellphone mula sa sospek para malaman ang mga pinagkukunan niya ng droga at mga taong sinusuplayan niya.
01:12Kasi dun sa ebidensyon na kuha po natin, maraming mga links, ang daming mga tao na pinagbibigyan itong tao na ito, mga pinaglalalagyan, even may mga parokyano tayo dun na Chinese din.
01:25Nakuhalan din siya ng hindi-lisansyadong baril, sasampahan ang sospek ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Anti-Fencing Law.
01:38Sinusubukan pa namin kunin ang kanyang panig.
01:41Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon, Nakatutok, 24 Horas.
01:55Inalmahan ng mga kongresista ang pahayag ni Senate President Chief Escudero na maaaring madismiss ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte
02:05sa pamagitan ng isang mosyon na sasangayunan ng Simpled Majority o labing tatlong senador.
02:14Patutsada ni Congresswoman-elect Elayla Denima, tina may sarili raw versyon ng 1987 Constitution si Escudero.
02:23Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
02:25Nanindigan ang mga kongresista magsisilbing prosecutors sa impeachment trial na hindi maaaring mag-ismiss ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte
02:37sa boto lamang ng simpleng mayorya o labing tatlong boto gaya ng sinabi ni Senate President Chief Escudero.
02:44Hindi na natin naiintindihan. It has been showing that a kind of posturing as if the 1987 Constitution is not there, as if the 1987 Constitution is not clear enough.
02:56Ang katwira ni Escudero, kung may mag-mosyon na i-dismiss ang kaso, simple majority lamang ang kailangan para maipasa ito.
03:05Ang two-thirds vote o boto ng labing-anim na senador na nakasaad sa saligang batas ay kailangan lamang kung pagbobotohan na ay pag-convict.
03:13Kung may simple majority ka to dismiss, for example, then imposible ka na maka-two-thirds. Hindi ba?
03:23Correct.
03:24It's simple math.
03:26Kaya si ML Partynist Representative Elect Laila de Lima, nagpatutsada kay Escudero na tila may sariling bresyon nito ng konstitusyon.
03:34Pwede ba? Huwag niyo namang subukan na sinusubukan nila kung ano-ano mga strategy, mga moves and steps para masabotahe yan, para hindi matuloy yung trial.
03:48That is not what the Constitution has envisioned for the Senate as an impeachment court.
03:55Sang ayon si Sen. Alan Peter Cayetano kay Escudero na pwedeng ibasura ang Articles of Impeachment sa pamamagitan lang ng majority vote.
04:04Pero ang tanong niya, tama ba ito?
04:06The Senate acts through its members and majority wins.
04:13Now just because you can, it doesn't mean you should.
04:16Ayaw rao ni De Lima na hulaan kung ano ang motibo ni Escudero.
04:21Pero marami rao agam-agam na hindi mapawi-pawi.
04:25Hindi maiiwasan yung mga agam-agam na, ano, this is part of a plan.
04:33I don't know if this is coordinated, this is something that is consciously being made by the parties,
04:41meaning the defense and then yung Senators mismo as an impeachment court.
04:49Kinatigan ni Rep. Jervie Luistro na hindi pwedeng ibasura ng impeachment court ang Articles of Impeachment.
04:56Malinawa niya ang konstitusyon na ang trabaho ng impeachment court ay to try and decide o magsagawa ng paglilitis at magdesisyon.
05:05Welta pa ng isang kumirma sa Articles of Impeachment?
05:08Ang malaking tanong, bakit? Anong reason niyo para i-dismiss or i-junk?
05:13Ayaw niyo bang makita o masilip man lang yung mga ebidensya na ipipresenta ng dalawang panig?
05:22Yun ang pinakapatas sa lahat eh. That's why dapat impartial.
05:27Hinihinga namin ang reaksyon dito si Escudero.
05:30Para sa GMA Integrated News, Tina Pangaliban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
05:36Samantala, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulia na may kredibilidad ang mga sinasabi ni Alias Totoy,
05:46ang isa sa mga akusado sa kaso ng missing sabongero na lumuta ngayon bilang whistleblower.
05:53Dagdag ni Remulia, supportado ng video at mga dokumento ang kanyang magiging testimonya.
05:59Nakatutok si Ian Cruz.
06:01Sapat na para sa Justice Department, ang kredibilidad ni Alias Totoy ang akusadong nais tumistigo sa kaso ng mga nawawalang sabongero,
06:12kabilang sa ikinantan niya ang pagpatay sa mga nawawala at paglibing sa kanila sa Taal Lake.
