- 7/3/2025
24 Oras: (Part 3) Kotse, nasira nang sumabog ang mainline ng Maynilad; stage ng pageant, nasunog, mga kandidata, tinuloy ang pagrampa; pagsundo ng mga "Retre" sa "Sang'gre," ni-reenact ng fans gamit ang mga gamu-gamo; "Sanggang Dikit FR" cast, namasyal sa Italy at Switzerland habang naka-break sa taping, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you so much for joining me!
00:06I'm your Kuya Kim, and I'm going to give you a trivia for trending news.
00:10One pageant in Batangas is the stage.
00:13How do you end the stage?
00:14How do you end the stage?
00:19Naging mainit ang puksaan sa viewcon o beauty contest na ito sa Palayan, Batangas.
00:27Maliban kasi sa hot na hot ang mga kandidata, ang kanilang stage literal na nagliliyab.
00:33Hindi ko po yung next na nagkaroon ng abariya.
00:36Ang sinindihan kasi nilang pyrotechnic, umabos sa telang nakabalot sa stage.
00:41Rason para ito'y basunog.
00:42Sobrang nataranta po ako.
00:44Siyempre po, inisip po po talaga agad yung mga candidates kung meron po bang masasaktan.
00:48Pero kahit ganun ang ksena, ang mga kandidata tinuloy ang aura.
00:52Sa sobrang puksaan ng time na yun, parang nadadman na po namin yun.
00:57Literal po talagang the show mas low on.
01:00Sa mga insidente gaya nito, ano ba ang dapat gawin?
01:03Kuya Kim! Ano na?
01:05Ang pagsiklab ng sulog sa isang mataong event, lubang delikado.
01:09First and foremost nyan is superficial burns.
01:12Hindi rin mawawala yung possible smoke inhalation injury.
01:16At kung sakali raw na magkagulo ang mga audience...
01:18Pwede rin tayo magkaroon ng musculoskeletal injury secondary to stamping.
01:25Kaya payo ng mga eksperto.
01:26Immediately, we have to clear the stage.
01:29And as a planned event, dapat yan may mga taong nakastandby.
01:35Andyan ang ating mga fire suppression team.
01:38Dapat andyan din ang ating mga medical team.
01:41At kung sakali manggagamit ng pyrotechnics, dapat siguraduhin digtas ito.
01:45Dapat ito ay galing sa DTI approved ng mga stores.
01:49The location of the pyrotechnic should be away from the crowd, at least mga 35 meters.
01:55Samantala, balik tayo sa pageant.
01:57Sa kabila ng nangyaring sunog sa stage, si John Dave, grace under pressure ng atake.
02:02Dapat po, kalamado ka tapos.
02:04Iisipin mo din po yung safety mo.
02:07Mabuti na lang at hindi kumalat pa ang apoy at agad din naapula in a Rangel.
02:12Wala naman po nasaktan.
02:13Nais ko lang po humingi ng audit.
02:15Pasensya ko sa nangyari.
02:16Hindi po talaga natin pag-iisipan bawat bagay.
02:20At sa pagtatapos ng gabi, si John Dave sumakses sa kinurunahang Reina.
02:25Sobrang happy ko po.
02:26Grateful po.
02:27Napakagandang opportunity.
02:28Ang paggamit ng mga pyrotechnics sa mga event at selebrasyon.
02:31Nakakadagdag naman talaga ng ganda sa ating pagdiriwang.
02:34Kailangan lang talaga ng iba yung pag-iingat para mas lalo nating ma-appreciate ang ganda nito.
02:40Pero may idea ba kayo kung kailan unang ginamit ang mga ito?
02:47Ang mga pyrotechnics unang ginamit sa China sa pagitan ng 600 hanggang 900 AD.
02:52Ito yung nang maimbento nila ang explosive gunpowder.
02:55Sa paghalo nila ng nitrate, charcoal at sulfur, nakagawa sila ng itim na powder
02:59na sumasabog kapag nilalagay sa maliliit na bamboo tubes.
03:02Dito nagsimula ang mga pyrotechnics na ginagamit natin ngayon.
03:06Sa matala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
03:09ay post or comment lang,
03:10Hashtag Kuya Kim, ano na?
03:12Laging tandaan, kimportante ang may alam.
03:14Ako po si Kuya Kim, masagot ko kayo 24.
03:17Umakyat na sa mahigit tatlong daan ang sumama ang pakiramdam
03:23dahil sa masangsang na amoy sa Sibalom Antique ayon sa kanilang PDRRMO.
03:28Sa ulat ng Super Radio Iloilo,
03:31suspendido pa rin ngayong araw ang face-to-face classes
03:35sa Pisanan National High School at Pisanan Central Elementary School.
03:39Sabi ng Department of Education Antique,
03:42e wala pang itinaktang petya ng pagbabalik ng face-to-face classes
03:46dahil kailangang matiyak muna na ligtas at walang banta sa kalusugan
03:51sa paligid ng mga paaralan.
03:53Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office,
03:56mahigit dalawang daan ang isinugod sa ospital
03:59matapos himatayin, manikip ang dibdib at magsukah ang ilang estudyante
04:05na natiling nasa red alert status ang Provincial Operations Center dahil sa insidente.
04:11Patuloy rin ang environmental monitoring at toxicology tests
04:15ng Health Department at ng iba pang ahensya
04:18para matukoy ang pinagmulan ng amoy.
04:21Iimbestigahan din ang umunoy palaya na nagsagawa ng spraying.
04:25Aabot sa halos apat na milyong pisong halaga ng iligal na vape products
04:31ang nakumpiska sa Paranaque.
04:32Ayon sa NBI, Cavite North District Office,
04:35hindi reyestrado at may tutuling na unregulated at substandard
04:39ang vape products dahil hindi dumaan sa DTI.
04:42Online umano nakikipagtransaksyon ng dalawang na arestong
04:45nagbebenta ng produkto.
04:47Maharap sa asunto ang dalawa na sinusubukan pa naming makuha ang panic.
04:52Tinamaan ang isang kotse ng pagsabok ng isang tubo ng Maynilad sa Alabang, Muntinlupa.
04:59Binaharin ang lugar at nawala ng supply ng tubig ripo.
05:03Nakatutok si Mark Salazar.
05:05Alas 11.30 kanina, sumabog ang main line ng Maynilad sa Elaya Street, Alabang, Muntinlupa.
05:15Wrong timing ang pagdaan ng kotse ito na inabutan ang napakalakas na bulwak ng tubig
05:20mula sa sumabog na 200mm PVC pipe ng Maynilad.
05:24Ang kinakatakot namin baka magtuloy-tuloy yung kotse lumubog.
05:31Ang laki!
05:32Ang lakas ng bulwak ng tubig.
05:36Naperwisyo ang kotse pero para sa mga residente,
05:39isinalba sila nito sa nagtalsik ang debris nakasama ng tubig.
05:43Wala namang report sa Muntinlupa City Government na nasaktan sa insidente,
05:54kahit ang dalawang sakay ng kotse na nailabas din.
05:57Buti na lang may sasakyan na ano, na tsempong-tsempong tinamaan yung sasakyan.
06:05Kasi kung hindi, sasabog ang ano yung pinaka-tubig niya.
06:11Limang lugar sa Alabang na agad na wala ng water supply
06:14ang Ilaya, Montellano, Timolino, Wawa at Purokuno.
06:18Pero pinakamalaki ang perwisyo sa mga binahang establishments malapit sa pagsabog.
06:24O, bigla eh. Wala. Segundo nga lang. Puno ito eh.
06:27Hindi na magdali yung electric pan. Ito.
06:29O, baka o.
06:31Yung rep niyo?
06:32O, electric pan. Ay, yung rep.
06:34Pinapot din?
06:35Hmm.
06:36Iniimbestigahan na ng Maynila dang nangyari at kinukumpuni ang nasirang tubo.
06:41Bandang alas 2.30 ng hapon, bumalik ang water service sa mga apektadong lugar.
06:47Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
06:54Mga kapuso, dumaan na rin ba sa inyong mga feed ang mga retre?
07:01Niri-enact kasi ng ilang netizen ang pagsundo ng mga yan sa mga taga-encantadya,
07:06pero ginamitan nila ng gamo-gamo.
07:09Si Perena Glyza di Castro naman, nakipag-duet sa OG singer ng Encantadya theme song
07:14with new lyrics na siya ang sumulat.
07:16May chika si Nelson Canlas.
07:18Sa bawat pamamaalam ng mga minahal na karakter sa Encantadya,
07:31nagpapakita ang mga tinatawag na retre o mga paru-paru.
07:37Ipinadala sila ng bathalang si Emre para dalhin ng ibtre o kaluluwa ng mga mabubuting engkantado sa devas.
07:49Pero sa pagpasok ni Nasangre Danaya at Sangre Pirena sa mundo ng mga tao,
07:55tila sumulod daw ang mga retre ayon sa netizens.
07:59Ganap kung ganap alasangre danaya ang netizens na ito habang itinataboy ang mga retre.
08:11Este, gamo-gamo.
08:13Encantadya, low-budget edition naman ang atake ng netizens na ito
08:25with matching paghiga sa sahig habang may retreval operation.
08:34Ang isang ito naman, stress at pagod na raw sa work,
08:37kaya sinusundunan ng mga retre.
08:40Ang isang solid Sangre Amihan stan,
08:46nag-evictus daw sa Tay-Tay Rizal.
08:53Hindi siya kambaldiwa ng brilyante,
08:56kundi si Sangre Habagat.
09:04Naka-DIY costume pa at ready to fight,
09:08pero nang marinig ang budots,
09:14haba, bumataw muna.
09:18Ang kanyang pag-aura tuloy na unsyame,
09:21nang habulin siya ng isang pashneya.
09:24Ang kakulitan ng Encantadix,
09:30nakikita raw sa feed ng Sangres gaya ni Glyza de Castro.
09:36Patunay daw ito na marami ang nakaka-appreciate sa kanilang telepantasya
09:40at binibigyan ng effort ng mga manonood na gumawa ng memes.
09:46Nakakatuwa na na-inspire sila,
09:48kasi whatever reactions and scenes na nire-recreate nila,
09:54parang, uy, at least nagaroon ng magandang inspirasyon or reaction from them.
10:02Ang dami-daming na-inspire ng Encantadix,
10:04diba, sa ilang dekada.
10:06Isa rin daw si Glyza sa mga na-inspire sa ENCA.
10:12Kaya nakasulat siya ng kanta.
10:14Goosebumps moment daw para kay Glyza,
10:17ang makajaming sa team song ng Encantadix Chronicles Sangre,
10:21si Bayang Barrios na kumanta ng OG song ng Encantadix.
10:27Nagulat ako kasi ang laki ng set-up.
10:30Merong kulintang, merong chimes and everything.
10:34Parang, parang kung ano, parang nasa devas bigla na.
10:38Marami raw ang nagtatarong tungkol sa kanta na tumatak na sa maraming kapuso.
10:45Ang dating naririnig nating pag-chantlang ni Bayang,
10:49nilagyan ni Glyza ng karagdagang lyrics
10:52para bigyan ng parimbagong buhay ang awit.
10:55Tadhana.
10:57Hindi po uwe.
10:592005, 2016.
11:02Ang naririnig lang natin lagi is,
11:05uwe, uwe.
11:06Tapos ano lang siya, in-explain siya sa akin ni Ms. Bayang
11:09kung ano yung story behind it.
11:11Parang siyang kalikasan na nasira.
11:14Yun yung description sa kanya ng composer.
11:17Parang nag-chunt lang talaga siya, freestyle lang talaga siya.
