Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binawi ng isang nagpakilalang alias Rene ang mga dating aligasyon niya laban kay Pastor Apolo Quibuloy at sa mag-amang Duterte, kiit niya.
00:08Binayaran umunong siya ni Sen. Riza Ontiveros noon para tumistigo sa Senado.
00:12Itinanggiyan ni Ontiveros.
00:14Balitang hati ni Sandra Aguinaldo.
00:16Pebrero noong nakaraang taon, nang iharap ni Sen. Riza Ontiveros sa pagdinig ng Senado ukos sa mga umunay pang-aabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ,
00:30ang isang lalaking nakatakip ang muka at pinakilala bilang si Alias Rene.
00:36Si Alias Rene ay jardinero raw sa Glory Mountain property ni Pastor Apolo Quibuloy sa Davao City,
00:42na nakaranas daw ng pananakit sa kamay mismo ni Quibuloy at sekswal na pang-aabuso sa ibang miyembro ng KOJC.
00:50Pero isa sa pasabog na pahayag noon ni Alias Rene,
00:53ang nasaksihan raw niya nang dumalo-umuno kay Quibuloy sinadating Pangulong Rodrigo Duterte at noy Davao City Mayor Sara Duterte.
01:01Minsan po pumupunta din po doon si former President Rodrigo Duterte at former Mayor Davao Mayor Sara Duterte.
01:12At pag umaalis na po sila doon sa Glory Mountain, dala na po nila yung mga bag na siya pong bag na nilalagyan po ng mga baril.
01:21Nakita mo ng sarili mong mata na inilabas ang laman ng mga bag at ang lamang ito ay mga baril na iba't ibang klase?
01:31Yes pa, Madam Chair.
01:32Pero ngayon sa isang video na pinost sa YouTube at Facebook account ng isang pagtanggol valente,
01:39lumutang ang isang lalaking nagsasabing siya si Alias Rene.
01:43Nagpakilala siya bilang si Michael Maurillo at binawi ang kanyang mga aligasyon sa pagdinig ng Senado.
01:50Ako po yung witness, kinawang witness ni Sen. Riza Ontiveros na nakatakip yung muka.
01:56Pero ngayon hindi na sapagkat nagsasabi na ako ng totoo.
02:00Lahat ng sinabi ko at kasama ko doon na nag-witness sa Senado ay ginawa lamang ni Sen. Riza upang papagsakin si Pastor at ang buong kingdom.
02:12Aniya, dinagdagan umano ng abugado mula sa opisina ni Sen. Riza Ontiveros ang kanyang affidavit.
02:19Wala rin daw katotohanan ang sinabi niya ukol sa mag-amang Duterte.
02:23Nandun din yung aligasyon na sa di umano ay nasaksihan ko tungkol sa mga baril na sangkot si Sarah Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte na
02:34hindi naman totoo dahil wala naman akong nasaksihan na gano'ng pangyayari.
02:40Sabi pa ni Maurillo, binayaran umano siya ng isang milyong piso para sabihin ang mga bagay na ito.
02:46Pinatira din daw siya sa isang kondo nung panahon na yun.
02:50Ang mga sinabi ngayon nang nagpakilalang si Alias Rine, tinawag ni Ontiveros na kasinungalingan.
02:57Lahat daw ng witness na iniharap sa Senate hearing tungkol kikibuloy ay malaya at muluntaryong nagbigay ng kanilang testimonya at mga ebidensya.
03:06Lahat daw ay may paper trail at pinatunayan pati ng ilang ahensya at opisyal.
03:11Handa daw silang ilabas ang iba't ibang screenshot at video sa tamang panahon.
03:15May rason daw sila para maniwala na pinilit o binayaran ito para madiskaril ang mga criminal proceedings laban sa pastor
03:23at pagbantaan ang kanyang mga staff at iba pang witness na nagsalita laban kay kibuloy.
03:29Naghahanda na raw sila ng legal na hakbang laban sa anay ay harassment at intimidation.
03:35Hindi raw nila palalampasin ang mga nasa likod ng pananakot na ito.