06:17Ang motibo na pandaraya at pamimirata pa ng ilan sa isabong at ang dami ng biktima na aabot sa sandaan.
06:25Incredible enough. And sabi ko nga, hindi lang naman testimonya, meron siyang mga dokumento na saka may video pa nga na hawak na magpapatunay sa sinasabi niya.
06:36Papasad mo siyang state witness?
06:39Step by step yan. Basta that will be left for the prosecution to pave the way for this to happen.
06:46Ayon kay Rimulya, maituturing na makapangyarihan at mayaman ang sindikato ng mga sabongero na'y kinuturo ni Alias Totoy.
06:55Dalawang po ang isinangkot nito sa core group.
06:58Pakilala yan. Pero hindi natin pwedeng i-reveal pa. Kasi nakik-casebuild na pa rin tayo.
07:03May grupo yan kasama pero meron talagang corporate setup yung prinsipal natin na kumikilos.
07:12Bukod sa organisado, malalim rin ang kapit ng grupo.
07:15Mayroon pa tayong grupo ng police officers na involved. Hindi ito. Basta-basta. Some of them, government officials.
07:23Minsan na rin anyang nagmalaki ang mastermind na hanggang Korte Suprema ay may impluensya sila.
07:30Basta yung sinasabi ng mastermind, narinig ko yung kanyang ano, in his own words, kaya natin niya. Kahit Supreme Court daw, kaya niya.
07:40Sinasabi niya. Kaya kakausapin natin ng Chief Justice.
07:42We will tell him what are the things that are hindering our way through this. Kasi nga, ang bigat talaga na kalaban sa dami ng pera.
07:50Ang Korte Suprema, hindi para makakapagkomento. Ayon sa tagpagsalitane sa Atty. Camiltine dahil hindi pa naman nila nakakaharap si Sekretary Remulia kaugnay sa bagay na ito.
08:02Sa pananaliksik ng GMA Integrated News Research, umaabot sa halos 6 na bilyong piso ang kita ng isabaw mula March 2021 hanggang May 3, 2023, base sa datos ng pagko.
08:15May 2022 nang ipahinto ni nating Pangulong Duterte ang isabong dahil anya sa social cost nito sa buhay ng mga Pinoy.
08:26December 2022 naman nang pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 9 na nagsasabing iligal ang isabong.
08:34Sa ngayon, naghahanda na ang Department of Justice sa paghahanap sa mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
08:41Kausap na nito ang Japan ukol sa tagdag na kapabilidad sa underwater search.
08:46In the Japanese government for assistance here, pero meron naman tayo mga remote of vehicle sa DNR na pwede rin gamitin.
08:54But the technical expertise and experience, yung kulang tayo.
08:57Yung sa Japan sir, ano yung kukuling sa Japan na...
08:59Well, we will ask them to provide us also with equipment.
09:04Para naman makakalap ng dagdag impormasyon, ay nakipag-ugnaya na ang CHR Calabar Zone at Investigation Office
09:12sa Criminal Investigation and Detection Group ng Batangas Police at Coast Guard Substation sa Talisay, Batangas.
09:20Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatuto 24 oras.
09:25Nainquest na ang incumbent barangay captain sa Quezon na inaresto ng NBI Lucena.
09:31Makakarapan suspect sa reklamong illegal possession of firearms matapos mahulihan ng iba't ibang armas kabilang ang isang walaumanong lisensya.
09:39Sangkot din naman o sa patayan sa provisya ang barangay official.
09:43Pagtatama lamang po mga kapuso, taga Sariaya Quezon ang suspect at hindi taga Lucena, gaya ng aming iniulat kahapon.
09:54Takaw disgrasya dahil halos tumagilid na ang isang poste ng kuryente sa kabaratuan.
09:59Idinulog yan sa inyong kapuso action man.
10:02Natibag na ang simento malapit sa pundasyon at nawala na sa tuwid na pagkakatayo ang posting ito ng Kabanatuan Electric Corporation o Cell Corps sa Maharlika Highway sa Barangay Bangad, Kabanatuan City.
10:19Ang nakababakalang sumbong ng isang concert citizen sa inyong kapuso action man.
10:24Halos bumigay na ang poste dahil sa mga tumabinging bakal nito.
10:28Mahigit isang taon na raw yung problema sa lugar na madalas pa namang daanan ng mga motorista at pedestrian.
10:33Bilang remedyo, pansamantala muna itong tinukuran ng isa pang poste.
10:40Dumulog ang inyong kapuso action man sa Kabanatuan Electric Corporation.
10:44Ayon sa Cell Corps, nasira ang poste dahil sa isang vehicular accident.