11:20And then ako naman, bilang nasira yung kalikasan,
11:24gusto ko pa rin lumaban.
11:27Gelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
11:32Nasawi matapos pagtatagain ng sarili niyang tsuhin ang isang binata sa Asturias, Cebu.
11:38Dead on arrival ang 18-anyos na biktima
11:41habang kritikal ang dalawa niyang nakababatang kapatid na tinagarin ang suspect.
11:45Ayon sa polisya, nangyari ang krimen habang natutulog ang magkakapatid kahapon na madaling araw.
11:51Batay sa investigasyon,
11:52naghihinala ang 46-anyos na suspect na may relasyon ang biktima at kanyang nisis.
11:58May alitan din umuno ang suspect at mga biktima.
12:01Nakakulong na ang suspect matapos sumuko sa isang lokal na opisyal.
12:05Isinuko niya rin sa polisya ang ginamit na itak.
12:10Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kanya umunong kapat session sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
12:17Sa salaysay ng saksi, pumasok ng bahay na ginagawang drug din ang biktima.
12:22Nakarinig umano ang saksi ng pagtatalo na sinundang ng putok ng baril.
12:28Nang sumilip siya sa bintana, nakita niyang binubuhat na ng may-ari ng bahay at kaibigan nito
12:34ang bangkay ng biktima palabas ng bahay.
12:37Arestado ang dalawa na napag-alamang nilinis din ang crime scene.
12:41Nakatakas naman at hinahanap pa ang bumaril sa biktima.
12:45Ayon sa mga inaresto, nag-away ang biktima at ang sospek dahil sa sigarilyo.
12:52Itinanggin nilang nagpa-patch session sila nang mangyari ang krimen.
12:56Para maging abot kamaay sa ordinaryong Pilipino ang pag-invest sa stock market,
13:02ibababa na ng isang batas ang buwis para sa stock transactions.
13:06Nakatutok si Dano Tingkuko.
13:08Meet Chelsea. 24 years old pa lang pero apat na taon nang nag-iinvest sa stock market.
13:17Ito yung market kung saan ang binibili ay share o bahagi ng isang kumpanya
13:22para pwede ka rin makatanggap ng kita nila depende sa laki ng binili mong share.
13:26Dati ng gustong basagi ng gobyerno at Philippine Stock Exchange ang maling akala na pangmayaman ang pag-invest sa stock market.
13:50Pwedeng mag-invest ang kahit sino kahit hindi ganun kalaki ang puhunan.
13:54Kabilang sa lalong makatutulong ang pagiging efektibo ng Capital Markets Efficiency Promotion Act o SIMEPA simula nitong July.
14:02Pabababain niyan ang tax para sa stock transactions.
14:05For a first time investor, buying a 10,000 peso worth of stock, this means paying 10 pesos in tax instead of 60.
14:14This will encourage more Filipinos to invest in our capital markets.
14:19Ang binanggit na yan ng Pangulo ay ang stock transaction tax na mula sa dating 6%, 1% na lang.
14:25Ipinantay na yan sa stock transaction tax ng ibang bansa sa ASEAN.
14:29Finally, making us competitive with our regional peers in terms of friction costs.
14:36Friction costs has an influence on an exchange's trading volume.
14:41Mas mababa na rin ang buwis para sa unlisted shares o capital gains tax pati ang documentary stamp tax.
14:47At para simple na lang, hindi na iba-iba kundi plakado sa 20% ang final withholding tax sa interes sa iba't ibang klase ng passive income tulad ng time deposit, trust fund at iba pa.
14:58The reform is not just for well-off, it is for every Filipino who dreams of better financial security.
15:05This act allows Filipinos to be true participants in our nation's economic growth.
15:11Iniutos din ang Pangulo sa SEC na simplehan at alisin ang burokrasya sa pagbabayad ng buwis sa stock market trading.
15:18Sabi ng Stock Exchange, mainam ang ganitong mga paraan para mapalago ng mga Pilipino ang kanilang pera kesa masayang lang.
