Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/26/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para naman po sa mga nakatanggap pa rin ng scam messages o kahinahinalang link,
00:06abay may Facebook group na kung saan po pwede tayong magsumbong.
00:10Nakamonitor din doon ang polisya para maaksyonan agad ang mga reklamo.
00:14Balitang hatid ni Dano Tingkungko.
00:20Pikon na pikon ka na ba sa mayatmayang scam na natatanggap mo
00:24mula sa mga texts na may link na nag-aalok ng credit card
00:28o nagbabantang isasara ang bank account mo kung hindi mo ikiklik hanggang sa mga alok na trabaho.
00:34Ang iba nga gumagamit pa ng deepfake na mga personalidad na nag-e-endorso ng serbisyo o produkto.
00:40Pinakahuli ang paggamit sa peking video ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:45Kung noon pwede lang mag-report sa Facebook page ng PNPACG o Anti-Cyber Crime Group,
00:51ngayon may dedicated Facebook group na tututok sa mga scam lang para hindi humalo sa ibang sumbong.
00:58Ang Scam Vault PH na binuo ng PNPACG at grupong Scam Watch Pilipinas.
01:03Dito pwedeng mag-post ng screenshots at link ng mga kahinahinalang posts
01:08na ituturing ng PNP na timbre para aksyonan sila.
01:11First multiplier, para at least directo ang may bibigay na natin kay PNPACG.
01:17I-share niyo yung link, yung screenshot. Importante yung link para at least mapatake down.
01:24Sila mismo ang naikipag-ugnayan sa social media site para maalis yan.
01:29Sana immediate na meron sila community standards na sinusunod.
01:34Sana there must be a regulation on that.
01:37And another thing is for them to have physical office here in the Philippines
01:43para magkaroon talaga ng accountability.
01:47Marami-rami na rin daw ang nahuhuli at napapakulong ng PNPACG
01:52kaugnay sa mga paglabag sa Cybercrime Act.
01:55Mula December 2024 hanggang June 2025,
01:58sa 608 na inaresto, 116 na ang nahatulang guilty.
02:05Dan atingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended