00:00Tila panlilihis lamang sa totoong mga issue ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte sa read of summons ng Senate Impeachment Court, ayon niyan sa House Prosecution Panel.
00:11Gayunman, maghahain sila ng formal na tugon sa loob ng linggong ito. Yan ang ulat ni Mela Lesmoras.
00:17Naniniwala si House Prosecution Panel Spokesperson Atty. Antonio Bukoy na isang tactical move lang ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte sa read of summons ng Senate Impeachment Court para lang i-delay umano ang trial proper.
00:34Sa answer ad kotelam ng kampo ng vicepresidente, kung ano-anong paratang lang kasi umano ang sinabi nila pero hindi naman nasagot ang mga akusasyon sa kanya.
00:44Ililihis mo yung usapin. Yan ho ang nangyari dito. Inilihis ang usapin sa factual allegations of the complaint. Inilihis using procedural issues. Hindi ito yung bloodbath na inaasahan namin.
01:01Pero nonetheless, itutuloy namin ang paglalahad ng ebidensya sapagkat mahalaga na malaman ng sambayanan kung ano yung sakdal.
01:11Ipinababasura rin ang kampo ni VP Sara ang impeachment complaint pero nanindigan ang prosekusyon na wala itong basihan at naniniwala silang gagawin ng impeachment court kung anong tama.
01:23Sa loob ng linggong ito, inaasahang maghahain ng reply ang House Prosecution Team sa korte.
01:28There is no justifiable reason to dismiss without a trial. Dahil ang mandato is to try and to decide, not to dismiss without trial.
01:39Subalit, gusto ko pong idagdag. Kami po ay naniniwala pa rin na ang mga husgado ng impeachment court ay gagawin kung ano ang wasto.
01:49That they will do the right thing in accordance with their mandate, in accordance with the Constitution, and in accordance with what is right.
01:57Kasunod naman ang paghahain ng tugon ng vicepresidente ang ilang kongresista na babahala na baka matabunan ng issue ng accountability o pananagutan sa mga opisyal ng pamahalaan.
02:09I think this has never been and should not be a question of personalities.
02:15This should be a matter of accountability that I think in any case, the people are entitled to the full information and the full knowledge of what really happened.
02:25Ang worry ko lang sa sobrang technical ng usapan, ma-frustrate ang taong bayan.
02:33At siguro naman, whether gusto mo o ayaw mo sa pangalawang pangulo, eh gusto mo makita na ano talaga ang nangyari.
02:42Si House Deputy Minority Leader Franz Castro, kinundi na ang impeachment reply ni VP Sara.
02:48Ano niya hanggang ngayon, asal pusit pa rin umano ang vicepresidente.
02:52Dahil sa halip na tugunan ang mga seryosong aligasyon sa kanya,
02:55nagpapatuloy umano siya sa pagtatago sa pamamagitan ng procedural arguments at technicalities.
03:02Para naman kay Batangas 2nd District Representative Jervie Luistro na isa ring House Prosecutor,
03:07tiniyak nilang pinaga-aaralan na nilang mabuti ang bawat bahagi ng tugon ni VP Sara at sasaguti nila ito sa takdang panahon.
03:15Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.