15:25We must also continue to find more ways to get more people to invest in the stock market instead of spending for non-essentials or throwing their hard-earned money on online gambling.
15:40Dahil sa bagong batas, mas may inganyo raw si Chelsea na dalasan ang pag-invest lalot mas maliit na ang kaltas na buwis sa bawat beses na magtitrade siya.
15:49Pero payo pa rin niya sa mga kapwa Gen Z.
15:52Please, please, research first so that you can have the maximum gains when you're investing.
15:59Para sa GMA Integrated News, dahan natin kung ko nakatutok 24 oras.
16:04Arestado ang tatlong delivery boy sa Antipolo City na nagnanakaumanon ng mga produktong kanilang idedeliver.
16:11Nakatutok si EJ Gomez.
16:13Himas Rejas ngayon ang tatlong delivery boy sa Antipolo City dahil umano sa pagnanakaw sa ilang produktong iyahatid dapat nila sa mga sari-sari store.
16:27Ayon sa pulisya, bumiyahi mula sa warehouse sa Pasig ang mga sospek sakay ng truck para mag-deliver ng mga item.
16:34Bigla na lang daw silang huminto at nagbaba ng mga kahon sa isang bahay sa barangay Santa Cruz.
16:40Nasaksihan daw ito mismo na nagmanman na auditor ng kumpanya.
16:44Dahil may sospek na sila na during inventory ay laging kulang, minabuti nila na manmanan at sundan yung kanilang ampliyado na supposed to be mag-deliver ng mga assorted products.
16:57True enough, yung kanilang hinala ay biglang huminto sa isang lugar.
17:03At habang binababa ina-unload nila yung mga assorted products ay kinukunan nila ng video recording.
17:13Sa follow-up operation, na-aresto ang mga sospek.
17:16Na-recover sa kanila ang limang box ng assorted products kabilang ang gatas, kape, juice at seasoning.
17:24Nagkakahalaga ang mga ito ng mahigit 15,000 piso.
17:27Itinanggi ng mga sospek ang pagnanakaw.
17:30Hindi po totoo yun. Napagbintang lang po kami. Ano lang po yun. Malimparatang lang po.
17:35Hindi po totoo yun. Beliver lang kami ba?
17:38Hindi po yung totoo man. Wala po ka naman. Bago lang po ako. Pahinante lang po ako.
17:43Maharap sa reklamong qualified theft ang mga sospek na nakadetain sa Antipolo Police Custodial Facility.
17:50Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
17:56Bistado sa isang warehouse sa Paco, Maynila ang mahigit 10 milyong pisong halaga ng karne at sibuyas.
18:03Nakatutok si Rafi Tima.
18:05Mahigit 10 milyong pisong halaga ng hinihinalang smuggled ng mga karne at sibuyas ang tumambad sa mga operatiba
18:15ng Philippine Coast Guard at National Bureau of Investigation sa warehouse na ito sa Paco, Maynila.
18:19Ayon sa PCG, noong isang ligu pa rin nila ito minamanmanan at ngayong araw nabigan sila ng otoridad para pasukin ito.
18:26Ito po ay na-issue po ng ating Malacanang na nagbibigay sa amin ng authority
18:31to conduct po ng pagpasok po rito sa bodegang ito that we suspect to contain.
18:37And certainly nakita nyo naman na may mga frozen meat at agricultural products, onions, meat products po
18:43that certainly po yung sa mga markings niya are definitely important.
18:47Anila walang naipakita ang kaukulang papeles ang caretaker na inabutan ng raiding team.
18:52Maging ang mismong cold storage facility, wala umanong kaukulang papeles.
18:56Dagdag na mga otoridad, hindi masabi ng caretaker kung mga supermarket o mga restaurant
19:01ang kumukuha ng mga produkto sa warehouse na ito.
19:03Siyan daw din ni-deliver yun, hindi mo ba natin?
19:05Hindi ko alam, hindi ko alam.
19:07Maraming kumukuha ng truck?