03:40Sinusubukan pa namin kunin ang panik ni kibuloy at na mga duterte.
03:44Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:49Nagpaikot-ikot ang kotsing yan sa isang gasolinaan sa barangay Mambugan, Santipolo, Rizal.
03:58Halos kasabay nito ang pagsalpok na isang dump truck sa isang wing van.
04:02Wasak ang harapang bahagi ng parehong truck.
04:05Ang mga sasakyan sangkot sa karambola ng sampung sasakyan.
04:09Ayon sa mga otoridad, nawala ng preno sa palusong na bahagi ng kalsada ang dump truck.
04:13Siyam ang sugatan.
04:15Kritikal ang kondisyon ng driver ng nabanggang truck.
04:18Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
04:21Ilang metro lang mula sa pinangyarihan niyan, isa pang karambola ang nangyari.
04:25Sangkot dyan ang isang ling truck at tatlong kotse.
04:28Ang mga aksidente nagresulta sa mabigat na trapiko roon.
04:31Pinalagaan ng Kamara ang pahayag ni Senate President Chief Escudero Kaugnay
04:43sa pagiging matigas umano ng ulo nila Kaugnay sa impeachment proceedings
04:47lamang kay Vice President Sara Duterte.
04:49Ang House Prosecution Panel naman, ipinasa na ang isa sa mga certification na hinihingi ng impeachment court.
04:56Balitang hatiit ni Tina Panganiban Perez.
05:01Isa sa mga hinihingi ng Senate Impeachment Court sa Kamara
05:05ang sertifikasyong nagsasabing walang nilabag sa saligang batas
05:10ang kanilang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte
05:14lalo na ang one-year rule.
05:17Isinimitinan ang House Prosecution Panel ang resolusyon ng Kamara kaugnay nito.
05:28Inihain din nila sa Senate Impeachment Court
05:30ang manifestation ng muling pagsusumitin ng entry of appearance
05:34na mga miyembro ng House Prosecution Panel.
05:47Binigyan din ng House Prosecution Panel ng kopya ng pleadings
05:51ang mga abogado ng vice.
05:53Pero ang impeachment court,
05:55wala pa raw magagawang aksyon hanggang hindi nagbubukas ang 20th Congress
06:00ayon kay Senate President Chief Escudero.
06:04Hinihintay rin ang hinihingi ng korte sa mga papasok na kongresista
06:08na desidido silang ituloy ang kaso laban sa vice.
06:12Kailangan din daw pumili ang Kamara na mga magsisilbing prosecutors.
06:15July 28 kami mag-resume pero ceremonial yun para sa zona ng Pangulo.
06:21Magsisimula pa lang talaga makapagtrabaho ang Senado at Kamara ng July 29.
06:26Pero hindi kami pwede mag-schedule agad hanggat una wala pa yung prosecutors.
06:34Pangalawa, wala pa yung compliance in one shape or another.
06:39Nang tanungin ang Senate President kung anong mangyayari
06:42sakaling di sumunod ang Kamara.
06:44Lahat yun posibleng, ayaw kong pangunahan.
06:48Sa tigas ng ulo nila, ayaw nga tumanggap ng pleading,
06:51hindi na ako magugulat kung gagawin mo nila yun.
06:54Bire mo, pagtanggap lang ng order, pagtanggap ng pleading,
06:57pagtanggap ng answer, pagtanggap ng appearance, pati yun papahirapan.
07:01Pero makikita-kita kami sa tamang panahon,
07:03kaugnay sa mga ganyang ginagawa nila.
07:06Depensa ng Kamara, hindi sila nagpapahirap.
07:10Hindi naman kami nagpapahirap.
07:12Kaya hindi pa matanggap ng House
07:14because there was a motion approved sa plenary.
07:18Doon naman sa entry of appearance,
07:20again, pinapaliwanag natin, wala naman tinanggihan.
07:25Hindi nga lang kasi nagpakilala ng maayos
07:27ang mensahero kung ano yung binibigay nila sa House na dokumento.
07:32Hindi naman sinabi kung entry of appearance to o para saan.
07:35Ang gusto natin, isang trial na magawa forthwith.