10:50Naapektuhan daw ng mainit na panahon itong Abril at Mayo ang pagtatakda ng schedule para mapalitan ang poste.
10:55Mas kinailangan din daw nilang tutukan na makapagsagawa ng maintenance activities para mabawasan ang power interruptions sa kanilang nasasakupan.
11:03Makaraan ang pagkaantala na palitan ang poste nitong 24 ng Kunyo.
11:07Mission accomplished tayo mga kapuso.
11:14Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
11:18o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, Karnasama Revenue, Diliman, Quezon City.
11:23Danso na magreklamo, pang-aabuso o katewalian.
11:26Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
11:29Binawi na ang suspensyon sa pagproklama kay Marikina Outgoing Mayor Marcy Teodoro
11:37bilang kinatawa ng unang distrito ng Lungsor.
11:41Pero may hinihintay pa para maging pinalyan.
11:44Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
11:46Mahigit isang buwan matapos ang eleksyon,
11:52binawi na ng Commission on Elections
11:53ang suspensyon sa pagproklama kay outgoing Marikina Mayor Marcelino Teodoro
11:59bilang kongresista ng 1st District ng Marikina City.
12:03Pero maari lang siyang maproklama sa oras na maging final ang desisyon
12:07sa loob ng limang araw at kung walang temporary restraining order
12:11na ilalabas ang Korte Suprema.
12:13Nakakasama po yan doon sa limang araw.
12:16Nahihintayin upang ang desisyon ng Comelec and Bank
12:19ay maging final and executory.
12:22Tsaka palang papasok yung City Board of Canvassers
12:24upang magproklama nung nanalo naman na kandidato.
12:29Dahil five working days ang bibilangin,
12:32wala pang kongresista ang Marikina 1st District sa June 30
12:35o simula ng termino ng mga bagong halal na opisyal.
12:39Ayot sa Comelec, pwede pa dumulog sa Korte Suprema
12:42ang nakalaban sa eleksyon ni Teodoro
12:44at petitioner sa kaso na si Senador Coco Pimentel.
12:47Kaya sabi ni Teodoro, hihintayin niyang maging pinal
12:51ang desisyon ng Comelec bago manumpas sa pwesto.
12:53Ang desisyon ng Anbank ay nagbaliktad sa pagkating ng Comelec 1st Division
12:59sa disqualification cases na kumukustyon sa pagiging residente ni Teodoro
13:04ng 1st District ng mahigit isang taon.
13:07Sabi ng Anbank ngayon na natili namang domicile
13:11o itinuturing na tahanan ni Teodoro ang distrito.
13:14Yung domicile of origin, diyan ka pinanganak, diyan ka lumaki,
13:16diyan ka practically, diyan ka natumanda sa lugar na yan.
13:20So long as meron ka pang intensyon lagi bumalik at bumalik doon
13:23sa pinanggalingan mo, yung pa rin ang domicile of origin mo.
13:27Sa isang statement, kinivasyon ni Pimentel kung bakit inabot
13:30ng 6 na buwan bago inilabas ng Comelec ang desisyon.
13:34Sagot naman ng Comelec, inabot daw ito ng pagre-retiro ng dalawa
13:37sa kanilang commissioners bukod pa sa mga gawain nila nitong eleksyon.
13:41Dagdag pa ni Pimentel, kung pwedeng baliwalain ang residency requirement
13:46na nakasaad sa konstitusyon, ano raw ang makipipigil sa iba
13:50na manipulahin ang sistema, aniya gagamitin niya
13:54ang lahat ng legal na remedy laban sa desisyon.
13:57Sinabi naman ni Teodoro na naipakita niya na hindi siya
14:00nagsinungaling sa kanyang certificate of candidacy
14:03at hindi niya inabando na ang kanyang domicile sa 1st District
14:07na ipakita raw niya ang koneksyon sa barangay San Roque
14:11at napatunayan ang kanyang paninirahan doon.
14:15Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.
14:21Inisa-isa ng grupo ng mga biktima ng Duterte Drug War sa ICC
14:25kung bakit tutol sila sa hinihinging interim release
14:28ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
14:31Kabilang diyan ang posibleng banta mula kay Duterte
14:33at sa kanyang mga taga-suporta.
14:35Nakatutok si Oscar Oida.
14:41Hindi napigilang maging emosyonal ng ilang kaanak ng umunin mga biktima
14:45ng extrajudicial killings habang inihimlay ang mga abo
14:48na kanila mga yumaong mahal sa buhay
14:50sa dambaran ng paghihilom sa Laloma Catholic Cemetery