19:09Depende lang po, kasi kadalasa lang po kukuha lang sa sakyan.
19:13Alam po.
19:14Bibigyan ang may-ari ng warehouse at mga umuupas sa cold storage facility ng 24 oras
19:19para magpresinta ng kaukulang papeles.
19:21Kung wala, ituturing na ang mga ito ng mga smuggled at kukumpiskahin ang pamahalaan.
19:26Violation ito ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
19:30Oo, napakalaking kaso nito, walang piyansa ito.
19:35Pag naisampan natin, pag na-reach yung amount ng 10 million pataas,
19:43wala pong bail po itong kaso na ito.
19:46Mag-iang mga parok kena ng cold storage facility na ito,
19:48ahabulin din at kakasuhan ayon sa NBI dahil sa pagtangkilik ng hinihinalang smuggled na produkto.
19:54Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 oras.
19:59Hanggang sa ibang bansa, nagpakita ng kakulitan si Dennis Trillo kasama ang asawang si Jeneline Mercado
20:10at co-star sa Sanggang Dikit for Real.
20:13At pinasaya rin nila ang mga kapu sa abroad.
20:16Makichika kay Aubrey Carampel.
20:18Sa episode ng Sanggang Dikit for Real,
20:25napasabak sa isang mapanganib na rescue mission ang karakter ni Dennis Trillo at Jeneline Mercado,
20:32National Lieutenant Toño Conde at Sergeant Bobby Enriquez.
20:36Ito ay para iligtas mula sa kidnappers ang anak ni Mayor Guerrero played by Roy Vinson.
20:42Sumakses naman sila sa kanilang misyon matapos ang makapigil hiningang aksyon.
20:48Ang matinding fight scenes, di lang sa Pilipinas ginawa ng kapuso couple,
20:53kundi sa Milan, Italy at Zurich, Switzerland.
21:01Ang Denjen, di lang sanggang dikit sa aksyon, kundi pati sa comedy.
21:09Tulad sa videong ito, nakilig na sana sa holding hands while walking.
21:13Pero, may third wheel pala.
21:16Ganito naman daw ang technique for a perfect candid shot.
21:20Tumawa-tawa at kumandikan dirin.
21:23At para sa kakaibang dating experience, sinubukan din nila ang toboggan ride sa Switzerland.
21:29Siyempre, may family pasyal time din with Dylan.
21:34And to complete their Europe and Dubai work trip, nagpasaya rin sila ng Global Pinoy.
21:40Sa Milan, nagkaroon sila ng meet and greet at a mini press con,
21:44kung saan game nilang sinagot ang mga tanong from our kapuso overseas.
21:49Sa Zurich naman, dumalo sila sa Philippine Festival 2025,
21:59kasama ang kanilang sanggang dikit for real co-stars na si Najoros Gamboa at Lizelle Lopez.
22:05Sa kanila namang final stop sa Dubai, dumalo naman sila sa Global Filipino Career and Entrepreneurship Summit 2025.
22:13This time, kasama na si Allen Dizon.
22:16Unforgettable nga for Dennis and Jeneline ang kanilang work trip together.
22:21Gusto namin magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta diyan at tumulong sa amin sa Milan.
22:26Mga kababayan natin sa Milan at sa Zurich, maraming salamat sa iyo.
22:30At syempre, dito rin sa Dubai, maraming salamat.
22:32At first time namin na-imbitahan sa ganitong klaseng talk sa pag-explain ng mga negosyo.
22:40Kaya marami rin kami natutunan at sana marami rin silang natutunan sa amin din.
22:45Aubrey Carampel, updated di showbiz happening.
22:51And that's my chica this Thursday night.
22:53Ako po si Ia Arellano.
22:54Miss Vicky, Emil.
22:56Thank you, Ia.
22:57Salamat, Ia.
22:58At yan ang mga balita ngayong Webes.
23:01Ako po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
23:04Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
23:06Ako po si Emil Subangyo.
23:07Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
23:11Nakatuto kami 24 oras.