07:39Kahit ibinalik ang Articles of Impeachment sa Kamara,
07:43nanindigan si Escudero na may hurisdiksyon pa rin
07:46ang Senate Impeachment Court sa impeachment ng bise.
07:50Sa sagot kasi ng bise sa summons ng korte,
07:53iginiit niyang wala ng jurisdiction ng Impeachment Court
07:56matapos nilang ibinalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
08:00I refer you back to the order itself.
08:03Pakibasa na lang po yung order dahil nakalagay naman doon,
08:07hindi ba, return without dismissing nor terminating the case.
08:12Even if I am the Senate President bilang taga-Pangulo ng Senado,
08:17hindi ko pwedeng dagdagan o bawasan pa yung pinagbotohang order ng Senado.
08:21Hindi pa naman malinaw kung dadalo si Vice President Coterte
08:25kapag nagsimula na ang impeachment trial.
08:28Ayon sa bise, nakadepende ito sa sasabihin sa kanya ng mga abogado niya.
08:34Gusto ko ng bloodbath.
08:36Pero iba ang gusto ng mga experts and sila yung binabiyaran ko.
08:42Ayaw ko magsunog ng pera para lang hindi makinig sa kanila.
08:48As a client, hindi ko papairalin yung gusto ko over doon sa gusto ng abogado
08:59because that would mean I'm wasting my money.
09:03Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:09Ito ang GMA Regional TV News.
09:13Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
09:19Nasawi ang isang lalaki matapos malunod sa dagat sa Iloilo City.
09:24Sara, ano nangyari?
09:25Rafi Lasing umano ang lalaki ng maligo sa dagat ayon sa pulisya.
09:30Sa puha ng CCTV, kita ang paglangoy ng lalaki.
09:34Lumayo pa siya na ilang metro hanggang sa hindi na nakuna ng CCTV.
09:38Ang lalaki, hindi na nakaahon ayon sa mga taga-barangay.
09:43Natagpuan ang kanyang katawan makalipas ang dalawang oras.
09:46Natukoy na ang kanyang pagkakakilanlan at nalamang taga-hamtik-antike.
09:51Hinahanap pa ang kanyang pamilya.
09:53Sa Cagayan de Oro City naman, natagpuan palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki malapit sa Coastal Road.
10:00Isang manging isda raw ang lalaki na 49 anyos at residente sa lugar.
10:04Ayon sa pulisya, nagpaalam ang lalaki sa kanyang asawa na papalaot ng madaling araw.
10:10Wala raw silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng lalaki.
10:14Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang kanyang pamilya.
10:19Sandamakmak na mga plastik na puno ng medical waste ang basta nalang itinapon sa Tabogon, Cebu.
10:27Natagpuan ang mga yan sa isang bakanteng lote sa Barangay Libho.
10:30Laman ng mga yellow trash bag ang infectious waste gaya ng mga blood sample collection tube, dialysis tube at syringe.
10:39Nababahala ang mga residente lalot na diskubre ang mga ito malapit sa dalawang paaralan.
10:44Sa inisyal na investigasyon ng Tabogon LGU, posibleng galing sa isang diagnostic clinic ang mga basura.
10:50Patuloy ang kanilang investigasyon.
10:53Para naman po sa mga nakatatanggap pa rin ng scam messages o kahinahinalang link,
11:00abay may Facebook group na kung saan po pwede tayong magsumbong.
11:04Nakamonitor din doon ang polisya para maaksyonan agad ang mga reklamo.
11:09Balitang hatid ni Dano Tingkungko.
11:11Pikon na pikon ka na ba sa mayatmayang scam na natatanggap mo
11:19mula sa mga text na may link na nag-aalok ng credit card
11:22o nagbabantang isasara ang bank account mo kung hindi mo ikiklik hanggang sa mga alok na trabaho.
11:29Ang iba nga gumagamit pa ng deepfake na mga personalidad na nag-eendorso ng servisyo o produkto.
11:35Pinakahuli ang paggamit sa peking video ni Pangulong Bongbong Marcos.
