00:00Mahigit sa 2,000 aplikante ang lumahok sa job fair ng Maritime Industry Authority o Marina bilang bahagi ng Day of the Seafarers.
00:09Samantala may libreng sakay naman para sa mga marino sa LRT2 at MRT3. Yan ang ulat ni Bernard Ferrer.
00:19Nagtiagang pumila si John Vincent sa job fair na inorganisa ng Maritime Industry Authority o Marina bilang bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Seafarers.
00:27Nagbabakasakali siyang makasakay sa barko bilang isang security officer.
00:32Target niyang makapuntang Europe, particular sa Greece dahil malaking sahod na maaari niyang kitain doon.
00:37Mas malaki ang sahod, dollars, para po matulong ko ang aking mga magulang at mga kapatid po sa pag-aarap.
00:45Si Hannah naman pangarap na makapagtrabaho sa cruise ship kaya sinadya niya rin ang job fair ng Marina.
00:50Unang best niya itong mag-a-apply sa cruise ship kaya gagamitin niya ang kanyang karanasan sa pagdatrabaho sa fine dining restaurant.
00:58Na-inspired ako doon sa mga friend ko na nakakapunta sa iba't-ibang lugar and I want to experience that also.
01:06And also, syempre for my family na din po.
01:09Mahigit dalawang libo ang inisyal na nakaregister sa kanilang job fair.
01:13Isa ang Greece sa may malaking pangailangan ng mga Filipino seafarers, gayon din ang Mediterranean region at Amerika.
01:20Halos 25% ng mga cruise sa mga barko sa buong mundo ay binubuo ng mga Filipino seafarers.
01:26Naiiba yung attitude ng mga Pilipino sa trabaho.
01:31So tayong mga Pilipino ay masisipag at saka mapamaraan.
01:36Pwede tayong makapagtrabaho ng maayos kahit na ang kasama natin sa barko ay ibang nasyonality.
01:44Pinapaalalahan ng Marina ang mga nangangarap na makapagtrabaho sa barko na mag-apply sa mga lihitimong manning agency upang hindi mabiktima ng scam.
01:52Maigpit ding minomonitor ng Marina sa pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs
01:58ang sitwasyon ng mga Filipino seafarers sa Middle East sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
02:03Kasi kung ang crew change nila ay dadaan ng Middle East, medyo naapektuhan yung mga biyahe.
02:10Pero tulad rin ng conflict na nangyari previously, naapektuhan man, nagagawa natin ang paraan kung paano mabawasan yung negative effect sa kanila.
02:22Samantala nagkaloob din ang Marina sa pakipagtulungan sa Department of Transportation ng libreng sakay para sa mga marino sa LRT2 at MRT3.
02:30Sa LRT2, nagsimula ang libreng sakay kaninang 7am hanggang 9am at mula 5pm hanggang 7pm.
02:39Sa MRT3 naman, naavail ang libreng sakay simula kaninang 4.30am hanggang 10.30am at mula 5.05pm hanggang 11.09pm.
02:49Kinakailangan lamang magpakita ng Seafarers Identification Record Book o PRC ID sa ticket seller
02:55o security personnel na lakasasyon sa service gate upang makakuha ng libreng sakay.
03:00Bernard Frer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.