11:39Kung noon pwede lang mag-report sa Facebook page ng PNPACG o Anti-Cyber Crime Group,
11:45ngayon may dedicated Facebook group na tututok sa mga scam lang para hindi humalo sa ibang sumbong.
11:52Ang Scam Vault PH na binuon ang PNPACG at grupong Scam Watch Pilipinas.
11:58Dito pwedeng mag-post ng screenshots at link na mga kahinahinalang posts
12:02na ituturing ng PNP na timbre para aksyonan sila.
12:06First multiplier, para at least direkto ang may bibigay na natin kay PNPACG.
12:11I-share niyo yung link, yung screenshot. Importante yung link para at least mapatake down.
12:19Sila mismo ang naikipag-ugnayan sa social media site para maalis yan.
12:24Sana immediate na meron sila community standard na sinusunod.
12:28Sana, there must be a regulation on that.
12:32And another thing is for them to have physical office here in the Philippines
12:38para magkaroon talaga ng accountability.
12:42Marami-rami na rin daw ang nahuhuli at napapakulong ng PNPACG
12:47kaugnay sa mga paglabag sa Cybercrime Act.
12:49Mula December 2024 hanggang June 2025, sa 608 na inaresto, 116 na ang nahatulang guilty.
12:59Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:07Mula sa lovely Bicolana candidates,
13:11isa ang nag-stand out para makuha ang title sa Miss Iriga 2025 competition sa Camarines Sur.
13:19Ang pambato ng Iriga City na si Bettina Pauline Francia ang nakakuha ng corona.
13:35From the swimsuit round hanggang sa Q&A portion,
13:39kakaibang confidence at elegance ang ipinamalas ni Bettina.
13:43Itinanghal naman na Miss Bicol Tourism 2025 si Alexandra Krishna Orino
13:48at si Angelica Centeno ang Miss Rinconada 2025.
13:53Host sa Coronation Night,
13:55si na Sparkle Stars at former Miss Universe Philippines Queens,
13:58Rebia Mateo at Bea Gomez.
14:00Pinangunahan ng Philippine Medical Association ang ikalawang dengue summit sa Quezon City.
14:13Pinag-usapan sa pagpilipon kung paano makakamit ang target na zero dengue death pagdating ng 2030.
14:21Sa datos po na Department of Health,
14:23mahigit apat na raan na ang mga namamatay sa dengue mula January hanggang ngayong June 2025.
14:28Nasa mahigit sang daan at 20,000 naman ang mga kaso at posibleng tumaas parao sa mga nalalabinga buwan ng taon.
14:37Ayon kay Health Secretary Ted Erbosa,
14:39tuloy ang mga hakbang nila kontra dengue,
14:42gaya po ng alas 4 kontra mosquito campaign
14:45at pinag-aaralan na rin ang pagkakaroon ng bakuna kontra dengue.
14:49Dahil hindi umabot sa Bicameral Conference Committee ng 19th Congress,
14:56muling isusulong ng ilang labor group ang panukalang taasahod sa paparating na 20th Congress.
15:02Hiling nila sa Pangulo is certified as urgent ang panukala.
15:06Balitang hatid ni Mariz Omali.
15:07Wage increase na sana pero naging bato pa.
15:16Kaya ganun na lang ang pagkadismaya ng mga labor groups
15:19dahil kahit naipasan na ng Kamara at Senado
15:21ni hindi umabot sa Bicameral Conference Committee ng 19th Congress
15:25ang panukalang umento sa sahod.
15:27Yan yung isa sa mga pinakamalungkot.
15:30Paano nangyari yun?
15:32Na isang daan yung pumasa sa Senado,
15:34dalawang daan yung pumasa sa House of Representatives,
15:37pero ang ending, zero.
15:39Wala man na ibigay.
15:41Kaya sa pagbubukas daw ng 20th Congress sa Hulyo,
15:44agad daw iahain muli ng TUCP party list
15:47ang panukalang 200 pesos na dagdag sahod para sa mga manggagawa.
15:52Gagamitin daw nila ang Section 48 ng House Rules
15:55para pabilisin ang proseso.
15:57Lalo't mahigit isang taon din daw na tenga
16:00ang panukala sa House Committee on Labor and Employment.
16:03Target din daw nilang maisama ang wage hike bill
16:06sa mga LEDAC priority measures.
16:09Sa ilalim ng Section 48 ayon sa TUCP,
16:13pinapayagan ng mas mabilis na pagpapasa ng priority bills
16:16na naaprubahan na sa third reading ng nakaraang kongreso.
16:19Kaya panawagan ng mga manggagawa sa Pangulo
16:22is-certify niya as urgent ang legislated wage hike.
16:26Itaas mo kaya ang sahod
16:28para naman, alam mo, ishore up mo naman
16:32ang popular support mo.
16:33Lahat naman ang ginagawa ng presidente
16:35sa mga programa ay
16:37ina-address ang mga
16:39pangangailangan ng mga
16:41manggagawa.
16:42Subalit, binabalansi rin niya
16:44para patuloy na lumago
16:45ang ating ekonomiya,
16:47maragdagan ng employment,
16:48tumaas ang level ng employment
16:50ata yung kapati yung quality ng employment.
16:53Mariz Umali, nagbabalita
16:55para sa GMA Integrated News.
16:59Nasa 800,000 pisong halaga
17:01ng hinihinalang iligal na droga
17:02ang nakuha mula sa naarestong
17:04Chinese Nationals sa Maynila
17:05kagabi.
17:06Ang suspect,
17:07inaresto
17:08ng tangkay namanong magbenta
17:10ng nakaw na kotse.
17:12May ulat on the spot
17:12si June Veneracion.
17:15June?
17:15Raffi, isang Chinese national nga
17:21ang naharap ngayon
17:22sa patong-patong na reklamo
17:23matapos maaresto kagabi.
17:26Una siyang inareklamo, Raffi,
17:28sa PNP Highway Patrol Group
17:30ng pagbibenta ng sasakyan
17:32sa napakamurang halaga.
17:34Inalok niya raw online
17:35ang isang subcompact SUV
17:37sa halagang
17:38180,000 pesos lang.
17:42Yun pala,
17:43naka-alarma ang sasakyan
17:44dahil nakaw,
17:45sabi ni HPG spokesperson
17:47Lt. Nadeym Malang.
17:49Kaya nagsagawa ang HPG
17:51ng entrapment operation
17:52sa Paco
17:52Maynila kagabi.
17:54Huli ang 32 anyo
17:55sa Chinese national
17:56na sakay ng isang
17:57mamahaling sasakyan.
17:58Pero nang inspeksyonin
18:00ang sasakyan,
18:01may mga nakitang droga
18:02gaya ng party drugs,
18:03cocaine,
18:04at shabu
18:04na nagkakahalaga
18:05ng halos
18:06800,000 pesos.
18:08May nakuha rin daw
18:09na baril.
18:10Lumalabas sa investigasyon
18:11ng HPG
18:12na supplier daw
18:13ang suspect
18:13ng party drugs
18:15at iba pang
18:15iligala droga
18:16dito sa Metro Manila.
18:18Isa sa ilalim
18:18sa investigasyon
18:19ng kanyang cellphone
18:20para malaman
18:21kung sino-sino
18:22ang kanyang mga parokyano.
18:23Sasampahan siya
18:24ng reklamong paglabag
18:25sa Comprehensive
18:26Dangerous Drugs Act,
18:27Comprehensive Firearms
18:29and Ammunition Regulation Act
18:30at Anti-Fencing Law.
18:33Sinusubukan pa namin
18:33kunin
18:34ang pahayag
18:35ng naarestong suspect.
18:37Yan ang latest
18:37mula rito sa
18:38Camp Crame.
18:39Balik sa Raffi.
18:40Maraming salamat,
18:41June Veneracion.
18:43Sari kata
18:53sa Raffi.
18:53Sa Raffi
18:54mali
18:54sa Raffi.
18:55Ammunition
18:55an
18:55AS
18:56MARRATOR
18:56a
18:56sa Raffi.

Recommended